Cryptoday 052 – Ang Muling Pag-Akyat ng Bitcoin sa $55k at ang Paglikom ng Axie Infinity ng $152M
Magandang umaga mga ka-crypto! Kasalukuyang lagpas ng $50K ang presyo ng $BTC makaraan ang pahayag ng Federal Reserve Chair na si Jerome Powell, na ang US ay walang balak i-ban ang Bitcoin, taliwas sa ginawa ng China. Sa isang demokratikong bansa tulad ng Amerika, mag-aakala ka na natural lang na ganito dapat ang kanilang pananaw. Subalit ang mga nakaraang mungkahi na baguhin ang โtax codeโ ng US ay nagbigay daan sa pagdududa ng ilan kung gaano nga ba โkalayaโ ang pagmamay-ari ng crypto sa bansang ito.
This opinion article translated into Tagalog by Arzen Ong of BitPinas is originally from Luis Buenaventura IIโs Cryptoday Column here. The Tagalog translations of Cryptoday are published 1 day after the English version is out. Luis is the country manager for the Philippines at Yield Guild Games, co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines, and founder of the Cryptopop Art Guild. For any comments and questions, please message Luis directly on Twitter.
Pag-Angat sa Halaga ng Crypto
Tinatamasa din ng kabuuang merkado ang pagtaas ng kani-kanilang halaga. Nakaranas ng โdouble-digitโ na paglaki ang Bitcoin at ang Ethereum nitong nakaraang pitong araw. Ang may pinakamalaking pag-angat ay ang $AXS (85%), at katakataka, pati narin ang $SHIB (300%).
Sa kaso ng $AXS, nag anunsyo ang Axie Infinity Team ng tatlong magkakasunod na โbombshellโ na nagdulot ng halos pag-doble ng presyo nito ngayong Oktubre. Nitong nakaraang pitong araw, nag-pamahagi (airdrop) ang team ng libreng $100M na halaga ng AXS sa mga naunang miyembro ng kanilang komunidad. Inilunsad din nila ang $AXS Staking Dashboard, at nitong nakaraan lang, inanunsyo din nila na nakalikom sila ng $125M na investment mula sa mga investors tulad ni Andreessen Horowitz. Alinman sa mga ito ay sapat na upang pumukaw ng atensyon, pero mas nakakamangha ang sunod-sunod na paglabas ng mga anunsyong ito.
Samantala, ano naman ang nangyari sa $SHIB? Wala. Nag tweet lang si Elon ng picture ng Shiba Inu.
Valuation ng Sky Mavis
Dahil sa mga bagong investments, malinaw ang pagtaas ng kabuuang value ng Sky Mavis. Marahil, ito ay malapit na sa $3B. Kahit paano mo man sukatin, tunay na kabilib-bilib ang nakamit nila dito. Pero mas nakakabilib pag ikinunsidara mo na ang valuation nila ngayon ay halos kalahati na ng Square Enix (lumikha ng Final Fantasy) o Ubisoft (Assassin’s Creed). At nagawa nila ito dahil sa isang laro lamang na wala pa sa beta stage. Dagdag pa rito, ang Axie NFT marketplace ay nag-generate ng mahigit $1B na kita nitong nakaraang quarter lamang. Ipinapakita nito na nahigitan na nila sa total sales volume ang Take Two Interactive (NBA2K, Grand Theft Auto) at halos malapit nadin sila sa kabuuan ng Electronic Arts (FIFA, Battlefield, Apex Legends).ย
Isa pang dapat ikonsidera ay ang kabuuang units na naibenta. Ang Marvel’s Spider-man, ang best-selling single game of all time, ay nakabenta ng 20 million units sa halagang $40 kada isa sa kabuuan ng 2019. Sa kabilang dako, nakapag-generate ang Axie Infinity ng mas mataas pa sa $200M sa isang quarter lamang.
Player-owned Economy
Paano nangyari ang lahat ng ito? Ang pangunahing kadahilanan nito ay hindi lamang ang Sky Mavis ang nag-iisang tumatanggap ng revenue. 96% na bahagi ng kita ay bumabalik din sa mga players. Ipinapakita nito na kung ang mga players mismo ang kikita sa pagbebenta ng iyong laro, nakasisiguro kang imamarket nila ito ng husto! Sa kadahilanang ito, inaasahan ko na na hindi madaling makakapag-adapt dito ang mga tradisyunal na video game publishers. Wala din akong inaasahan na malaking P2E game na posibleng tumapat sa lakas na ipinapakita ng Axie Infinity sa ngayon. Halos nakuha na ng Sky Mavis ang lahat ng malalaking investors sa merkado. Sinong investor ba naman ang magnanais tapatan ang proyektong nilahukan ng a16z at Accel Partners? Marahil ay may maliliit na proyekto na susubok na tumapat dito, na marahil ay nasa pagitan ng Seed at Series A na range, pero sigurado ako na matagal tagal pa bago tayo muling makakita ng ibang P2E game na aabot sa 9-digit ang malilikom.ย
Cryptopop Art Guild
Pormal ng nagtatapos ang scholarship applications para sa ating Cryptopop Art Guild (CPAG). Nakapagtala tayo ng 196 na Artist Scholars sa ngayon, at magsisimula narin ang kanilang mentoring program sa susunod na linggo. Ang una nating mentor ay ang ating CPAG investor nas si Caroline Dy, ang isa sa mga pinakaunang NFT artist sa Pilipinas at beterano na rin sa lokal na industriya ng ‘Game Development’. Maaari nyo syang sundan sa Twitter at sa Instagram sa pangalang @drawwriteplay. Lahat ng ating CPAG mentor ay mga investors din sa ating guild, kaya naman na nasa interes din nila ang patuloy na pagyabong ng kakayahan ng ating mga artist scholar.
Featured CPAG Artist – Juan Carlo Onciangco
Ang ating featured CPAG artist ngayong araw ay si Juan Carlos Onciangco. Ang kanyang mga ‘Alien Head’ na concepts ay tunay na nakakapukaw ng atensyon. Maari nyo syang sundan sa kanyang Instagram sa uwang20! Sundan nyo din ang ating guild sa twitter.com/cryptopopart!
Magkita kita ulit tayo sa susunod na linggo mga ka-krypto! Happy Weekend!
Ang artikulo na ito ay nailathala sa BitPinas: Cryptoday 052 – Ang Muling Pag-Akyat ng Bitcoin sa $55k at ang Paglikom ng Axie Infinity Nakalikom ng $152M