Cryptoday 033: Mga Saloobin Ukol sa Axie Gaming at Pi Network Hype (Tagalog)

Share some Bitpinas love:

This opinion article is translated into Tagalog by BitPinas which is originally from Luis Buenaventura II’s Cryptoday Column here. The Tagalog versions of Cryptoday are published 1 day after the English version is out. Luis is the co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines. 

Ito na ang ika-limang araw ko ng paglalaro ng Axie Infinity. Ibinuhos ko ang lahat ng aking libreng oras upang matutunan ang larong ito sa pinakamabilis na paraan kaya may dalawandaang duels na ako sa Arena. Ang aking MMR ay medyo mataas lang sa 1,400 at ang ang porsiyento ng aking panalo ay 53%. Malayo pa ito sa pagiging eksperto, alam ko, pero unti unti ko nang nagagamay ang larong ito.

Competitive Axie Infinity Gaming

Lumalahok ako dati sa mga patimpalak ng Magic: The Gathering at Hearthstone, kaya hinubog ng mga larong ito ang aking opinyon kaugnay sa Axie Infinity. Ano ang pinakamalaking pagkakaiba ng mga collectible card games at ng mga larong gaya ng Valorant, Fortnite, at CS:Go? Una sa lahat kapag natalo ka sa isang round ng Counterstrike, pwede mong sisihin ang mabagal na reload time ng iyong baril, ngunit hindi mo magagawang bayaran ang isa pang tao para i-upgrade ito. Sa mundo ng first-person shooters, hindi magagawa ng manlalaro na patuloy na magbayad upang patuloy na manalo sa mga laro (“Pay-to-win.”) lalo na sa mga patimpalak.

Ano ang pinakamalakas na card sa Axie Infinity?

Mayrong biro sa mundo ng collectible card game patungkol sa kung ano daw ang pinakamalakas na card sa mundo. Ito ay walang iba kundi ang iyong “credit card.” Malaki ang kinikita ng Magic: The Gathering at Hearthstone dahil handang maglaan ng pera ang kanilang manlalaro sa pagbili ng mga “card packs” na hindi nila alam kung ano ang laman, bibili sila ng bibili hanggang sa wakas ay makabuo sila ng deck na sa kanilang palagay ay makakapagpapanalo sa kanila. May ganoon ding pakiramdam sa Axie Infinity; sa tuwing natatalo ako ng isang Aqua Team, para bang may nag-uudyok sa akin bumili na naman ng panibagong Axie sa marketplace. Buti na lang at mahal ang mga Axies kaya ang mga manlalarong gaya ko na gustong pataasin ang kanilang win-rate ay hindi basta basta bibili, bagkus ay tatanggapin na lamang ito at magpupursigi na maging mas mahusay sa laro.

Kikita ka ba sa paglalaro ng Axie Infinity? 

Oras na lumagpas ka sa 1,300 na MMR, makakakuha ka ng 9 SLP kada panalo, na sa ngayon ay katumbas ng 77 piso. Kumita na ako ng 5,000 piso gaya ng nakikita niyo sa screenshot ng aking BloomX account sa ibaba. Ang halagang yan ay halos kalahati na ng minimum wage dito sa Pilipinas, na aking naipon sa paglalaro lamang ng apat na araw. 

(Kung kayo ay nagtataka, hindi ko talaga kinuha ang SLP na nasa mismong laro. Isang buwan ang nakakaraan ay bumili ako ng SLP bilang “trading buffer” at inilagay iyon sa aking BloomX account. Kada tapos ng isang araw kong paglalaro, titignan ko kung ilang SLP ang aking naipon at agad na ibebenta ang katumbas na bilang mula doon sa aking BloomX wallet. Gagamitin ko ang SLP na aking mailalabas sa laro pagkatapos ng 14 araw upang matumbasan ang kung ilan man ang naibenta ko sa mga araw bago iyon. Ginagawa ko ito upang makuha ang tunay na araw-araw na presyo ng SLP. Pwede rin naman ako maghintay ng dalawang linggo at umasa na maganda ang presyo sa oras na ako ay nag-claim ng naipong SLP. Ngunit tingin ko rin mas ligtas ang sistema ko ngayon sa pagbenta ng SLP.

Pi Network

Meron ba sa aking makakagsabi kung bakit biglang sikat ng Pi Network dito sa Pilipinas? Ayon sa kanilang founder ay mayroon ng 23 milyon na users ng Pi Network. Maari kang maging miyembro ng Pi network kapag dinownload mo ang app nito at intayin na dumami ang iyong naiipong Pi ng wala kang ginagawa. Mayron ding chatroom na mas marami pa ang nagta-Tagalog kaysa sa Ingles. 

Nag-install ako ng Pi network sa aking telepono upang hindi mo na gawin. Ang punto ng Pi Network? Gusto ng founders na ikalat ang app sa mas maraming tao habanag binubuo nila ang mainnet ng kanilang blockchain. Oras na mailunsad ang mainnet, kung ilang Pi man ang nasa iyong app ay ibibigay sa iyo sa pamamagitan ng isang “airdrop” gamit ang kanilang blockchain wallet. Lahat ng gumagamit ng app ay umaasa na ang proyektong ito ay magtagumpay. Umaasa din sila na ang Pi ay magkakaroon ng tunay na halaga sa hinaharap. Pinangako ng Pi na ilulunsad ang kanilang mainnet bago matapos ang taong ito habang ang pag-withdraw ay hindi posible hanggang 2022. Mahalagang iyong malaman na kahit na ba ang proyektong ito ay ginawa sa Stellar blockchain, hindi ito open-source kaya imposibleng masuri ang anuman sa kanilang pinagmamalaking mga technological claims.

Ang Pi Network ba ay isang scam?

Mayroong isang kasabihan na lagi kong binabanggit kapag napag-uusapang ang mga bagong proyekto sa crypto. “Huwag iugnay sa malisya ang isang bagay na maaring maipalawanag ng kanilang kawalan ng kakayahan.” Sa madaling salita, hindi mo kailangan maging scammer upang hind umusad at mabigo ang iyong proyekto sa industriya ng crypto, maaring hindi lang talaga sila mahusay sa kanilang trabaho. Bahagi ng aking dahilan ay ang kanilang paglikha ng sitwasyon na a) imposibleng masuri ang kanilang code at b) imposibleng masuri ang dami ng inalaang Pi.

Pero syempre, atin pa ring kalkulahin. Sabihin na nating ang 23,000,000 users na gumagamit ng kanilang app ay mayroong tig-1,000 na Pi token pagdating ng 2022, at ipagpalagay natin na nating 10 porsyento lang ang ilalaan ng founders para sa kanilang sarili (napaka konserbatibo ng estimasyong ito, sa totoo lang.) Ibig sabihin, sa oras na mailunsad ang Pi Network, mayroong 25 bilyon na Pi token ang papasok sa market sa kauna-unahang pagkakataon. Tila ang hirap isipin na bawat Pi token ay magkakaroon ng 1 dolyar na halaga, kaya ating ipagpalagay na ito ay aabot ng 0.10 dolyar. Sa market cap nito na 2.5 bilyong dolyar, mas malaki pa ang kanyang valuation kaysa sa $DASH, $SUSHI, at $YFI. Ang tatlong nabanggit ay mga malalaking proyekto na may malaking community at developers na sumusuporta dito. Nasa sayo na kung sa iyong palagay ay maaring mangyari ang senaryo sa itaas. Tandaan lamang na kahit sa napaka-optimistic na forecast na ito, isang taon pagkatapos mailunsad ang Pi, ang halaga na mayroon kayo ay 100 dolyar lamang, na siyang kinita ko sa loob lamang ng apat na araw na paglalaro ng Axie Infinity.

Manitili sana kayong ligtas, mga ka-crypto!

This translated article is published on BitPinas: Cryptoday 033: Mga Saloobin Ukol sa Axie Gaming at Pi Network Hype (Tagalog)

Share some Bitpinas love:
Follow on social and subscribe to our newsletter
Subscribe
Notify of
guest
3 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments

[…] This translated article is published on BitPinas: Cryptoday 033: Mga Saloobin Ukol sa Axie Gaming at Pi Network Hype (Tagalog) […]

[…] This translated article is published on BitPinas: Cryptoday 033: Mga Saloobin Ukol sa Axie Gaming at Pi Network Hype (Tagalog) […]

[…] This translated article is printed on BitPinas: Cryptoday 033: Mga Saloobin Ukol sa Axie Gaming at Pi Network Hype (Tagalog) […]

Luis Buenaventura II

    Luis started working in the Bitcoin space in 2014 and, with his startup Bloom, focuses on bringing the blockchain to remittance businesses around the world. He authored the book "Reinventing Remittances with Bitcoin," which collects strategies and stories about the fast-growing blockchain remittance industry. (https://bit.ly/remitbook). Bloom recently launched a new app BloomX to cater to the modern Filipino crypto investor. His writing on cryptocurrencies has been featured on online publications including Quartz, Techcrunch, and The Next Web.