Advertisement PDAX Banner

DeFi App na ‘Frontier’, mayroon ng Tezos Integration

Photo for the Article - DeFi App na 'Frontier', mayroon ng Tezos Integration

This is translated into Tagalog from: DeFi App Frontier Adds Tezos Integration

Mayroon na ngayong ‘support’ ang DeFi application na Frontier para sa Tezos blockchain pati na rin sa karagdagan pang 14 na ibang networks. Binibigyang-kakayahan nito ang kanilang mga users na makapag tago, makapag padala, at makatanggap ng Tezos native tokens kasama ng iba pang tokens mula sa ibang chains.

Ang mga users ng Frontier ay maaaring makagawa ng multi-coin wallets at makapaglagay ng mga Tezos-based na assets sa kanilang Frontier app. Mayroong support ang Frontier para sa FA 1.2 at 2.0 tokens. Nauna itong ibinalita bago pa man ang paglabas ng Version 2 ng Frontier, na magsisilbi na ‘full rebuilt’ ng nasabing app.

“Ang mga FA asset sa Tezos ay kaparehas ng ERC-20 at ERC-721 token standards sa Ethereum. Gamit ang Tezos FA 2.0 token standard, magbibigay-suporta ito sa iba’t ibang anyo (forms) ng mga token. Maihahalintulad ang FA 1.2 token sa ERC-20 na fungible tokens habang ang FA2 naman ay kayang magbigay suporta sa sa mas malawak at mas maraming iba’t ibang token standard na katulad din ng Ethereum fungible (ERC 20), non-fungible (ERC-721), at pari na rin ang mga multi-asset contract (ERC-1155).

Photo for the Article - DeFi App na 'Frontier', mayroon ng Tezos Integration

Dahil ang ‘compatibility’ ang pinaniniwalaang pundasyon ng DeFi, ang pagbibigay access sa mga users nito sa mga ‘permissionless protocols’ at maging sa mga dApps para sa staking, saving, at lending opportunities mula sa isang interface ay lubos na kinakailangan. Subalit maaaring ang mas interesanteng bahagi nito ay kakayahan ng mga users na ma-access ang iba’t ibang blockchains gaya ng Tezos, Polygon, Avalanche, atbp., gamit lamang ang isang interface ng hindi nangangailangan pang magpalit ng apps o dumaan sa magulong proseso. Ito ang ibinibigay ng Frontier para sa DeFi at sa lumalaking bilang ng Crypto users. At dahil available na rin ang Tezos sa Frontier, at sa paunang ‘initial features’ nito gaya ng kakayahang makapaglagay, makapagpadala, at makatanggap ng crypto, makakaasa ang dalawang communities (ng Frontier at Tezos) ng mas marami pang mas kapanapanabik na mga features gaya ng DEX, NFTs, at staking opportunities upang mas lalo nilang mapakinabangan ang kanilang mga yields sa Tezos.

Advertisement PDAX Banner

Sinusuportahan din ng Frontier app sa Android at iOS ang iba’t ibang klase ng protocols gaya ng MakerDAO, Compound Finance, Uniswap, Band Protocol, Synthetix, dYdX, at Nuo Network. Bilang ‘go-to wallet aggregator’ ng industriya, sinusuportahan din ng Frontier ang iba’t ibang wallet applications gaya ng Trust Wallet, WalletConnect, MetaMask, Fortmatic, at Coinbase wallet,

Ang pinakabagong integrasyon na ito ay alinsunod sa kagustuhan ng Frontier na mas pataasin ang ‘exposure’ ng Crypto & DeFi, at makatulong na lalo pang padaliin ang pagpasok sa sektor na ito.

This article, which is in collaboration with TZ APAC, is translated into Tagalog from this article: DeFi App na ‘Frontier’, mayroon ng Tezos Integration

###

Tungkol sa Tezos

Ang Tezos ay ‘smart money’, pinapagbuti nito ang kahulugan ng pag-‘hold’ at pag-‘exchange’ ng value sa isang digitally connected na mundo. Isa itong self-upgradable at energy efficient na blockchain na mayroon ng napatunayang track record, mistulang napakadali din ang pag-adopt ng Tezos sa mga pagbabagong dala ng hinaharap ng halos walang epekto sa daloy ng network sa ngayon. Para sa dagdag kaalaman, bisitahin ang tezos.com

Tungkol; sa Frontier

Ang Frontier ay isang Crypto at DeFi, NFT wallet kung saan maaaring kang makapag padala, makapag tago, at makapag-invest sa mahigit na 4,000 crypto assets. Maaari kang magkaroon ng passive income mula sa iyong crypto sa pamamagitan ng ‘staking’ at pagbibigay supply ng assets sa mga DeFi apps, at maaari mo ding tuklasin ang mundo ng web 3.0 sa isang lugar lamang. Para sa dagdag kaalaman, bisitahin ang Frontier.xyz