Advertisement PDAX Banner

Cryptoday 044: Solana Outage at SLP Slump (Tagalog)

Photo for the Article - Cryptoday 044: Solana Outage at SLP Slump (Tagalog)

Noong nakaraang Lunes, nakaligtaan kong talakayin ang mabilis na pag angat ng presyo ng Solana nitong mga nakaraang linggo. Noong Agosto 15, $41 lang ang presyo nito bago ito umaangat ng halos 5x o $216 nitong Setyembre 9.ย 

This opinion article translated into Tagalog by BitPinas is originally from Luis Buenaventura IIโ€™s Cryptoday Column here. The Tagalog translations of Cryptoday are published 1 day after the English version is out. Luis is the co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines. For any comments and questions, please message Luis directly on Twitter.ย 

Solana

Ang mga ganitong klaseng pumps ay tipikal lang sa mga karibal ng Ethereum, kasabay ng muling pagsikat ng narrative na ang mga blockchains na ito ay mas mabilis o mas mura kung ikukumpara sa โ€œButerin-chain.โ€ Subalit kaya lang naman sila mas mabilis o mas mura ay dahil walang gaanong user traffic ang mga ito. Kung ihahalintulad natin ang blockchain sa mga highways, ang Ethereum ay EDSA at ang iba naman ay SCTEX, NLEX, o CAVITEX lamang. Laging siksikan sa EDSA sapagkat ito ang sentro ng mga negosyo at inobasyon, samantalang kaunti lang ang mga lugar na pwedeng bisitahin sa expressway. 

Photo for the Article - Cryptoday 044: Solana Outage at SLP Slump (Tagalog)

Pero lahat ng blockchain ay gustong maging Ethereum, at lahat ng Solana fans ay nangangarap na maging $3,000 ang presyo ng $SOL. Napansin na natin ang hype na ito sa XTZ, NEO, BSC, DOT, NEAR, atbp. simula palang noong 2017, kaya hindi na rin ito bago.

Nakakuha tayo ng magandang paalala kung bakit mahirap maging isang blockchain dahil kagabi, ang Solana Network ay nag down ng ilang oras dahil sa โ€˜resource exhaustion.โ€™ Na-bookmarked ko ang news article kagabi pagkatapos kong mag hapunan, at kaninang umaga pagkagising ay hindi pa rin mabuksan ang site nila ng 12 oras nang mahigit! Dahil dito ay nabugbog ang presyo ng $SOL at bumaba ito ng 15% sa nakaraang 24 oras.ย 

Advertisement PDAX Banner

Marahil ay iniisip mo na normal lang na may downtime ang mga blockchain dahil nasa eksperimental na stage parin naman sila. Wala namang mali sa ganoong pananaw, ngunit ipapa-alala ko lang naย  8 taon na ang nakaraan mula ng huling nagkaroon ng downtime sa Bitcoin, at hindi na iyon nasundan pa hanggang sa ngayon. Ang huling downtime naman ng Ethereum ay nitong nakaraang Nobyembre lamang, kaya marahil ay mas maselan itong mga mas bagong blockchains dahil sa lahat ng kanilang karagdagang kakayahan? Gayunpaman, mukhang ang Solana Validator community ay medyo maliit pa at kaya pa nilang mag usap-usap sa Discord para mag coordinate ng isang system-wide restart.

Animal Iconography sa Crypto

May obsesyon ang crypto community sa animal iconography: mayroong bulls, bears, dogs, cats, pati apes. Alam mo ba kung ano ang kulang sa listahan? Wooly Mammoths! Ang balitang ito ay wala naman talagang kinalaman sa merkado pero tunay itong kakatwa kaya naman isinama ko sya sa newsletter ngayong araw. Napapabalita na pinondohan ng Winklevoss Twins (mga matagal ng bitcoin billionaires) ang โ€˜Colossalโ€™. Isa itong โ€˜de-extinctionโ€™ startup na ang layunin ay ibalik ang mala-jurassic park na wooly mammoth gamit ang gene-editing technology. Ang una ko agad na isip ay: tiyak na maganda ang kalalabasan nito! Ang sumunod kong naisip ay: well, babalik na naman siguro ang mga โ€œphilosoraptorโ€ memes.

Photo for the Article - Cryptoday 044: Solana Outage at SLP Slump (Tagalog)

Ang patuloy na pagbaba ng presyo ng SLP

Gaya ng hula ko noong Agosto, ang presyo ng SLP ay patuloy na bumaba, at ngayong umaga ay nasa bandang 4 pesos na ito. Dahan dahan na ring bumabagal ang paglaki ng populasyon ng Axie, pero mataas pa rin naman sa 1.6 Million ang daily active users (DAU) nito.ย 

Ano na ang susunod na mangyayari sa presyo ng SLP? 

Dahil wala pa namang makabuluhang pagbabago sa Axie Infinity sa ngayon, maaari nating asahan na ang SLP price ay patuloy pa na bababa. Ang DAU ay titigil sa pagtaas at posibleng bumaba kapag nagsimula ng maghanap ng ibang mas makabuluhang gawain ang mga players.

Kailan kaya bababa ang Axie DAU? 

Sa palagay ko, nasa 3 pesos ang threshold kung saan magsisimulang bumaba ang DAU. Bakit? Dahil kapag 3 pesos na SLP, ang average player ay kikita lamang ng nasa pagitan ng 300-450 pesos kada araw mula sa Axie Infinity. Ibig sabihin ay mas mababa na ito sa minimum wage simula noong Mayo. Malamang ay matatamaan nito ang mga profit-centric guilds at players sa community.

Ano na ang mangyayari pagkatapos? Malamang ay mabawasan ang selling pressure sa SLP, at ito ang magdudulot ng muling pag-angat ng presyo nito. (Tandaan na ang pangunahing rason kung bakit bumaba ang presyo nito ay dahil sa dami ng players na sabay sabay na nagbebenta at breeders lang ang bumibili nito.)

Ano ngayon ang kailangan mong gawin bilang isang Pinoy Axie player? 

May mga ilan kang bagay na pwedeng pagpilian, pero lahat ng ito ay nangangailangan ng masinsinang pag-iisip at konsiderasyon: (a) pwede mong ituloy ang iyong paglalaro at tanggapin na mas mababa ang iyong kikitain sa mga susunod na buwan, kaya planuhing mabuti ang iyong paggasta, o (b) pwede ka munang huminto sa paglalaro, maghanap ng pansamantalang trabaho, at pagkatapos ay bumalik ka sa Axie Infinity kapag mas malusog na ang ekonomiya nito.ย 

Ang hinala ko ay para sa karamihan, ang (b) ay hindi nila pipiliin sapagkat ang employment sa ngayon ay nasa all-time low. Ang hindi ko mairerekomenda ay ang pag-hold ng iyong SLP at maghintay na umangat ang presyo nito. Kung umaasa ka sa laro na ito para sa iyong pagkain at panggastos sa bahay, hindi magandang ideya na isugal mo ang iyong pera sa ganitong paraan. (Kung ikaw ay investor, ok lang na mag hold ka pero maghanda ka ng mag hold ng mga ilang buwan.)

At iyon lamang sa ngayon mga ka-crypto! Sa Biyernes ng umaga, aking ipapakita ang mga likha ng mga miyembro ng Cryptopop Art Guild at pag uusapan din natin ang aming mga estratehiya bilang isang organisasyon. At oo, pipiliin din namin ang option (a).

This article is published on BitPinas: Cryptoday 044: Solana Outage at SLP Slump (Tagalog)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.