Advertisement PDAX Banner

Cryptoday 051 – $1.25M presyo ng Curio Cards at Ang Aking Opinyon sa AXS Staking (Tagalog)

Photo for the Article - Cryptoday 051 - $1.25M presyo ng Curio Cards at Ang Aking Opinyon sa AXS Staking (Tagalog)

Naalala ko noong nakaraang linggo, sinabi ko na babaguhin ko ang dalas ng aking pagsulat ng Cryptoday Newsletter. Pero nagkataon naman na marami akong nais sabihin ngayong araw! 

This opinion article translated into Tagalog by BitPinas is originally from Luis Buenaventura II’s Cryptoday Column here. The Tagalog translations of Cryptoday are published 1 day after the English version is out. Luis is the country manager for the Philippines at Yield Guild Games, co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines, and founder of the Cryptopop Art Guild. For any comments and questions, please message Luis directly on Twitter.

CurioCards sa Christie’s

Ang ating CurioCards ay naipa-subasta sa Christie’s sa halagang 393 ETH (nasa $1.25 Million), noong nakaraang Biyernes, sa isang live na sessioned stream sa Youtube. Maaari mong panoorin ang clip dito; ang buong pangyayari ay tumagal lamang ng 2 minuto. 

Maraming “kauna-unahan” ang ini-representa sa subastang ito: (a) Ang CurioCards ay ang kauna-unahang NFTart project sa buong mundo, (b) ito ang pinakaunang artwork na naibenta sa Christie’s kapalit ng cryptocurrency, at (C) kasama sa proyektong ito ang NFTart ng isang Pilipino na kauna-unahan ding naibenta sa Christie’s. Basahin ang magandang akda ng Quartz tungkol dito. 

Dahil naibenta ito sa halagang 393 ETH, palagay ng CurioCard community ay nag under-perform ang proyekto sa Christie’s. Ito ay sapagkat inaasahan ng karamihan na aabot ang presyo nito sa 500 ETH. Ngunit higit sa lahat, ipinapakita ng subastang ito na maraming tumangap at kumilala sa halaga ng Curio project. Sa loob ng 48 na oras matapos ang Christie’s Auction, napansin natin ang pagtaas ng bilang ng bagong sales volume sa OpenSea page na umabot ng 500 ETH. Kaya naman kahit maraming nagsasabing nag under-perform ito sa Christie’s, nagperform naman ito sa secondary market! 

Photo for the Article - Cryptoday 051 - $1.25M presyo ng Curio Cards at Ang Aking Opinyon sa AXS Staking (Tagalog)

AXS Staking Update

Advertisement PDAX Banner

Nais ko ding gumawa ng follow-up tungkol sa AXS staking dahi kaunti pa lamang ang data natin tungkol dito noong nakaraang Biyernes. Sa ngayon, ang komunidad ay boluntaryong nag ‘lock up’ ng umabot sa 12 milyong AXS. Ito ay katumbas ng 15% na kabuuang ‘circulating supply.’ At bakit nila ito ginawa? Kapag nagdesisyon ka na mag ‘lock up’ ng iyong AXS sa staking dashboard, kikita ka ng dagdag na AXS. Saan naman nag gagaling ang ipinambabayad na AXS dito? Galing ito sa kasalukuyang AXS ‘reserves’ na maaari mong mabasa dito. Ibig sabihin, ang lahat ng supply ng AXS ay hindi pa umiikot sa sirkulasyon. Ang iba dito ay dahan-dahan nilang inilalabas sa iba’t ibang ‘stages’ para makontrol ang volume nito sa merkado. Nangangahulugan ito na ang staking pool ay isang paraan upang magdagdag ng AXS sa ekonomiya at bigyang pabuya ang mga pinaka-loyal na mga ‘investor’ nito. 

Sa makikita nyong screenshot sa ibaba (kuha ito noong hapon ng Linggo), ang estimated annual reward ay aabot ng 200%. Tinatawag natin itong Annual Percentage Rate (APR), at agad itong kino-compute sa tuwing may magdagdag o maglalabas ng kanilang pondo sa ‘pool’. Paano kino-compute ang staking reward? Ang kabuuang reward na inilalabas kada araw ay 64,516 AXS. Ang halagang ito ay paghahatian ng LAHAT ng kasalukuyang ‘stakers’ base na din sa kanilang share sa ‘pool.. Kaya naman kung nag-deposito ka ng 10% ng kabuuang pool, asahan mo na ang iyong reward ay nasa 645 AXS kada araw. 

Photo for the Article - Cryptoday 051 - $1.25M presyo ng Curio Cards at Ang Aking Opinyon sa AXS Staking (Tagalog)

Hindi ko na sasabihin ang eksaktong dami ng AXS na aking inilagak. Sabihin nalang natin na naging agresibo ako dito. Sa 200% na APR, ibig sabihin nito ay kumikita ka ng 1% kada dalawang araw ng pag-lagak ng iyong AXS. Kahit na sino ay magkakaroon ng malalim na interes dito. 

Bilang isang passive investment, napakagandang deal nito. Ang kagandahan pa nito ay maaari ka pa ring mag-back out kahit kailan mo gusto. Huwag mo lang kalimutan na kapag mas maraming tao ang nag-lagak ng kanilang AXS, mas maliit na ang hati na makukuha mo sa rewards. At sa kabaliktaran, kung kaunti lang ang mag lagak dito, mas malaki ang rewards na makukuha mo dahil kaunti lang kayong maghahati. 

At bakit may mga taong nag lalabas ng kanilang AXS? Posible kasi na nakakita sila ng ibang pools na makapagbigay ng mas magandang yield, posible din na mataas na masyado ang halaga ng AXS at nagdesisyon ang may hawak nito na mag liquidate at magbenta para kumita. (Bilang isang halimbawa, ang AXS/WETH liquidity pool sa Sushi.com ay nakakapag generate ng 300% APR sa pagtatapos ng linggo. Kung mayroon kang AXS o ETH, isa ito sa magagandang lugar para ilipat muna ang inyong liquidity pansamantala.)

Halaga ng AXS

Photo for the Article - Cryptoday 051 - $1.25M presyo ng Curio Cards at Ang Aking Opinyon sa AXS Staking (Tagalog)

Halos dumoble na ang halaga ng $AXS simula noong Huwebes, mula $75 lamang pataas ng $135 ngayong Lunes ng umaga. Halata naman kung ano ang nangyayari: Marami ang bumibili ng AXS upang ipasok at kumita sa staking. At dahil nga nabangit na natin na kapag mas maraming tao ang nag lagak ng kanilang AXS at mas kaunti lang ang hati ng rewards, gaano kaliit ang yield na maaari mong makuha? Lumalabas na hindi ito ganoon kababa. Ito ay dahil kahit KALAHATI ng kabuuang supply ng AXS (30M) ang i-stake, ang pool rewards ay nasa 80% pa rin. Ibig sabihin, kahit sa pinaka pangit na scenario, lahat ng nag lock up ng kanilang AXS sa pool ay makakatangap pa rin ng doble sa kanilang inilagak na pondo sa loob ng 12 buwan. Halimbawa, kung naglagay ka ng 100,000 pesos sa AXS staking pool, ang posibleng pinakamababang yield na makukuha mo dito ay 6,000 pesos kada buwan, ito ay kapag hindi na lumaki pa ng lubusan ang pool. (Ito ay buod lamang ng aktwal na posibilidad. Tandaan na kailangan mo pa din ikonsidera ang volatility sa presyo ng $AXS.) Kung sa palagay mo ay magiging mas matagumpay ang Axie Infinity sa susunod na taon, magandang ideya kung inkonsidera mo ito.

Bitcoin $50K

Photo for the Article - Cryptoday 051 - $1.25M presyo ng Curio Cards at Ang Aking Opinyon sa AXS Staking (Tagalog)

Muli na namang nag iinit ang crypto market ngayong linggo. Sinusubukan na naman na  umangat ng $BTC sa $50,000 at muling nagpaparamdam ang $SOL matapos ang pagbaba ng presyo nito ng 40% mula sa kanyang ATH noong Setyembre 9. Sa ngayon ay wala akong posisyon sa Solana kaya hindi ko gaanong masubaybayan ang ecosystem nito. Hindi ako eksperto dito pero mukhang maganda ang pinapakita ng chart nito.

Cryptopop Art Guilde Update

Ang Cryptopop Art Guild ay lumagpas na sa 160 scholars, at patuloy pa rin kami sa pagtanggap ng applications!  Kung isa kang Pinoy Artist na kasalukuyang walang trabaho, at nais mong magkaroon ng regular na kita sa paglalaro ng Axie, habang tumatanggap ng mentorship mula sa mga nangungunang NFT artist sa bansa, mag apply ka na magpadala ka ng message sa amin sa fb.com/cryptopop!

Kita kita ulit tayo sa Biyernes, mga ka-crypto!

Ang translated article na ito ay nailathala sa BitPinas: Cryptoday 051 – $1.25M presyo ng Curio Cards at Ang Aking Opinyon sa AXS Staking (Tagalog)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.