Cryptoday 064 – Ang Christmas Update Para sa #OdettePh

Share some Bitpinas love:

Imbes na payapang naghihintay ng kapaskuhan, ang katimugang bahagi ng Pilipinas ay di-inaasahang niyanig ng bagyong #OdettePH nitong nakaraang Linggo. Tumulong ang YGG Pilipinas na makalikom ng donasyon at suporta para sa relief efforts sa kabuuan ng Visayas region, kung saan nakabase ang malaking bahagi ng ating komunidad. Tinatayang aabot sa 55,000 kabahayan ang nasira at humigit 385,000 Pilipino naman ang nawalan ng tirahan. Sa Bohol at Surigao City, inaasahang magtatagal pa ng anim na buwan ang mga evacuees sa mga evacuation sites habang muling itinatayo ang kanilang mga kabahayan.

Ang fundraising campaign ng YGG Pilipinas para sa mga biktima ng OdettePH ay nagsimula isang linggo na ang nakakaraan noong nakaraang Biyernes ng umaga. Sa ngayon ay umabot na sa $600,000 (30M Php) na halaga ng donasyon ang ating nalikom mula sa global crypto community. Napakaraming tao ang tumulong at nais kong pasalamatan, ngunit upang mapanatili nating maikli ang ating newsletter ngayong araw ay ibabahagi ko na lamang dito ang blockchain explorer link ng mga donor sa ibaba (makikita ninyo ang kani-kanilang pangalan sa listahan) at pagusapan na rin kung saan mapupunta ang pondong nalikom. Ang lahat ng ating alokasyon at nakalista sa Google Sheet na ito na maaaring makita ng publiko.

Ang unang donasyon ay nanggaling sa address ng yggph.rth na matatagpuan sa Ethereum base network. Nakatangap tayo ng mahigit 60 donasyon dito, na umabot sa halagang $400.000 (Php 20M). 

Sinimulan nating gamitin ang pondo noong Sabado ng hapon pa lamang, isang araw matapos makaraan ng bagyo sa Visayas. Ang ilang bahagi ng pondo ay napunta sa ilang mga propesyonal na mga organisasyon gaya ng World Food Programme Philippines ($20,000), World Vision Development Foundation ($20,000), at sa ACCORD ($20,000). 

Nagbigay din tayo ng suporta sa ilang ‘community-led efforts’ na tumutulong sa mga partikular na mga lokasyon gaya ng pagpapadala ng supply sa Surigao del Norte ($2,000), pagtulong sa #BangonBohol volunteer team na akyatin ang ikalawang distrito ng Bohol ($3,000), pagtulong sa isang grupo na nagtayo ng sampung diesel power generator sa Cebu City ($3,000), at ang pagtulong sa Axie Alerts-led team na magpadala ng pagkain at malinis na inuming tubig sa mga taga Tigbauan, Iloilo at Sipalay, Negos ($10,000). 

Noong Martes, 21 ng Disyembre, bumili tayo ng 66,900 na lata ng sardinas at 35,000 litro ng drinking water ($40,000) at hinati natin ang mga ito sa grupo mula sa Armed Forces of the Philippines at ang grupo ng Philippine Navy. Ang mga distribution teams na ito ay naglakbay sa karagatan at tumulong sa mga komunidad sa Cebu, Siargao, at Dinagat Island sa nakalipas na mga araw. 

Noong Miyerkules naman at bumili tayo ng 13.5 na tonelada ng bigas ($10,000) para sa Save Palawan Seas Foundation.

Ang pangalawa nating donation galing naman sa address na ronin:bf298227e40c55f5d5a85e5aecc61c622f4b20ac. Matatagpuan sa Ronin layer 2 network

Nakatanggap tayo ng mahigit 400 iba-ibang donasyon sa address na ito kung saan umabot ang kabuuang halaga sa $200,000 (Php 10M). Gaya ng nasabi ko dati, lubos akong humahanga sa dami ng maliliit na donasyon na ating natanggap dahil pinagtibay nito ang paniniwala ko na talagang maraming tao ang gustong tumulong sa kapwa nila hanggat kaya nila. Kung titignan ang laki ng mga deposito sa wallet na ito, mapapansin na ang ilan ay kasing liit lamang ng 10 SLP (15 pesos). Hindi man ito malaking halaga subalit makahulugan naman ito para sa taong nagpadala.

Kahapon ay taimtim nating sinimulan ang ating programa na #cryptoAyuda, kung saan namahagi tayo ng Php 10,000 sa mga apektadong kabahayan na nakapag-’sign up’ sa ating form na ito: https://bit.ly/yggodetteph. Sa ngayon ay umabot na sa 350 kabahayan ang ating naabot at inaasahan natin na magkakaroon pa ng karagdagang 1,500 kabahayan bago matapos ang taon. 

Nais naming pasalamatan ang ating mga ‘exchanger partner’ na XLD Finance at Moneybees para sa kanilang pagtulong (lalo na ngayong holidays) at para narin sa pagbibigay ng subsidy para sa mga gastos ng pagpapalit ng crypto sa fiat. 

Naiintindihan naman namin kung hindi ka pa nakakapag-donate, literal na kapaskuhan na ngayon at medyo limitado lamang ang maaari nating gastusin sa panahong ito kumpara sa ibang parte ng taon. Ngunit kung mayroon ka mang nais na ibahagi, mangyaring isaalang-alang ang pagpapadala ng iyong makakaya sa yggph.eth (0x7a3cf7cf1c5f995e5849fc65f956ca31e9a6e) sa Ethereum network, o di kaya ay sa ronin:bf298227e40c55f5d5a85e5aecc61c622f4b20ac sa Ronin level 2 network. 

Ipagpapatuloy namin ang programang #cryptoAyuda hanggang sa maubusan kami ng pera na maibabahagi o kapag naubos ang mga taong makapagpapadala ng tulong. Anuman ang mangyari, kami ay nagpapasalamat sa lahat ng inyong suporta.

Maligayang kapaskuhan, Pilipinas! WAGMI!

Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Cryptoday 064 – Ang Christmas Update Para sa #OdettePh

Share some Bitpinas love:

Crypto and Web3 Jobs Philippines

New on BitPinas: Web3 and Crypto Job Portal

Fastbreak News:

Follow on social and subscribe to our newsletter
14 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments

[…] This article was published in BitPinas: Cryptoday 064 – Christmas Change For #OdettePh […]

[…] post Cryptoday 064 – Ang Christmas Update Para sa #OdettePh appeared first on […]

[…] Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Cryptoday 064 – Ang Christmas Update Para sa #OdettePh […]

[…] This article was published in BitPinas: Cryptoday 064 – Christmas Change For #OdettePh […]

[…] This article was published in BitPinas: Cryptoday 064 – Christmas Change For #OdettePh […]

[…] This article was published in BitPinas: Cryptoday 064 – Christmas Change For #OdettePh […]

[…] Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Cryptoday 064 – Ang Christmas Update Para sa #OdettePh […]

[…] Original Article reposted fromSource link […]

[…] This article was published in BitPinas: Cryptoday 064 – Christmas Change For #OdettePh […]

[…] Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Cryptoday 064 – Ang Christmas Update Para sa #OdettePh […]

trackback

3respectively