Cryptoday 046: Hindi Ito Opisyal na Pahayag (Tagalog)

Share some Bitpinas love:

May mga negatibong content ang kasalukuyang kumakalat tungkol sa Axie Infinity at sa Yield Guild Games, kaya naman pinag-isipan kong mabuti kung dapat ko ba itong talakayin. 

This opinion article translated into Tagalog by BitPinas is originally from Luis Buenaventura II’s Cryptoday Column here. The Tagalog translations of Cryptoday are published 1 day after the English version is out. Luis is the country manager for the Philippines at Yield Guild Games and co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines. For any comments and questions, please message Luis directly on Twitter

Hindi Opisyal na Pahayag

Ito ang sitwasyon sa ngayon: Kasalukuyan akong miyembro ng YGG, at anuman ang sabihin ko tungkol sa sitwasyon ay maaaring makita bilang “Opisyal na pahayag” kahit na ito ay opinyon ko lamang. (Dati ko na nabangit na ako ay investor sa YGG.) Hindi ko itinatago na ako ay 100% biased sa Yield Guild at ipaglalaban ko ang misyon ng ating komunidad hanggang sa huli. Kaya hindi ko na tatalakayin mga negatibong haka-haka sa interwebs nitong nakaraang mga araw. Ang mga ito ay mga akusasyon na walang basehan. Kapag lalo nating pag isipan ang kanilang mga argumento, mas lalo nating mapagtatanto na masasayang lang ang oras natin.

Opisyal na Pahayag

Eto naman ang akin OPISYAL na pahayag! Ang ating Cryptopop Art Guild (CAG) ay planong magkaroon ng 100 iskolar bago matapos ang Setyembre. Kasalukuyan ay nasa 42 miyembro palang tayo, kaya ako muling nangangalap ng pondo at suportang pinansyal para sa karagdagang 58 karapat dapat na artist. Sigurado ako na tayo ang unang Guild sa buong mundo na pagsasabayin ang Play-to-earn at NFTart. Magsasagawa din ang CPAG ng mga eksperimental na estratehiya sa mga susunod na buwan, partikular na rito ang NFTart, drops, governance models, at profit-sharing. Ako ay nasasabik na ibahagi sa inyo ang mga magiging resulta ng mga ito. Kung kayo ay interesadong suportahan ang ating guid, kontakin nyo lamang ako ng direkta.

Featured CPAG Artist – RayCryoArts10

Akin nga palang ipinakikilala ang ating featured CPAG Artist ngayong araw, walang iba kung hindi si RayCryoArts10. Kung ako ay matagal niyo ng nasusubaybayan, maalala nyo na ako ay may “phase” noong 2019 kung saan nahumaling ako sa mga dragon, kaya naman ang illustration ni Ray ay malapit sa aking puso. (Mag-follow sa aming guild sa twitter: https://twitter.com/cryptopopart)

Balita sa Sushiswap

At para naman sa iba pang pangyayari sa crypto-verse: Si 0xMaki, ang co-founder ng Sushiswap, ay nagbitiw na bilang lider nito

Si 0xMaki ang nagmana ng leadership position mula kay Chet Nomi noong nakaraang taon matapos patalsikin si Nomi sa Sushiswap Community. Imbes na maglaho, ang Uniswap fork ay lalong pang lumago. Ang Sushiswap ang pang 5 na pinakamalaking DEX base sa kanyang trade volume na mas mataas ng 30% kumpara sa volume ng kasalukuyang lider ng merkado, ang Uniswap V3. 

Side Note: Ang mundo ng decentralized exchange ay tunay na nakakalito lalo na kung ikaw ay galing sa mga centralized exchanges gaya ng Binance at Coinbase. Ang listahan ng Top 10 Decentralized exchanges ay pinangungunahan ng Uniswap sa pang una at pangalawang spot, at ang Pancakeswap naman ay nasa pangatlo at pang anim na pwesto. Kung ikaw ay nagtataka kung paano ito nangyari, ito ay dahil ang mga ito ay technically, hindi mga brands o business entities. Ang mga ito ay Software Protocols lamang, at sila ay may mga kanya kanyang hiwalay na bersyon.

Paumanhin sa maikling Cryptoday mga ka-crypto. Medyo busy tayo ngayong linggo at minadali ko lang ang paglabas ng newsletter na ito.

This translated article is published on BitPinas: Cryptoday 046: Hindi Ito Opisyal na Pahayag (Tagalog)

Share some Bitpinas love:
Follow on social and subscribe to our newsletter
Subscribe
Notify of
guest
4 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments

[…] This translated article is published on BitPinas: Cryptoday 046: Hindi Ito Opisyal na Pahayag (Tagalog) […]

[…] This translated article is published on BitPinas: Cryptoday 046: Hindi Ito Opisyal na Pahayag (Tagalog) […]

[…] This translated article is published on BitPinas: Cryptoday 046: Hindi Ito Opisyal na Pahayag (Tagalog) […]

[…] This translated article is published on BitPinas: Cryptoday 046: Hindi Ito Opisyal na Pahayag (Tagalog) […]

Luis Buenaventura II

    Luis started working in the Bitcoin space in 2014 and, with his startup Bloom, focuses on bringing the blockchain to remittance businesses around the world. He authored the book "Reinventing Remittances with Bitcoin," which collects strategies and stories about the fast-growing blockchain remittance industry. (https://bit.ly/remitbook). Bloom recently launched a new app BloomX to cater to the modern Filipino crypto investor. His writing on cryptocurrencies has been featured on online publications including Quartz, Techcrunch, and The Next Web.