Cryptoday 034: Bakit Ako Tumigil Mag-Invest sa Bitcoin (Tagalog)

Share some Bitpinas love:

Kahapon ay kausap ko ang ilan sa mga kilalang personalidad sa ating industriya kung saan ang aming kwentuhan ay napunta sa aking personal na dahilan kung bakit ako nasa crypto. 

This opinion article is translated into Tagalog by BitPinas which is originally from Luis Buenaventura II’s Cryptoday Column here. The Tagalog translations of Cryptoday are published 1 day after the English version is out. Luis is the co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines. 

Bakit si Luis ay Nasa Crypto

Nung nagsimula akong magtrabaho sa industriya ng Bitcoin noong 2014, naengganyo ako sa teknolohiya nito na para bang pinaghalo-halong siyensya, mahika, decentralized community, at ang makabagong pag-iisip tungkol sa ekonomiks at patakarang sa pananalapi. Pakiramdam ko ay sobrang akma nito sa Pilipinas, kaya naman ginugol ko ang ilang taon ng aking buhay upang ang isang napaka-kumplikadong teknolohiyang ito ay mapakanibangan ng karaniwang tao. Pito’t kalahating taon na ang nakakalipas at ibabahagi ko sa inyo ang aking mga obserbasyon.

Maraming Pilipino ang Walang Perang Pwedeng Ipunin

Lubos akong naniniwala na ang Bitcoin ang pinakamagandang impukan ng kayamanan na ginawa ng tao. Ang problema? Maraming pinoy ang walang pera upang magsimula ng makapag-impok. Kahit ang palaging nirerekemonda na pagbili ng 1,000 pisong halaga ng Bitcoin kada buwan — panangga man lang sa pagbaba ng halaga ng piso — ay hindi akma sa Pilipinas. Para mong sinabihan ang 90 porsyento ng mga pamilyang Pilipino na wag kumain ng isang beses sa isang buwan. Ang Bitcoin at iba pang cryptocurrencies ay hindi ka papayamanin, maliban kung (a) napakaswerte ng iyong timing o (b) may sapat kang pera upang hindi galawin ang iyong crypto sa loob ng apat na taon. Ilang beses ng nangyari sa maraming tao ang (a) sa itaas kaya alam nating hindi ito imposible. At kung kabilang ka naman sa 10 porsyento ng mga Pilipino na kayang tiisin ang (b), sige at ipagpatuloy mo lang ito. 

Timing sa Pagbili ng Bitcoin

Lahat ng nasa crypto ay alam kung bakit napaka-importante ng timing sa kanilang mga investment. Ngunit di nila alam kung gaano kaiksi ang oras ng sinasabi kong timing. Base sa market data nitong nakaraang walong taon, sampung beses lang sa isang taon umaangat ng sobrang laki ng Bitcoin.

Ito ang tinatawag na “rule of 10 best days,” ngunit hindi talaga ito isang alituntunin, bagkus ay isang obserbasyon ng isang bagay na nangyayari ng madalas. Saad sa “rule of 10 best days,” kahit na sobrang bilis ng pagbabago ng presyo ng Bitcoin araw-araw, mayroon lang talagang 10 araw sa isang taaon na ang volatility na ito ay sapat (mga 10 porsyento) upang madagdagan ng malaki ang iyong net worth. Ang problema? Hindi mo alam kung kelan ang sampung araw na yun, kaya naman maraming Bitcoin holders ang naghohodl at umaasang ang crypto winter ay mabilis na matatapos.

Pagbabago ng aking pananaw

Sa loob ng mahabang panahon ay inilaan ko ang malaking bahagi ng aking oras upang mapakinabangan ng mas maraming mga Pilipino ang Bitcoin. Ngunit ngayon, napagtanto kong ang paggamit ng Bitcoin bilang isang “wealth storage” ay hindi sapat. Imbes na turuan ang mga pinoy paano mag-ipon ng yaman, gusto kong gugulin ang aking oras upang tulungan ang aking mga kapwa Pilipino na lumikha ng yaman gamit ang crypto. Hindi ko ibig sabihin na bumili kayo ng token at hintayin ang presyo nito tumaas. Maari mo yun gawin ngunit ang ganoong gawain ay nagpapakalat lamang ng maling pananaw tungkol sa crypto (na ito ay easy money at isang sugal). 

Ang ilan sa mga paraan ng pagbuo ng kayaman gamit ang crypto ay Yield Farming (para sa mga Pinoy na may kapital). Ang Play-to-earn din ay isang paraan na binabago ang ating pananaw sa pag-aari at pagpapahiram ng digital assets. Pakiramdam ko ay mas marami na ring mga Pilipino ang umangat ang buhay dahil sa NFTart kaysa sa Bitcoin.

Ayaw ko na ba sa Bitcoin?

Hindi naman ibig sabihin nito na ayoko na ng Bitcoin. Nagbago lang ang aking personal na pananaw — imbes na magturo ng “passive wealth generation,” gusto kong ituro ang “active wealth generation” at simula ngayon ay marami na kayong mababasa tungkol dito sa Cryptoday. Marahil ay may ilan sa inyo na di nasiyahan sa inyong nabasa, mabuti na lang at hindi niyo ako binabayaran upang ilathala ang newsletter na ito… 

Sa aking anim na kaibigang maximalists, hindi ko sinasabing walang halaga ang lahat ng naiambag ng Bitcoin sa ekonomiya, teknolohiya, at maging sa kultura. Nag-iba lang ang aking perspektibo sa isang bagay na tingin ko ay mas makakatulong sa mas maraming mga Pilipino.

Ang Aking Axie Journey

Kagabi ay lumagpas ako sa 1600 MMR sa Axie Infinity, ngunit ito ay panandalian lamang dahil bumaba ako agad sa 1580 ilang minuto pagkatapos. Ang aking win-rate ay 55 porsyento sa apatnapung laban.

Medyo hindi maganda ang paglalaro ko nitong nakaraang araw ngunit nais kong magpokus ngayon upang makabalik sa MMR na may 15 SLP na pabuya kada panalo. Nakaipon ako 246 SLP kagabi, na agad kong kinonvert sa 2,137 piso gamit ang BloomX. Natutuwa ako sa paglalaro nito at pakiramdam ko, sa sobrang lalim ng meta ng Axie Infinity ay hindi ko pa nakikita ang lahat ng uri ng team na aking makakaharap. Pitong araw na lang at makeclaim ko na ang aking mga naipong SLP, pagdating ng araw na iyon ay mayroon na akong personal na data upang mapag-usapan natin ang proseso mula simula hanggang wakas. 

Salamat sa pagbabasa, mga ka-crypto! Sa Biyernes na ulit!

Ang article na ito ay na-published sa BitPinas: Cryptoday 034: Bakit Ako Tumigil Mag-Invest sa Bitcoin (Tagalog)

Share some Bitpinas love:
Follow on social and subscribe to our newsletter
Subscribe
Notify of
guest
8 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments

[…] Ang article na ito ay na-published sa BitPinas: Cryptoday 034: Bakit Ako Tumigil Mag-Invest sa Bitcoin (Tagalog) […]

[…] Ang article na ito ay na-published sa BitPinas: Cryptoday 034: Bakit Ako Tumigil Mag-Invest sa Bitcoin (Tagalog) […]

[…] Ang article na ito ay na-published sa BitPinas: Cryptoday 034: Bakit Ako Tumigil Mag-Invest sa Bitcoin (Tagalog) […]

[…] Ang article na ito ay na-published sa BitPinas: Cryptoday 034: Bakit Ako Tumigil Mag-Invest sa Bitcoin (Tagalog) […]

[…] Ang article na ito ay na-published sa BitPinas: Cryptoday 034: Bakit Ako Tumigil Mag-Invest sa Bitcoin (Tagalog) […]

[…] Ang article na ito ay na-published sa BitPinas: Cryptoday 034: Bakit Ako Tumigil Mag-Invest sa Bitcoin (Tagalog) […]

[…] Ang article na ito ay na-published sa BitPinas: Cryptoday 034: Bakit Ako Tumigil Mag-Invest sa Bitcoin (Tagalog) […]

ariadna

Agreed. It is true that bitcoin is the crypto gold and the crypto standard but we cannot ignore the fact that the wildest applications of blockchain technology materialize thru the brilliant minds of the people in the altcoins. Nice piece, Sir.

Luis Buenaventura II

    Luis started working in the Bitcoin space in 2014 and, with his startup Bloom, focuses on bringing the blockchain to remittance businesses around the world. He authored the book "Reinventing Remittances with Bitcoin," which collects strategies and stories about the fast-growing blockchain remittance industry. (https://bit.ly/remitbook). Bloom recently launched a new app BloomX to cater to the modern Filipino crypto investor. His writing on cryptocurrencies has been featured on online publications including Quartz, Techcrunch, and The Next Web.