Advertisement PDAX Banner

Live na ang AXS Staking sa Axie Infinity (Tagalog)

Photo for the Article - Live na ang AXS Staking sa Axie Infinity (Tagalog)

Mahalagang punto

  • Maari ka ng mag stake ng iyong AXS dito! Makukuha mo ang iyong rewards sa loob ng 24 oras.
  • Silipin nyo din ang โ€˜Handbook para sa detalyading staking, para sa inyong gabay.โ€™
  • Ang staking system ay unti-unti naming ia-upgrade upang magkaroon lahat ng nakibahagi sa ecosystem nito ng pundamental na ownership.
  • Magbibigay din kami ng AXS tokens sa mga Ronin wallets ng ating mga founding community members base sa snapship na nakuha noong October 26th, 2020.

This Tagalog article is translated by Arzen Ong from: https://axie.substack.com/p/stake

Check out more Axie Infinity and Tagalog articles on BitPinas.

AXS Staking Launch

Ngayong araw ay malugod naming inaanunsyo ang paglulunsad ng ating staking program! Isa itong mahalagang hakbang tungo sa ating pang matagalang layunin na tunay na co-ownership ng Axie Infinity kasama ang ating mga community members na may mga mahahalagang naiambag sa mabilis na paglaki ng ating movement. Ang staking ay isang paraan upang mailagak mo ang iyong AXS para makakuha ka ng dagdag na AXS bilang pabuya. Ang pamimigay ng rewards ay magsisimula bukas (editorโ€™s note: Oct. 1, 2021) upang masiguro na ang ating mga AXS holders mula sa ibaโ€™t ibang timezones ay may sapat na oras upang sila ay makapag-stake at bago magsimula ang bigayan ng rewards.

Papaano Mag-Stake ng AXS Tokens

How to stake your AXS tokens | Tutorial
Advertisement PDAX Banner

Ang ating paunang rewards ay galing sa nakalaang set para mahikayat ang pasimula ng AXS staking. Inaasahan namin sa mga susunod na buwan at taon, magiging importanteng parte ang staking upang matulungan ang ating mga community members sa kanilang pagpapasya sa mga susunod na hinaharap ng Axie, kasama na dito ang pagkakaroon nila ng boses sa kung paano ilalaan ang ating community treasury. 

Ano ba ang AXS?

Ang Axie Infinity Shards (AXS) ay unang ipinakilala noong Nobyembre ng 2020 upang masiguro na ang Axie Infinity ang magiging kauna-unahang laro na magiging pagmamay ari ng mga manlalaro nito. Sa ngayon, ang mga AXS tokens ay makukuha lamang kapag mataas ang rango mo sa leaderboards tuwing PVP seasons at kapag ikaw din ay nananalo sa ating mga tournaments. Maari mo rin itong mabili sa mga ibaโ€™t ibang cryptocurrency exchanges sa buong mundo. Habang patuloy tayo sa ating paglalakbay, magkakaroon pa ng mas maraming paraan upang makakuha ng AXS sa loob ng laro at pati narin sa pag-ambag sa ecosystem ng laro. Wag kang mag alala kung hindi ka pa nagkakaroon ng AXS. Dinisensyo ito upang makamit ng mga taong karapat dapat para sa kanya at sa mga taong pinakagusto na makakuha nito. 

Photo for the Article - Live na ang AXS Staking sa Axie Infinity (Tagalog)

Ang kada isang AXS token ay kumakatawan sa maliit na bahagi (shard) ng mundo ng Axie. Ang staking ay isang paraan upang mabigyan natin ng pabuya ang ating mga community members na mayroong pangmatagalang mindset at handang mag-lagak ng kanilang AXS tokens. Sa pag-stake ng iyong AXS, maari kang magkamit ng dagdag na AXS kapag inilagak mo na ang iyong AXS sa staking dashboard. Sa mga susunod na updates, ang staking ay magbibigay ng kakayahan sa mga members na makaboto sa mga desisyon na maaaring gawin tungkol sa pag allocate ng pondo mula sa โ€˜Community Treasuryโ€™, na sa ngayon ay mayroong laman na mahigit sa isang bilyong dolyar na halaga ng token.

Ang paglulunsad na ito ay isang di malilimutang kasaysayan sa ating komunidad at nagpapalapit sa ating layunin na ipamahagi ang biyaya ng ating ecosystem sa lahat ng mga Lunacians.

Kung gusto mo pang matuto tungkol sa AXS, basahin mo ang ating whitepaper!

Photo for the Article - Live na ang AXS Staking sa Axie Infinity (Tagalog)

Ang mga Numero.

Sa unang buwan ng staking ay mamamahagi tayo ng 2,000,000 AXS. Ito ay 64,516 AXS kada araw at 2.24 AXS kada block (magkakaroon ng ~28,800 blocks kada araw). 

Kasalukuyan nating inu-update ang ating staking math sa tulong na din ng Delphi Digital gamit ang kanilang makabagong data at kaalaman na nakalap mula sa buong industriya. Hindi muna natin gagalawin ang kabuuang supply, at bagkus ay gagawin muna nating mas mahaba ang emision schedule nito.

Gusto naming ipaalala na ang maximum supply ng AXS tokens ay nasa 270 Million. Sa ngayon ay mayroon ng 58 Million AXS ang nasa sirkulasyon, habang ang natitirang supply ay nakalaan para sa staking, gameplay rewards, at pabuya para sa ecosystem structure. At dahil libo-libong bagong Axie players ang naglalaro nito kada linggo, naging mas importante na mailabas na ang mga tokens sa lalong madaling panahon upang ang lahat ng miyembro ng komunidad ay magkaroon ng pagkakataong makakuha ng piraso ng mundo ng Axie Infinity. 

Ang Hinaharap?

Sa ngayon, ang ating dashboard ay simple lamang. Peri hindi magtatagal, sa tulong nadin ng ating komunidad, iaa-upgrade natin ito base sa ating prinsipyo ng co-ownership at co-creation. Ang governance ng isang decentralized na komunidad ay nagsisimula palang at ating pag-aralan ang mga bagong impormasyon at detalye na ating makakalap para na rin sa mahimok ang mga users at mga builders sa hinaharap. Naniniwala kami na ang susunod na bugso ng mga bagong crypto ay nakasentro sa social coordination at governance tooling. At kahit na may ideya na kami kung paano gawin ito ng tama, atin munang antabayanan ang resulta ng mga pagbabago gamit ang isang token at community design.

Isang regalo para sa ating nga naunang miyembro.

Noong nakaraang taon, aming inanunsyo na sa hinaharap, ating kilalanin ang mahigit kumulang 10,000 na founding community members sa pamamagitan ng pagbibigay ng pabuya na AXS tokens. At ngayon, magsisimula na tayong ipamahagi ang 800,000 AXS sa mga unang gumamit at naglaro ng axie infinity. Ang mga taong ito ang mga nagtaguyod ng pundasyon ng ating digital nation. Ang ating ipapamahagi na halaga ng tokens na lagpas pa sa 50,000,000 USD, at magsisilbing representasyon ng aming pangako na maging community-owned ang Axie Infinity.

Ang snapshot na ito ay nakuha sa Ethereum Block: https://etherscan.io/block/11130500.

Sa snapshot na ito makikita ang digital na representasyon ng mga iba’t ibang account sa Axie, mga lupa nabili na, aktibidad sa marketplace, at mga laban na naipanalo sa loob ng ating app. Nung kinunan namin ang snapshot na ito ay abala pa kami sa paglulunsad ng AXS token. Ibinigay sa amin ng snapchat na ito ang data na kailangan upang maibahagi namin ang mga pabuya ngayon. Nagsagawa kami ng mga paunang modelo at projeksyon ng mga hypothetical drops subalit nag-desisyon kami na balikan na lamang ang mga ito kapag mayroon na kaming sapat na kaalaman at oras upang mapag-aralan ito ng mabuti. Sa totoo lang ay naisip namin na noon ng maglagak na ng maliit na parte nito at simulan ng kausapin ang komunidad tungkol dito. Hindi namin ito itinuloy sapagkat nais namin na mas malaking halaga ang aming maibahagi sa mga tunay na naniwala sa Axie Infinity. Sa aking pagbabalik tanaw, hindi namin inaasahan na makakapag pabahagi kami ng pabuya sa mas makabuluhang paraan.

Ipapadala namin ang iyong pabuya sa iyong Ronin Wallet address na nakakabit sa iyong lumang Axie Ethereum Address. Kung walang nakakabit na address, ipapadala na lamang namin ito sa iyong Ethereum address sa loob ng Ronin. I-import nyo na lamang ang inyong address sa loob ng inyong Ronin Wallet upang makita ninyo ang inyong pabuya.

Ang translated na artikulong ito ay inilathala sa BitPinas: Live na ang AXS Staking sa Axie Infinity (Tagalog)

Axie Infinity Discord, FAQ, Creator Guide

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.