Cryptoday 030: Axie Infinity 1M Players at $1B na Sales (Tagalog)

Share some Bitpinas love:

This opinion article is translated into Tagalog by BitPinas which is originally from Luis Buenaventura II’s Cryptoday Column here. The Tagalog versions of Cryptoday are published 1 day after the English version is out. Luis is the co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines. 

1) Kung hindi niyo ako sinusundan sa Facebook, kailangan kong iulat na ilang oras pagkatapos ko ilathala ang aking newsletter tungkol sa website ng OMB, sinara ng departamento ang kanilang website. Kahit na marahil ay nagkataon lamang na sinara nila ang website pagkatapos ko ito i-cover, may malaking posibilidad na may nagpadala sa kanila ng aking newsletter. Tatlong buwan na ang mga kwestyonableng link sa kanilang website, wala man lang nakapansin hanggang noong araw na nagsulat ako ukol dito?

Ang website nila ngayon ay “under construction” at dahil dito, mas lalong mahirap na para sa mga Pilipino na makakuha ng kanilang Trezor permits. Sana man lang ay napipindot ang link na kanilang inirekomenda (tignan ang larawan sa itaas). Habang ang omb.gov.ph ay “under construction,” sana ay mag-install na din sila ng SSL certificate para hindi na ito makita sa kanilang website:

Hindi ako sigurado kung bakit kailangan pa nila isara ang buong website kung pwede naman nilang tanggalin na lang ang WordPress plug-in na nag-insert ng mga kuwestyonableng links. Sa ngayon, ang pagsuspindi ng Trezor sa pagpapadala ng crypto hardware devices sa bansa ay mananatili.  

Protocol Revenue ng Axie Infinity

2) Isang milyon na ang “daily active players” ng Axie Infinity; ito ay 300% na higit sa players nito noon lamang nakaraang buwan. Sa araw na yun ay inabot din ng Axie ang isang bilyong dolyar na marketplace sales. Ang Axie na ngayon ang may pinakamalaking protocol revenue na mas mataas pa sa Ethereum. 

Ang “protocol revenue” ay isang malawak na kataga na iba-iba ang ibig sabihin depende sa kung ano ang ginagawa ng iyong blockchain app. Para sa Ethereum, ang protocol revenue ay ang kabuuang halaga na kinita ng mga “miners” sa loob ng isang araw, isang buwan, o isang taon (o iba pang time frame). Para naman sa Axie Infinity, ang protocol revenue ay “marketplace sales.” Dyan pa lang ay masasabi nating hindi talaga sila akmang ikumpara sa isa’t isa sapagka’t hindi naman maabot ng Axie ang kanilang protocol revenue kung wala ang Ethereum. Gayunpaman ay isa itong interesanteng statistic.

$AXS at ang Axie Economy

3) Subalit ang kasiglahang ito ng Axie economy ay hindi nag-reflect sa presyo ng $AXS, ang governance token ng Axie Infinity. Habang sinusulat ko ang newsletter na ito, ang $AXS ay 15% na mas mababa sa pinakamataas na presyong naabot nito dati. Hindi na akma ang aking eksplanasyon dati na magrereflect sa presyo ng AXS ang tunay na kalusugan ng Axie economy.

Bakit bumababa ang presyo ng SLP?

4) Kung nagtataka kayo bakit bumababa ang presyo ng $SLP, tignan natin ang ilang data. Sa pagitan ng Hulyo 19 at Hulyo 26, tumaas ng 150,000 ang daily active players ng Axie Infinity (mula 635,000 patungong 806,000 players). Samakatuwid ay umakyat ng 20% ang mga players na araw araw naglalaro nito.

Ibig sabihin, sa pagitan ng Agosto 2 at Agosto 9 (labing-apat na araw pagkatapos), may 150,000 players na nagbenta ng SLP kapalit ng fiat money. Alam natin ito dahil may labing-apat na araw na kakailanganin bago makakapagclaim ang isang player ng kanyang SLP sa loob ng game. Kung ito ang iyong unang Axie payday, malamang ay ibebenta mo lahat ng naipon mong SLP. Ibig sabihin nito agad ay 3 bilyong piso na halaga ng SLP na binenta sa market mula Agosto 2 hanggang 9, yan ay dagdag pa sa kung ilan pa ang nasa sirkulasyon sa ngayon. Kung ating titignan noong nakaraang linggo, ang presyo ng SLP ay nabawasan ng 20%, na siya ring porsyento ng bagong players ng Axie Infinity. Ibig sabihin ba nito ay ang mga bagong players ang nagbebenta ng SLP? 

5) Atin pang tignan ang data: Mula sa announcement sa itaas na mayroon ng 1 million na players ang Axie Infinity, alam din natin na mula Hulyo 26 hanggang Agosto 6, nadagdagan ng 200,000 na bagong players ang laro. Pwede nating hulaan na sa susunod na labing-apat na araw (sa pagitan ng Agosto 9 at Agosto 20), may mahigit apat na bilyong piso na halaga ng SLP na posibleng madagdag sa market. Ibig bang sabihin nito ay bababa pa ang presyo ng SLP ng 20%? Hindi naman tayo sigurado ngunit mayroon tayong historical data para magkaroon ng ganoong analysis. Naway bilhin ng mga breeders ang mga SLP na ito para mag-stabilize ang presyo. Kung hindi nila yun gagawin, o kaya naman ay kapag lalo pang tumaas ang supply kumpara sa demand, baka bumaba pa sa siyam na piso ang presyo ng SLP sa mga susunod na linggo.

Ang Posibleng  Crypto Exodus sa Amerika

6) Masigla ang crypto markets nitong katapusan ng linggo. Ang Bitcoin ay nasa mahigit dalawang milyong piso habang ang Ether ay 150,000 piso. Marami ang may magandang opinyon tungkol sa Ethereum upgrade noong Biyernes, at mukhang yun ang dahilan kung bakit maganda ang market ngayon. Sa US Congress ay pinagdedebatehan pa rin nila ang isang tax reform na magkakaroon ng malaking epekto sa industriya ng crypto sa kanilang bansa.

Saklaw ng batas na ito ang lahat ng uri ng serbisyo at kompanya sa industriya (mula Coinbase hanggang Abra, mula Uniswap hanggang BRD.) Depende sa magiging resulta sa US Congress, malaki ang posibilidad na umalis ang mga kumpanyang ito sa US. Halos ganito rin ang nangyari sa China nitong mga nakaraang buwan, yun nga lang ay hindi bumilang ng animnapung (60) araw para mawala halos lahat ng mga kumpanya ng crypto sa kanilang bansa. Sa Amerika kasi, kahit maging batas ang tax reform na pinadedebatehan, aabot pa ng ilang taon bago maramdaman ang epekto nito sa negosyo. 

Ang isang maaring epekto nito ay ang paglaganap ng industriya ng crypto sa iba pang mga bansa, mapipilitan ang mga malalaking kumpanya sa crypto na itayo ang kanilang negosyo sa ibang mga hurisdiksyon. Napakaraming crypto talent sa China at Amerika, isang magandang outcome [ng crypto tax reform sa Amerika at crackdown sa China] ay kung ang mga talent na aalis sa mga bansang ito ay tutungo sa mas maraming bansa upang palawakin pa ang ating industriya.

Hanggang sa Miyerkules uli, Cryptofam! (P.S. Wala pang update sa aking Trezor pero i-uupdate ko dito sa oras na magkaroon ng balita tungkol dito.)

This translated article is published on BitPinas: Cryptoday 030: Axie Infinity 1M Players at $1B na Sales (Tagalog)

Share some Bitpinas love:
Follow on social and subscribe to our newsletter
Subscribe
Notify of
guest
1 Comment
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments

[…] Source: bitpinas.com […]

Luis Buenaventura II

    Luis started working in the Bitcoin space in 2014 and, with his startup Bloom, focuses on bringing the blockchain to remittance businesses around the world. He authored the book "Reinventing Remittances with Bitcoin," which collects strategies and stories about the fast-growing blockchain remittance industry. (https://bit.ly/remitbook). Bloom recently launched a new app BloomX to cater to the modern Filipino crypto investor. His writing on cryptocurrencies has been featured on online publications including Quartz, Techcrunch, and The Next Web.