Cryptoday 042: Cryptopop Art Guild (Tagalog)

Share some Bitpinas love:

Mula sa aking pakikipag-usap sa mga guild managers at sa pagbuo ng AxieArchipelago.org, nagkaroon ako ng inspirasyon na magtayo ng sarili kong Axie Infinity scholarship guild. Ngunit mayroon akong sariling ideya sa kung paano ko ito bubuuin. Nakuha ko ang ideyang ito sa unang iskolar na magiging bahagi ng aking guild. 

This opinion article translated into Tagalog by BitPinas is originally from Luis Buenaventura II’s Cryptoday Column here. The Tagalog translations of Cryptoday are published 1 day after the English version is out. Luis is the co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines. For any comments and questions, please message Luis directly on Twitter

Cryptopop Art Guild!

Mga ilang araw na ang nakalipas ay ibinahagi sa akin ni Diane, ang magiging unang iskolar ng aking guild, ang isang axie fanart upang makuha ang aking atensyon sa Twitter. Wala pa siyang magandang equipment sa paggawa ng digital art kaya ginuhit niya ito gamit ang kanyang daliri sa isang lumang Android phone. Tingin ko ay napakaganda ng kanyang nagawa!

Kaya naman lubos kong ikinagagalak ang pagtatayo ng Cryptopop Art Guild! Ito ay isang Axie Infinity play-to-earn program para sa mga underprivileged Pinoy artists! Sa simula ay naisip kong ako na muna ang magpopondo sa guild na ito, ngunit nasorpresa ako na may mga tao mula sa #CryptoPH community na nais suportahan ang aking ideya! Kaya lubos ko ring ikinagagalak na ibahagi ang mga sumusunod na personalidad na pumayag pondohan at suportahan ang Cryptopop Art Guild: 

Ang Team Manila at si AJ ay nangako na gagabayan ang mga magiging artist-players ng Cryptopop Guild habang patuloy itong lumalaki. (At siguradong mayroon akong maituturo sa kanila tungkol sa NFTart.)

Paano Mag-apply sa Cryptopop Art Guild? 

Napakadaling mag-apply sa aming guild. Ibahagi lang ang inyong fanart sa aking Twitter, FB, o kahit sa Cryptoday comments! Kailangan niyo rin itong pirmahan! Hindi importante ang style, mas maganda kung mas creative ang inyong isusubmit na fanart, at bibigyan namin ng pansin ang mga seryosong submissions, kaya i-send niyo na ang inyong pinakamagandang fanart! 

Paano ang Revenue Share?

Sa Cryptopop Art Guild, 50% ng SLP earnings ay mapupunta sa artist/player, 10% sa manager at 50% sa investor. Ito ay medyo iba sa binibigay ng ibang guilds, ngunit ang personal kong layunin ay maibalik ang kapital sa guild upang makapag-pondo ng mas marami pang iskolars. 

Kapag ikaw ay napili, iimbitahan ka namin sa isang pribadong Telegram group upang iyo ring makilala ang ibang artist/players at ikaw ay makapagsimula sa loob ng dalawang araw. Ang mga bagong players ay may pagkakataon makapili ng sarili nilang Axie sa marketplace, basta ba ito ay pasok sa budget (sa ngayon ay 0.3 ETH kada player.) Ito ay opsyonal lamang pero tingin ko ay mahihikayat nito ang mga bagong players na maging pamilyar sa Axie Infinity bago nila ito laruin. Kung hindi ka kampante sa iyong napili, maari ka naming gabayan sa tamang direksyon.

Paunawa

Paunawa na ang Cryptopop Art Guild ay para lamang sa mga underprivileged na Pinoy artists. Marami ng mga guilds sa Pilipinas, at ayon sa Axie Archipelago, may humugit kumulang na 700 guilds na sa bansa! Ang misyon ng Cryptopop Art Guild ay magamit ang kanyang network upang madagdagan ang visibility ng kanyang mga artists at mai-connect sila sa mga posibleng proyekto sa industriya ng Arts at Design. (Siyempre, mas maganda kung sa metaverse sila magtatrabaho!) Ang layunin ay hindi upang makahanap ng mga bagong magagaling na Axie players, bagkus ay upang magkaroon ang mga artists ng sapat na pera upang masuportahan nila ang kanilang sarili at magawa ang kanilang nais gawin bilang isang tunay na artist.

Hanggang sa Friday na muli, mga ka-crypto! Hiling ko na ako ay ma-spam ng mga art submissions sa mga susunod na araw!

This article is published on BitPinas: Cryptoday 042: Cryptopop Art Guild (Tagalog)

Share some Bitpinas love:
Follow on social and subscribe to our newsletter
Subscribe
Notify of
guest
4 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments

Luis Buenaventura II

    Luis started working in the Bitcoin space in 2014 and, with his startup Bloom, focuses on bringing the blockchain to remittance businesses around the world. He authored the book "Reinventing Remittances with Bitcoin," which collects strategies and stories about the fast-growing blockchain remittance industry. (https://bit.ly/remitbook). Bloom recently launched a new app BloomX to cater to the modern Filipino crypto investor. His writing on cryptocurrencies has been featured on online publications including Quartz, Techcrunch, and The Next Web.