Nasa Coins.ph na ang AAVE, MKR, UNI!
Translated by Arzen Ong from AAVE, MKR, UNI are now in Coins.ph!
Inanunsyo ng Coins.ph, ang nangungunang blockchain-based na mobile wallet sa Pilipinas, sa kanilang mga customers na maaari na silang bumili, magbenta, at direktang makapagimpok ng mga cryptocurrency tokens na MKR (Maker), AAVE at UNI (Uniswap) sa kanilang mga Coins.ph wallets. Umabot na ngayon sa 10 ang bilang ng mga crypto asset na available sa Coins.ph matapos ang pagkakadagdag na mga bagong crypto tokens na ito.
Ang MKR, AAVE, at UNI tokens ay mga ERC-20 Tokens na nagrerepresenta sa tatlong pinakamalaking proyekto sa decentralized finance (DeFi).
Ang MKR ay ang governance token ng Maker Platform, isa sa mga ‘pioneer’ na DeFi project. Binibigyan kakayahan nito ang kanyang mga user na makapag manage ng DAI, isang crypto-backed na stablecoin na ang halaga ay nakatali o ‘pegged’ sa US Dollar. Ang AAVE naman ay ang governance token ng Aave, isang decentralized na ‘non-custodial money market protocol’ kung saan ang mga users nito ay maaaring mag-participate bilang ‘depositors’ o ‘borrowers.’
At panghuli, ang UNI naman ay ang governance token ng UNISWAP, isang decentralized exchange (DEX) kung saan may direktang access ang mga users nito sa peer-to-peer cryptocurrency transaction gamit ang mga AMM (automated market makers), na gumagamit naman ng mga smart contracts.
Binibigyan kakayahan ng mga governance tokens ang mga holders nito na makibahagi sa decision-making kung paano dapat patakbuhin ang kanilang platform.
Nabangit ni Nauman Mustafa, CEO ng Coins.ph, na ang pagkakadagdag ng MKR, AAVE at UNI “ay nagrerepresenta sa pangako ng Coins.ph na suportahan ang lumalagong cryptocurrency market at DeFi projects dito sa Pilipinas.”
Upang makapag simulang bumili, magbenta, o mag impok ng mga tokens na ito, kinakailangan lamang i-update ng mga Coins.ph users ang kanilang app sa pinakabagong bersyon. Ang Coins.ph app ay available sa Google Play Store, App Store, at sa Huawei AppGallery. Ang mga customers ay kinakailangan din na maging Level 2 o ‘ID at Selfie Verified’.
Maliban sa MKR, AAVE, at UNI, nago-offer din ang Coins.ph sa kanilang platform ng ibang cryptocurrency token gaya ng Chainlink (LINK), US Dollar Coin (USDC), at Kyber Network Crystals (KNC). Naging available ang mga ito simula noong Hulyo 2021. Ang LINK ay ang native token ng Chainlink, isang decentralized oracle network na ang layunin ay magdala ng ‘real-world data’ sa mga smart contracts. Ang Kyber Network naman, kung saan ginagamit ang KNC bilang governance token, ay ginagamit upang makapag swap ng iba’t ibang tokens mula sa iba’t ibang decentralized apps, wallets, at DeFi. At ang US Dollar-backed na USDC naman ay isang stablecoin na may 1:1 conversion sa kanyang fiat counterpart. Ang USDC ay inilunsad ng Center Consortium, isang ‘initiative’ mula sa dalawang nangungunang crypto companies na Circle at Coinbase.
“Ang 2021 ay ang taon kung saan maraming mahahalagang ‘adoption’ na naganap sa merkado ng cryptocurrency sa Pilipinas. Ikinagagalak naming ibahagi ang milestone na ito sa aming users. Nangangako kaming patuloy nag pagbubutihin ang aming e-wallet at virtual currency service upang lalong makapag serbisyo sa lumalaking demand.” Pahayag ni Mustafa, matapos nilang i-anunsyo na umabot na sa 16 Million ang users ng Coins.ph sa buong bansa. Isa itong patunay na sila ang tunay na pinakamalaking cryptocurrency exchange sa Pilipinas! (Dagdag na babasahin: Tahimik na inanunsyo ng Coins.ph na ang Users nila ay umabot na ng 16 Million)
Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Nasa Coins.ph na ang AAVE, MKR, UNI!