Yahoo 2021 Review: Binance Coin, pinakamadalas I-search na Cryptocurrency sa Pilipinas, tinalo ang BTC at ang ETH

Share some Bitpinas love:

Translated by Arzen Ong from Yahoo 2021 Review: Binance Coin Most Searched Cryptocurrency in PH, beating BTC and ETH

“Ang 2021 ay malaking taon para sa cryptocurrency sa Pilipinas, dahil na rin sa pagtaas ng interes dito sa bansa,” sabi ng Yahoo! Philippines, ang lokal na bersyon ng kilalang search engine na Yahoo!, ayon sa ‘top searched cryptocurrencies’ sa kanilang website.

Binance Coin, ang utility token ng cryptocurrency exchange na Binance, ang nanguna sa nasabing listahan na kung saan tinalo nito ang ibang nangungunang cryptocurrency gaya ng Bitcoin (BTC), na siya namang nagkamit ng 2nd place Habang ang mga digital currency na Tether (USDT), Ripple (XRP), at Uniswap (UNI) naman ay pumangatlo, pumang-apat at pumanglima sa listahan. 

“Sa gitna ng pagluwag ng mga community quarantine restrictions sa bansa, ang online activity ng mga Pinoy netizen ay nananatili pa ring mataas dahil sa patuloy nilang paghahanap ng kanilang mga kinahihiligan online.” ang pahayag ng site.

Ang Ether (ETH) ng Ethereum network, ang pangalawa sa pinakapopular na digital token sa buong mundo kasunod ng BTC, ay nasa pang-7 pwesto lamang sa listahan.

Samantala, ang mga “meme coins” na Dogecoin (DOGE) at ang kinukunsiderang karibal nito na Shiba Inu (SHIB), ay pasok din sa top 10 kung saan ag DOGE ay nasa ika-8 at ang SHIB ay nasa ika-6 na pwesto naman.

Ang cryptocurrency ng Polkadot at Cardano ay pasok din sa top searches ng taon. And DOT ay nasa 9th place habang ang ADA naman ay nasa 10th spot.

Kamakailan lang ay kinilala ang SHIB bilang pinakapinag-uusapang cryptocurrency sa Twitter noong buwan ng Oktubre. Ayon ito sa data na nakalap ng ICO Analytics, isang platform na nakapokus sa mga balita at analytics tungkol sa mga bagong coin. Tinalo ng meme coin ang BTC, ETH, at maging ang tinuturing na karibal nitong Dogecoin. (Dagdag babasahin: Shiba Inu kinilala bilang pinakapopular na Cryptocurrency sa Twitter, tinalo ang Bitcoin, Ether, at Dogecoin)

Dagdag pa rito, ang mga cryptocurrency na kinabibilangan ng Dogecoin, Ethereum at Shiba Inu ay nanguna rin sa ‘Google’s 2021 Year in Search’. Ang Dogecoin at ang “presyo ng Ethereum” ay pasok sa top 10 na ‘most-googled’ na balita sa nakaraang taon sa buong mundo.

Samantala, ayon naman sa Reddit Recap 2021, ang salitang ‘crypto’ ay binanggit ng 6.6 milyong beses ng mga tao sa Reddit ngayong taon. Ito ang dahilan sa pagiging pinakapopular na post, topic at conversation ng ‚Äėcrypto‚Äô¬† sa platform na ito sa nagdaang taon.

Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Yahoo 2021 Review: Binance Coin, pinakamadalas I-search na Cryptocurrency sa Pilipinas, tinalo ang BTC at ang ETH

Share some Bitpinas love:

Crypto and Web3 Jobs Philippines

New on BitPinas: Web3 and Crypto Job Portal

Watch Next:

Binance Head of APAC responds to Infrawatch, reveals VASP license status:
Follow on social and subscribe to our newsletter
3 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments

[…] Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Yahoo 2021 Review: Binance Coin, pinakamadalas I-search na Cryptocurrency sa Pilipinas, tinalo ang B… […]

trackback

1bracelet