Gabay sa Cryptocurrency Accounting dito sa Pilipinas
Translated by Arzen Ong from Cryptocurrency Accounting in the Philippines Guide
Ang pagdating ng mga bagong teknolohiya at mga bagong anyo ng digital assets ay dahan-dahang nagiging parte ng ating pamumuhay. Bilang isang 90โs kid, lahat ng bagay noon ay kailangang gawin โin personโ – paglalaro ng games, pagsa-shopping, pag-aaral, atbp. Sa pagkakaalam ko, ang tanging โlong distanceโ na maaari mong gawin noon ay ang tumawag sa telepono. Samantalang ngayon, ang mga smartphones natin ay nagmistulang mga superpowers natin. Halos lahat ng bagay ay ginagawa natin agad-agad gamit ang gadget na ito.
Si Kristine Ismael ay isang Partner sa Ismael and Co., CPAโs, na base sa Baguio City, Ang Ismael and Co.,, CPAโs ay nagbibigay serbisyo sa ibaโt ibang pangangailangan ng kanilang mga kliyente na naka base sa Northern Philippines. Sila rin ay regulated ng Bureau of Internal Revenue, Securities and Exchange Commission, Bangko Sentral ng Pilipinas, Cooperative Development Authority at ng National Electrification Administration.ย
Accounting para sa Cryptographic Assets
Ang isang bagay na pumukaw sa interes ng karamihan sa mga tao ngayon ay digital assets, isa na dito ang cryptocurrencies. Nang dahil sa kasalukuyang pandemya ay maraming tao ang nakaalam at sumabay sa tinatawag nilang โCryptocurrency Wave.โ Subalit marami pa ring misteryo sa likod nito. Dito sa Pilipinas, ang mga regulators gaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay naaglabas ng kanilang anunsyo na nagsilbing batayan sa paglikha ng mga gabay para sa mga Virtual Currency Exchanges- Ito ang BSP Circular No. 944. Sa katunayan, maraming virtual currency exchanges ang nakarehistro sa ilalim ng BSP, na siya namang nagbibigay ng gabay at proteksyon sa kanyang mga kalahok.
Sa artikulong ito, nais nating malaman kung paano na re-record sa mga financial statements ang mga cryptocurrencies na natanggap ng isang entity. Hanggang sa ngayon, wala paring partikular na basehan na tumutukoy sa kung paano dapat ina-โaccountโ ang mga cryptocurrencies. Mabuti na lamang ay naglabas ang Philippine Interpretations Committee (PIC) ng โPIC Q&A 2019-02 Accounting for Cryptographic Assets such as cryptocurrenciesโ kahit na wala paring opisyal na gabay para dito.
Ang Cryptocurrencies ay mga โassetโ kapag sila ay iyong na-โacquireโ
Maraming ibat ibang uri ng cryptocurrencies na may iba’t ibang klase ng katangian na nag-reresulta sa natatanging accounting treatments. Sa pangkalahatan, ang cryptocurrencies ay kinokonsidera bilang โassetsโ kapag ito ay iyong natangap. Ang mga โassetโ ay tinutukoy bilang kasalukuyang economic resource na kinokontrol ng isang entity bilang resulta ng dating pangyayari, at mayroon ding potensyal na makapagbigay ng benepisyong ekonomikal. At dahil alam na natin ngayon kung nasaan ang cryptocurrencies sa โaccounting equation,โ alamin naman nating kung saang โaccountโ sya dapat mapabilang.
Ang Cryptocurrency ba ay dapat ikonsidera bilang โCashโ?
Maari ba itong maging cash o ibang uri ng asset?
Base sa ibig sabihin ng salitang โcryptocurrency,โ mistula itong depinisyon ng cash sapagkat kumakatawan ito bilang isang anyo ng โdigital currencyโ. Subalit wala sa cryptocurrency ang iba sa mga normal na katangian ng cash. Ayon sa International Accounting Standards (IAS) 7, ang โcashโ o ano mang kahalintulad ng cash, ay mga โcash on handโ at โdemand deposits (cash)โ o kung hindi naman ay mga โshort-term, highly liquid investmentsโ na madaling ipalit ang halaga sa cash at sumasailalim din sa pagbabago ng halaga (cash equivalents). Ang cryptocurrencies ay hindi fiat currency at hindi pa din lubos na tanggap bilang pambayad sa publiko (legal tender). Ang pagtaas at baba ng halaga nito ay sobrang dalas. At kahit na may mga cryptocurrency na mas stable ang halaga, karamihan parin sa cryptocurrencies ay may pabago-bagong halaga. Sa ngayong taon na lamang, ang halaga ng bitcoin ay nagpalit mula 1.3 million pesos pataas ng 2 million pesos sa pagitan lamang ng Enero at Agosto.
Kung hindi ito pasok sa depinisyon ng โcashโ o โcash equivalentsโ, saan ito lulugar?
Alinsunod sa PIC Q&A 2019-02, ang pinakamalapit na depinisyon ng cryptocurrencies ay โIntangible Assets.โ
Cryptocurrency bilang โIntangible Assetsโ
Ayon sa IAS 38 Intangibles, ang mga intangible assets ay mga โhindi pera na assetsโ na walang pisikal na anyo, na produkto ng mga kontraktwal o legal na karapatan, na maaaring ibenta, ipalit, at ilipat ng kanya kanya. Una sa lahat, ito ay โnon-monetary/hindi peraโ sapagkat hindi ito pasok sa depinisyon ng โmonetary assetโ ng IAS 38.8. Ang depinisyon nila dito ay โmga assets na natanggap na may tumpak na halaga ng pera.โ Tumutugma din ito sa IAS 21. Ang epekto ng pagbabago sa foreign exchange rates, na nagsasabi na ang mahalagang katangian ng mga โnon-monetaryโ na asset ay ang kawalan ng karapatang makatangap (o obligasyon na magbigay) ng tumpak na halaga sa units of currency.
Ngayon na nabangit na natin ito, mayroon din mga entities din na gumagamit ng mga estratehiya ng pamamahala sa mga posibleng panganib na dala ng cryptocurrencies. Pumapasok ang mga ito sa mga kontrata upang bumili at magbenta ng cryptocurrencies sa mga โfuturesโ o iba pang kontrata na nagbibigay ng pera depende sa paggalaw ng partikular na cryptocurrency. Sa mga ganitong sitwasyon, maaari itong pumasok sa depinisyon ng โderivativeโ at pumailalim sa โfinancial instrumentsโ ng accounting.
Paano kung ang nagmamay ari nito ay kwalipikado bilang isang broker-trader at ang kanyang intensyon sa pagkakaroon ng cryptocurrency ay ibenta ito sa hinaharap?
Cryptocurrency bilang โInventoryโ na nasusukat
Ang cryptocurrency na hawak ng isang broker-trader, sa ganitong sitwasyon, ay kwalipikado bilang โinventoryโ base na din sa โIAS 2 Inventories.โ Ayon sa IAS 2, hindi kinakailangan na ang isang โinventoryโ ay may pisikal na anyo. Ang simpleng katangian ng โinventoryโ ay sila ay ginagamit pang-benta sa normal na daloy ng negosyo. Ang entity ay pasok bilang broker-trader kung ito ay aktibong bumibili ng cryptocurrency at may intensyon sila na ibenta ang mga ito sa hinaharap, upang kumita sa pagpapalit ng halaga nito.
Sa lahat ng mga posibilidad na ito, mahalaga na malaman natin ang likas na depinisyon ng cryptocurrencies at ang intensyon at layunin ng entity na mag hawak nito bilang paghahanda sa paglalathala nito sa kanilang financial statements.
Ang artikulo na ito ay nailathala sa BitPinas: Gabay sa Cryptocurrency Accounting dito sa Pilipinas