Advertisement PDAX Banner

Cryptocurrency Tax Philippines | Play-to-Earn | Axie Infinity Tax 101 by PDAX and Taxumo (Tagalog)

Photo for the Article - Cryptocurrency Tax Philippines | Play-to-Earn | Axie Infinity Tax 101 by PDAX and Taxumo (Tagalog)

Translated by Arzen Ong from Cryptocurrency Tax Philippines | Play-to-Earn | Axie Infinity Tax 101 by PDAX and Taxumo

Noong Agosto 23,2021, nagpaalala ang  Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga cryptocurrency investors, play-to-earn users, at Axie Infinity players na sila ay magparehistro sa kanilang tanggapan bilang income earners 

Upang matulungan tayong maintindihan ito, ang Taxumo, ang nangungunang online tax compliance tool, at ang PDAX, ay nag sponsor ng Crypto Tax 101 Webinar na pinangunahan ng Taxumo CEO na si EJ Arboleda. Inimbitahan din nila sina Atty. Mike David ng CEZA at Atty, Kevin Baldonado, upang sagutin ang mga madalas na katanungan tungkol sa cryptocurrency at taxes. Makikita nyo sa video sa baba ang mga Tax experts na sinasagot ang mga Tax questions. Dinaanan ni Atty. Mike David ang maikling background tungkol sa crypto at taxation bago lubusang talakayin ang โ€œcrypto tax.โ€ Nais naming pasalamatan ang PDAX at Taxumo sa paglunsad ng seminar na ito.

Maikling Kasaysayan ng Currency at Cryptocurrency

Currency – Isang unit of account, isang paraan ng pakikipagpalitan, o magtago ng halaga. Ito ay โ€˜Peraโ€™ sapagkat ito ay tinatangap ng maraming tao kapalit ng produkto o serbisyo.

Fiat – Isang legal tender, na sinusuportahan ng gobyerno, ito ay nililikha at mini-โ€™mintโ€™ ng BSP. (FIAT = โ€œsa kapangyarihan ng awtoridadโ€ โ€œby decreeโ€)

Advertisement PDAX Banner

E-Money – Ang digital na representasyon ng fiat, isang legal tender, na naipapalit sa fiat.

Virtual Currency – Isang uri ng digital currency na nilikha ng isang komunidad ng online users, na inilalagak sa electronic wallets (e-wallets), na madalas ginagamit online. Maaaring maipalit sa ibang VC o sa fiat.

Crypto – Isang uri ng Virtual Currency, maaring decentralized o centralized. Gumagamit din ito ng cryptography at blockchain. Ang pakikipag palitan ng halaga at impormasyon nito ay encrypted. 

ANG PAGSUSURI SA INCOME TAXATION

Ano ba ang Revenue at Income?

Revenue – Ito ay Gross na pagpasok ng benepisyong ekonomikal sa panahon ng normal na aktibidad ng isang entity. (ito ay aktwal na โ€˜bayadโ€™ at hindi binu-buwisan)

Income – Anumang kita / gain, na nakuha at na-โ€™realizedโ€™ mula sa kapital, sa serbisyo, o parehas. Sa madaling salita, ito ay daloy ng yaman o kaigihan mula sa balik sa kapital.

Kita / Gain –  Ang balik sa kapital. Kapag namuhunan ka ang bumalik ang iyong kapital na may tubo.

Realized – Kapag ang income ay natanggap ng income earner, ito ang magpapasimula ng pagbubuwis o taxation.

SINO ANG PWEDENG BUWISAN?

Photo for the Article - Cryptocurrency Tax Philippines | Play-to-Earn | Axie Infinity Tax 101 by PDAX and Taxumo (Tagalog)

SAAN ITO BINUBUWISAN?

  • Sa lugar kung saan ginawa o natapos ang aktibidad na lumikha ng income.
  • Domicile/Tirahan ng mayari (intangibles)

MAGKANO LANG ANG PWEDENG BUWISAN?

Para sa indibidwal,

  • Php 250,000 ang kasagaran. Kapag ang income ay hindi lumagpas dito sa loob ng isang taon ay hindi papatawan ng Buwis.
  • Sumangguni sa Table of taxes sa ilalim ng Sec. 24(A) ng Tax Code sa ibaba.

Para sa korporasyon,

  • 20% para sa domestic corporation na may net taxable income na hindi hihigit sa Php5 million kasama ang kabuuang pag aari. (Sumangguni sa Sec. 27(A) para sa karagdagang detalye)
  • 25% para sa iba pang domestic corporation at mga residente na foreign corporations.

Kasalukuyang Tax Schedule:

Photo for the Article - Cryptocurrency Tax Philippines | Play-to-Earn | Axie Infinity Tax 101 by PDAX and Taxumo (Tagalog)

AKTIBIDAD NA MAAARING BUWISAN

Sa konteksto ng Play-to-earn.

Photo for the Article - Cryptocurrency Tax Philippines | Play-to-Earn | Axie Infinity Tax 101 by PDAX and Taxumo (Tagalog)
Income generating activityTrigger (When income is realized and therefore taxable)
Trading and GainUpon conversion to fiat.
Mining and generating the coinWhen sold for fiat
Manager: cut, gain on breeding, and trading
Scholar: hodl, sale, cut, or compensation
When it is converted to fiat

Dahil ang crypto ay wala pang ganap na klasipikasyon mula sa BIR, SEC, at BSP, ang pagbubuwis ay magaganap lamang kapag ito ay isinalin o ipinalit sa fiat.

Ito ang maari nating asahan sa hinaharap

  • Income Tax
  • Capital Gains (kapag itinuring ng gobyerno ang crypto bilang โ€˜securitiesโ€™)
  • VAT
  • Percentage Tax (ang kita / gain dito ay kahit na anong tubo na nakuha mo mula sa iyong kapital)

Iba pang regulasyon at dapat asahan

Sinabi din ni Atty. Mike na ang regulasyon tungkol sa crypto ay hindi pa tumpak at kasalukuyan pang pinag aaralan, subalit ang kakayahang magbuwis ng gobyerno ay malawak at malakas. Lahat ng income ay maaaring buwisan, subalit ang mabubuwisan lamang ito kapag ito ay na-realized na. Iminungkahi na makipag ugnayan sa mga propesyonal gaya ng Taxumo kung nais mong baybayin ang mga batas tungkol sa pagbubuwis.

Q AND A NA PARTE

PUWEDE BANG HUWAG NALANG AKONG MAGDEKLARA?

Atty. Mike: Iyo lamang tandaan na ikaw an nagta-transact sa mga digital economy (online wallets, online banks, Gcash, atbp.) at lagi itong may paper trail. Hindi mo gugustuhin na sumugal dito.

PAANONG NAGAGAWA NG GOBYERNO NA MAGPATAW NG BUWIS KUNG KAILAN NITO GUSTO?

Atty. Mike: Dahil ang kakayahan ng gobyerno na magbuwis ay malawak at malakas. Ang pagbubuwis o taxation ang pinakamalakas na kakayahan ng gobyerno. Lahat ng income, kahit illegal na kita, ay maaaring buwisan.

PAANO MAKIKITA NG BIR ANG MGA CRYPTO EARNINGS KO KUNG ITO AY DECENTRALIZED?

Atty. Mike: Mahihirapan sila dito dahil laging nakasalalay ang pagbubuwis base sa pagdedeklara ng indibidwal ng kanyang tax dues. (Tayo ay nakasalalay sa honesty system kaya naman madaming tax evaders).

Kapag ikaw ay nagkaroon ng pera, saan mo ito inilalagak? Kung hindi mo ito itinatago sa ilalim ng kama mo, malamang ay inilalagay mo ito sa bangko. Lalo na kung ikaw ay may credit card, na madalas ay nata-track pabalik sa iyo. Ang bangko at ang gobyerno ay magugulat kung saan nanggaling ang iyong pera at kung bakit nagkaroon ng pagbabago sa iyong lifestyle. Ito ang magpapasimula ng pag-audit sayo.

Maari mo nga itong matakasan, pero ayos lang ba sa iyo na lagi mo itong inaalala? Sumangguni sa mga Tax Professionals upang mapagaan ang iyong bayarin at maging mas madali ang proseso ng pagbubuwis para sayo.

Atty. Kev: Maraming tao ang hindi alam ang pinagkaiba ng Tax Avoidance sa Tax Evasion. Maaari mong iwasaan (avoid) ang iyong buwis, ngunit hindi mo ito matatakasan (evade).

KAILANGAN KO BANG MAGREGISTER SA ILALIM NG BIR/SEC?

Atty. Mike: Kailangan mo lang kumuha ng DTI certification (SEC kung grupo kayo) kung ikaw ay gagawa ng negosyo na magaalok ng serbisyo sa publiko, o kaya ay may mga taong bibili ng iyong produkto (o serbisyo). Ito ang magpapanigura na ang ginagawa mo ay legal, nareregulate, at nabubuwisan.

Kung ikaw ay nag play-to-earn (Axie Infinity) lang naman ay hindi mo na kailangan magparehistro sa  DTI o sa SEC. Isa kang indibidwal na tax earner.

PAANO KO MALALAMAN KUNG AKO AY NAG TAX AVOIDANCE O NAG TAX EVASION?

Atty. Mike: Kailangan mo munang malaman kung ano anong bagay ang dapat buwisan. Kung ikaw ay gumagawa ng mga income-generating na aktibidad, ito ay dapat buwisan. Ang kagandahan nito ay sa ating Tax Laws, may mga deductions, expenses, at cost na maaari mong ibawas (silipin ang chart sa itaas). Para sa aspeto ng โ€˜avoidanceโ€™, mabuting gamitin ng lubos ang remedyo mga kasalukuyang batas, malay mo ay exempted ka na pala sa pagbabayad.

Kung ikaw naman ay nag imbento lang ng mga bayarin para makaiwas sa buwis, tax evasion na yan. 

PAANO KUNG PAREHAS AKONG KUMIKITA SA AKING TRABAHO AT SA PLAY-TO-EARN?

Atty. Mike: Pwede mo itong isama sa iyong Tax Identification Number (TIN) at idagdag mo nalang ang iyong Play-to-earn na earning sa iba mo pang earnings.

ANO NAMAN ANG MAKUKUHA KO KAPALIT NG PAGBABAYAD NG BUWIS SA AKING MGA CRYPTO DEALS? BAKIT KAILANGAN KONG MAGBAYAD NG BUWIS? SUSUPORTAHAN BA NG GOBYERNO ANG CRYPTO KAPAG NAGBAYAD AKO NG BUWIS PARA DITO?

Atty. Mike: Bilang halimbawa, maaari kang makakuha ng libreng bakuna dahil sa iyong buwis. Alam kong nakakaumay magbayad ng buwis, pero kailangan kasing magkapondo ang gobyerno. Kung ang lahat ay magbabayad ng buwis, magkakaroon tayo ng industry leverage na lubos na makakatulong sa ating ekonomiya.

Madalas na nagbibigay ang gobyerno ng tax benefits sa mga industriya o kumpanya na nagbibigay respeto sa pagbabayad ng buwis.

SAANG INDUSTRIYA NAPAPABILANG ANG CRYPTO-TRADING AYON SA DTI?

Wala pa itong tumpak na klasipikasyon, pero sa pangkalahatan, maaari itong sumailalim bilang โ€œfinancial advisoryโ€ o โ€œcapital marketsโ€ depende sa iyong lebel ng crypto trading.

AKO BA AY NABUBUWISAN SA PAGAARI NG NFT?

Ikaw ay mabubuwisan lamang kapag ibinenta mo na ang iyong NFT at ipinalit mo ang ang iyong kita bilang fiat.

KAILANGAN BA TALAGANG MAG REHISTRO NG AXIE PLAYERS SA BIR AT MAYROONG BA TALAGA ITONG KAAKIBAT NA PARUSA?

Atty. Mike: Oo, kapag ikaw ay hindi nagbayad ng buwis, ikaw ay gumagawa ng krimen. Ang pagbabayad ng buwis ay responsibilidad sa totoong buhay, kahit narin sa iyong pagpanaw. Hindi mo ito matatakasan. Hanggang pag iwas lang ang pwede mong gawin dito.

Ano ang mangyayari kapag hindi ka nagbayad ng buwis? Sa ngayon ay wala. Subalit pag nagkaroon na ng paraan para ma-trace ito sa iyo, huwag mong kalilimutan na pagdating sa tax evasion, kahit na 10 taon na ang nakakaraan mula nung ginawa mo ito, ikaw ay mananagot pa rin.

Ang panahon ng paghuhukom pagdating as Tax Evasion ay kapag ito ay nadiskubre na at hindi sa panahon na ginawa mo ito, 

EJ: Kung makikita naman ng BIR na may intensyon kang magbayad, mas magiging mapagpatawad naman sila sayo.

PAANO KUNG BUMILI AKO NG ASSET (KOTSE, O BAHAY) GAMIT ANG CRYPTO? PAANO ITO BUBUWISAN NG GOBYERNO KUNG ANG HALAGA AY PABAGO BAGO? DAPAT BA NA ANG TAGA BENTA ANG MANINGIL NG BUWIS?

Atty. Mike: Ang taga benta ang magdadala ng buwis. Ang magiging halaga nito ay kung kailan naganap ang transaksyon. Sa halimbawang ito, kung ang bahay ay ibinenta sa halagang Php 2 Million, pero ito ay binili as halagang Php 2 Million worth of ETH, ang value (sa fiat) ay na-realized na. Realized = Taxable.

KUNG MAGBEBENTA AKO NG AXIE SA ETH, MAY BUWIS BA ITO?

Wala kung ito ay ibinenta sa crypto. Ang pinagkaiba nito sa halimbawa kanina ng pagbebenta ng bahay ay ibinenta mo ang Axie para sa 1 ETH (halimbawa lang) at ito ay binili ng 1 ETH din (kahit magkano pa man ang halaga ng ETH sa panahon ng transaction)

KUNG AKO AY MAG DE-DECLARE NGAYON, PAANO NAMAN YUNG MGA DATI KO NG KINITA, ANG MGA IYON BA AY MABUBUWISAN PARIN O YUNG MGA SUSUNOD LAMANG NA KITA?

Atty. Mike: Maari mo din bayaran ang mga kulang mo na buwis. Ang tawag dito ay โ€œcompromised penaltiesโ€ dahil boluntaryo ang pagbabayad mo ng buwis. At pagkatapos ay maaari mo ng bayaran ang mga susunod mong buwis ng normal.

Mas mabuting magparehistro ka na bago pa magsimulang maghabol ang BIR sa mga hindi pa nagbabayad ay mga nagtatago.

Huwag natin gawing masama ang pagbabayad ng buwis.

MAYROON BANG EMPLOYER-EMPLOYEE NA RELASYON ANG MGA AXIE SCHOLARS AT MANAGERS BASE SA FOUR-FOLD TEST? KUNG OO, DAPAT BA NA MAGBIGAY NG BENEPISYO ANG MGA MANAGERS?

Atty. Mike: Maaari naman ito. Pwedeng magkaroon ng kontrata sa pagitan nila. Sa katunayan, mas makatao ito dahil kapag sila ay naging ganap na empleyado, mangangailangan sila ng isinabatas na benepisyo.

Mas madaling magcompute ng buwis kapag may kontrata. Sa mga managers, gawa kayo ng kontrata sa pagitan nyo at mga scholars nyo.

Ang artikulo na ito ay nailathala sa BitPinas: Cryptocurrency Tax Philippines | Play-to-Earn | Axie Infinity Tax 101 by PDAX and Taxumo (Tagalog)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.