Developers Handbook ng Tezos, Inilabas na

Share some Bitpinas love:

Translated from Tezos Developers Handbook Now Available

Inilabas na ng Tezos India ng Tezos Blockchain, ang eco-friendly at open source na blockchain network, ang kanilang Developer’s Handbook noong nakaraang Sabado, ika-8 ng Enero. Ayon sa Tezos India, “Ang handbook ay dinisenyo upang magamit ng mga developers sa lahat ng antas at kasanayan” at ang mga developers ay maaaring matuto mag-’code’ sa Tezos sa loob ng 15 araw.

Ang handbook ay makakapagbigay ng basic understanding tungkol sa mga smart contract, mga tutorial kung paano gumawa ng transaksyon gamit ang wallet sa blockchain pati na rin kung paano mag-interact sa mga smart contract gamit ang frontend.

Tignan ang Tezos Developers Handbook dito.

Mayroon din itong gabay kung paano makakapag-integrate sa frontend (client-side na development) gamit ang Taquito at Beacon SDK (Software Development Kit), na magtuturo din sa mga developers kung paano kumonekta sa wallet, ma-access ang storage, makapag-interact sa contract, at makapag-transfer ng tez, ang native cryptocurrency ng Tezos Blockchain.

Dagdag pa rito, kasama rin sa handbook ang SmartPry, ang smart contract development platform para sa Tezos, isang cheat sheet na nagsisilbing quick reference para sa pag-develop ng mga smart contract. Matatagpuan sa cheat sheet ang mga basic template, mga data type, at ang mga functionality na madalas gamitin sa platform.

Noong 2021, ayon sa ulat ng PricewaterhouseCoopers Advisory SAS, ang French member firm ng PwC network, nakapagtala ang Tezos blockchain ng 70% na pagtaas pagdating sa energy efficiency. Samantala, sa kabila ng biglaang pagdami ng mga aktibidad dito na umabot sa 50 milyong transaksyon, tinatayang kaparehas lamang ang annual energy consumption ng Tezos Network sa footprint na nalilikha ng 17 katao (Dagdag babasahin: Ulat ng PwC: Tezos Blockchain, nakapagtala ng 70% pagtaas sa kanilang Energy Efficiency ngayong 2021)

Bilang bahagi ng kanilang multi-chain marketplace, pinili ng Rarible, isang non-fungible token (NFT) marketplace, ang Tezos Blockchain bilang pangatlong blockchain na kanilang susuportahan, kahanay ng Ethereum at Flow, ito ay upang ang kanilang mga users ay makabili, makapagbenta, at makagawa ng “energy efficient na mga NFT na may gas fees na nagkakahalaga lamang ng ilang sentimo .” (Dagdag babasahin: NFT Marketplace na Rarible, naganunsyo ng Integrasyon sa Tezos)

Dagdag pa rito, nakipagtulungan din ang Tezos sa game developer na Ubisoft upang mailabas ang kanilang Ubisoft Quartz Platform, isang platform para sa mga NFT items ng kumpanya. (Dagdag babasahin: Ubisoft, Inilunsad ang kanilang Tezos-powered na NFT platform)

Matatandaang ang BitPinas ay nakatanggap ng suporta mula sa TZAPAC, ang ecosystem arm ng Tezos sa Southeast Asia, at sa tulong nila ay matagumpay na nakapag-organisa ng kauna-unahang NFT-minting contest sa Pilipinas

This article is published on BitPinas: Developers Handbook ng Tezos, Inilabas na

Share some Bitpinas love:
Follow on social and subscribe to our newsletter

BitPinas

BitPinas is the oldest blockchain and cryptocurrency news outlet that covers the Philippine blockchain and crypto scene. We are also writing general and international blockchain topics that are relevant to our audience.