Zabrina Cando ng Cabanatuan: Paano Binago ng Axie Infinity ang Kanyang Buhay

Share some Bitpinas love:

For the English version of the article, go straight here.

Sa isang bayan sa Nueva Ecija, maraming mga Pilipino ang kumita ng sapat sa kanilang pangangailangan dahil sa paglalaro ng blockchain game na Axie Infinity. Bumisita si Leah Callon-Butler, columnist sa crypto news site na Coindesk at director ng Emfarsis, kasama si Nathan Smale, principal consultant ng Emfarsis, sa Cabanatuan upang makita ang mga Pilipinong nagbago ang buhay ng dahil sa “Play-to-Earn.”

Dito sa ang pangalawang parte ng Play-to-Earn Profiles,” aking ininterview si Zabrina, isa sa mga nakabangon dahil sa paglalaro ng Axie Infinity sa Cabanatuan at nainterview din siya documentary na pinamagatang: “Play-to-Earn: NFT Gaming in the Philippines” na produced ng Yield Guild Games kasama ang Delphi Digital at dinirek ng Emfarsis.

Ano na ba ang pinagkakaabalahan ni Zabrina ngayon? Ito ang kanyang Kwentong #SalamatAxie at #PlayToEarn.

Tagalog: Zabrina Cando, Axie Infinity Player 

Isa si Zabrina sa libo-libong manggagawa sa Pilipinas na nawalan ng trabaho dahil sa pandemic. Laking pasasalamat niya ng nadiskubre ang play-to-earn game na Axie Infinity. Ito ngayon ang pangunahing pangkabuhayan ni Zabrina at ng kanyang pamilya. Sa paglalaro nito lahat ng kanilang mapapanalunan ay maaaring ipagpalit sa totoong pera.  

Nagpapasalamat siya na natuklasan niya ang paglalaro ng Axie Infinity, dahil dito maayos silang namumuhay ngayon sa gitna ng pandemya.  Ang perang kinikita nila ay ginagamit para sa mga pang araw-araw nilang pangangailangan.

Basahin kung paano nabago ang buhay ni Zabrina sa paglalaro ng Axie Infinity.

Paano mo nalaman ang Axie Infinity?

Parati po nagpo-post tungkol sa Axie ang pinsan ko sa Facebook. Sabi ko baka nag e-enjoy talaga siya sa paglalaro kaya panay din ang post nya. Isang araw nag post sya ng may hawak na pera tapos ang hashtag ay “#SalamatAxie”. Na-curious po ako at naging interesado. Nagpadala po ako ng message sa kanya sa Facebook, tinanong ko po siya kung paano din ako kikita ng pera sa paglalaro lang.

Tinawagan ko po sya para magpaturo. Nung panahon na iyon kumita na siya ng Php14,000 sa paglalaro ng Axie.

Siya po ang nagturo sa akin kung paano laruin at kung paano kumita dun sa game.

Bumili ako ng sarili kong Axie ng August 2020, nabili ko lang po ang isang team sa halagang Php4,000.00.

Ang pinsan ko din po ang nagturo sa akin paano maglaro ng Axie Infinity at kumita ng maraming Small Love Potion (SLP). (Editor’s note: Small Love Potion is now called Smooth Love Potion. For clarity’s sake we just call it SLP.)

Tinuro nya po lahat sa akin, simula pag cash-in ng pera, pagbili ng Ether (ETH), pagpili ng basic team, tamang skills sa paglalaro, sa kanya ko lang po natutunan lahat.

Madami po sya naturuan at natulungan, kaya po siguro sinuswerte siya ngayon sa buhay.

Simula August 2020 hanggang ngayon magkano na ang total na kinita mo sa paglalaro ng Axie?

Hindi ko na po ma-total lahat, pero may buwan po na kaya kong kumita ng 15K, 20K, 30K, iba-iba din po, depende pa din sa price ng SLP.

Ito na po talaga ikinabubuhay namin ngayon. Sa family ko po meron na kaming tatlong accounts ng Axie Infinity.  Isa sa akin, isa sa asawa ko, at isa din sa 14 year-old na anak ko.

Lahat ng Axie namin binili lang din namin sa Marketplace ng Axie.

May plano pa kayo bumili ulit ng Axie team?

May plano po in the future na bumili para malaro naman sa ibang tao para makatulong din sa iba kahit papaano. Binago po talaga ni Axie ang buhay namin kaya alam ko po na mababago din nito ang buhay ng iba.

Paano kayo natutulungan ng kinikita nyo sa Axie?

Bago po kami nagsimula maglaro ng Axie, nagtatrabaho po bilang tricycle driver ang asawa ko, dahil din po mahina ang byahe sinabi ko po sa kanya na bumili na lang kami ng isa pang Axie account at maglaro na lang din sya. Ngayon po kasi delikado na ang lumabas ng bahay baka pag-uwi nya imbes na pera ang maiuwi niya, virus pa.  At saka dito po sa paglalaro ng Axie wala po syang kapagod-pagod, maghapon pa sya nakaupo.

Napakalaking bagay po ng Axie, sa isang araw po kayang kitain ng tatlong account namin ang P1500-P1800 at tig two hours lang kami maglalaro.

Paano binago ni Axie Infinity ang buhay nyo?

Nung nawalan ako ng trabaho dahil sa pandemic, first two months hindi ko ininda kasi may savings pa ako natitira, tapos unti-unti nararamdaman ko palabas na lahat ng pera wala ng pumapasok, so nag iisip na ako lagi kung paano na gagawin ko kasi mahirap talaga magka-income ngayong panahon na ito, iniisip ko mga bills ko, mga installments ko sa credit card. Parang nakaka depress na din kasi alam ng mga anak ko marami pa kaming pera.

Si Axie parang naging magic sa buhay ko. Binayaran niya ang mga bills ko, may panggastos kami everyday, nakakakain kami ng masarap kapag gusto namin anytime.

Si Axie din nagbukas ng iba pang pinto sa akin. Hindi lang pala siya ang pwede ko pagkakitaan, natuto na din ako sa iba pang crypto coins, kahit mahirap nag tyaga ako manood nood kahit papano sa Youtube. Doon ko natutunan mag trade at mag invest sa ibang crypto. Nagte-trade po ako ng Small Love Potion (SLP), WINk (WIN), BitTorrent Token (BTT) sa Binance basta po ung mga lowest price na coins lang. 

Bukod sa Axie Infinity, may iba ka pa bang games nilalaro?

Nag start na din kaming maglaro ng Alien Worlds, yung mga anak ko na 14 at 11 years old ang naglalaro, lahat ng kita dun sa kanila para may pera din sila. Hindi naman masyado malaki ang kita pero pwede na din kasi wala naman akong investment.

Ano ang pinakamalaking contributions ng Axie sa buhay nyo? Nabago ba nito ang buhay ng pamilya nyo?

Life changing talaga ang Axie, dati kasi ang cycle ng buhay ko, utang-trabaho-sahod-bayad utang, tapos ganun ulit. Ngayon iba na laro-sahod-gastos-ipon.  Wala na akong utang, nakaka-ipon pa ako, dahil lahat iyan sa Axie. Nagpapasalamat talaga ako na dumating si Axie sa buhay ko, sa buhay naming pamilya.

English: Interview with Zabrina Cando, Mom of two, Axie Infinity player

In one rural area in the Philippines, an entire community has earned a living from playing the blockchain game called Axie Infinity. Leah Callon-Butler, columnist for major crypto news publication Coindesk and director of consultancy firm Emfarsis, together with Emfarsis’ principal consultant Nathan Smale travelled to Cabanatuan to meet the very people whose lives have changed because of “Play-to-Earn.”

In the second part of “Play-to-Earn Profiles” article series, I interviewed Zabrina Cando, mom of two and Axie Infinity player in Cabanatuan who appeared in the documentary: Play-to-Earn: NFT Gaming in the Philippines” produced by Yield Guild Games in collaboration with Delphi Digital and directed by Emfarsis.

What’s Zabrina up to these days? This is her #PlayToEarn and #ThanksAxie story.

Zabrina Cando, mom of two, was working as a sports bar supervisor.  But when the pandemic hit, the bar closed down permanently, leaving her out of job like thousands of other Filipinos. For two months, they were living off the little money left in her savings. As the bills piled up, and the rent due date crept closer, Zabrina’s financial stress and anxiety got worse.  Especially, as she had no “Plan B.”

That was until the play-to-earn game, Axie Infinity, came into her life in the most unexpected way. Since then, it has  changed her life and the life of her family for the better. 

How did you learn about ‘Axie Infinity’? Who Introduced you to the game? 

Zabrina:  I have been following my cousin’s journey in Axie Infinity on Facebook.  He’s been flooding my newsfeed with updates regarding his game experience. At first, I thought that he was just having fun playing it. Until, he posted himself holding money with the hashtag ‘#SalamatAxie.’ I got curious, so I immediately asked him how it is possible to earn money from playing.

I called him, and he explained everything to me. At that time, he already earned Php 14,000.

My cousin taught me first how to play the game to earn a Small Love Potion (SLP). He taught me everything from downloading the game application on my mobile phone, installing Metamask wallet, buying Ethereum (ETH), cashing in funds, and buying my first Axie team.

He taught a lot of people in our community how to play Axie, not just me, by doing that he helped us elevate our standard of living.   

I bought my first Axie team in August 2020 for only P4,000.00.

Since August 2020, how much do you think you’ve earned in total?

I lost track, but on average I get to withdraw P15,000 to P30,000 monthly.  It always depends on the value of SLP. 

This has been our bread and butter ever since I discovered it.  We now have 3 accounts, one for me, one for my husband, and the other one is for my 14-year old son.

I bought all our Axie teams in the Axie Infinity Marketplace.

Do you have plans of buying another Axie team soon?

I have plans to breed Axies soon, I want other people to try and experience earning money from play-to-earn games like Axie and somehow help them. I believe it can change their lives just like how it changed ours.

How is the money helping you and your family?

My husband is a tricycle driver. Since it’s pandemic and it’s very risky to go out to do his job, I asked him to stay home and play Axie. I was afraid that instead of bringing money home, he would surprise us with the virus. Besides, playing Axie would let him relax sitting on the couch here at home every day. 

Playing Axie helps us earn as much as Php 1,500 to Php 1,800 daily. This is only by playing 2 hours each day with our three accounts.  It’s a game-changer!

How playing ‘Axie Infinity’ changed your life?

Axie is like “magic.” It paid off all our bills. We never ran out of money for our everyday needs, and we can now eat delicious food anytime we want. 

Axie opened a lot of doors for me. Because of Axie I got acquainted with different crypto coins. I learned to trade and invest in them. I’m currently trading Small Love Potions (SLP), WINk (WIN), and BitTorrent (BTT) in Binance.

Have you started playing other games than ‘Axie Infinity’?

We started playing Alien Worlds. My children, 14 and 11 year-olds, are playing it so they can earn their own money. The money we got from playing Alien Worlds was nothing compared to Axie Infinity. Good thing that we did not invest that much to play that game.

What is the biggest contribution of Axie in your life?

Discovering the play-to-earn game Axie Infinity changed our lives for the best. Before, I thought my life would be in an inescapable loop of debt cycle: debt-work-get paid-pay debt.  But when Axie came, everything changed. Now, our life is play-get paid-shopping-savings!  I’ll be forever grateful to Axie Infinity for changing our lives forever!  Now, I can see a brighter future ahead for my family and me.

This article is published on BitPinas: Zabrina Cando ng Cabanatuan: Paano Binago ng Axie Infinity ang Kanyang Buhay

Share some Bitpinas love:
Follow on social and subscribe to our newsletter
Subscribe
Notify of
guest
7 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments

[…] For the English version of the article, go straight here. […]

[…] For the English version of the article, go straight here. […]

[…] For the English model of the article, go straight here. […]

[…] This article is published on BitPinas: Zabrina Cando ng Cabanatuan: Paano Binago ng Axie Infinity ang Kanyang Buhay […]

[…] For the English version of the article, go straight here. […]

[…] This article is published on BitPinas: Zabrina Cando ng Cabanatuan: Paano Binago ng Axie Infinity ang Kanyang Buhay […]

[…] For the English version of the article, go straight here. […]

Joy Gurtiza

Joy Gurtiza is a cryptocurrency enthusiast, mommy blogger, and food photographer. She's fascinated with genuine, heartwarming, and inspiring human stories. Excited with the metaverse, she plans to pioneer a full-service fast-food chain exclusive for people with cats! Follow her on Twitter @joybitesme.