[Tagalog] Play-to-Earn: Axie Infinity Filipino Guide

Share some Bitpinas love:

Ang Axie Infinity ay isang laro na kung saan ikaw magko-collect ng Axie at ilaban sila ibang players na mayroon ding Axie. Pupuwede mo sila ilaban as “Adventure Mode” o kaya naman ay sa “Arena/PvP” mode kalaban ang ibang mga players.

Sumisikat ngayon ang Axie Infinity dahil sa mayroon itong “Play-to-earn” mechanics. Maari kang kumita ng cryptocurrency na “SLP” na pwedeng ipalit sa Pesos. 

Upang malaman kung ano ang ibig sabihin ng “Play-to-earn” basahin ang article na ito (English). Panoorin din ang video sa ibaba tungkol sa isang bayan sa Nueva Ecija kung saan may grupo ng mga manlalaro na naitawid ang kanilang pang-araw araw dahil sa paglalaro ng Axie Infinity.

Paano magsimulang maglaro ng Axie Infinity

Dahil ang Axie Infinity ay isang NFT game, kailangan natin ng crypto na Ether at account sa MetaMask para makapagsimulang maglaro. Hindi naman ganoon katagal bago maset up ang lahat pero kung nabasa mo itong article na ito, alam mong worth it naman ang ating gagawin.

1. Maginstall ng MetaMask. 

Wag kakalimutan ang inyong seed phrase. Basahin ang aming article kung paano mag-install at paano gamitin ang MetaMask.

2. Magdeposit ng Ether (ETH) sa MetaMask.

Mula sa inyong crypto wallet or crypto exchange, magsend ng ETH sa inyong MetaMask wallet. Basahin ang article na ito kung papano ito gawin ng tama.

3. Magregister ng account sa https://marketplace.axieinfinity.com

4. I-sync ang iyong MetaMask account sa iyong Axie Infinity account. (Dapat may automatic na magpapop out sa panibagong browser para ito ay iyong magawa.)

5. Gumawa ng Ronin Account / Itransfer ang ETH mula sa inyong MetaMask papuntang Ronin, ang sidechain ng Axie Infinity. 

Sa dashboard ng Axie Infinity, dapat ay may makikita kang option para magtransfer ng funds (at Axies, kung mayron ka na) papuntang Ronin. Ang proseso ay seamless at may instructions naman mula sa dashboard upang ito ay magawa mo ng tama.

6. Bumili ng tatlong Axies sa https://marketplace.axieinfinity.com. Para sa mga bagong player, ang recommended ay “Plant,” “Beast,” at “Aqua” Axies. (Mamaya sa article ay idedetalye ang tungkol sa mga classes.)

7. Iinstall ang Axie Infinity Community Alpha sa inyong phone. Maari din itong gawin sa desktop.

Kung ikaw ay maglalaro sa phone, pupuwede mong i-scan ang QR code na makikita sa dashboard ng iyong Axie Infinity account.

Paano Bumili ng ETH sa Ronin Sidechain

Update: May 21, 2021: Dahil nagmigrate na ang Axie Infinity sa Ronin sidechain, maari ka na ring bumili ng ETH mismo sa Ronin, hindi mo na kailangang gumawa ng account sa crypto exchngae. (Although kailangan pa rin ang mga exchanges kapag magcash-out.)

Mga Dapat Malaman: Gameplay Basics

Ang bawat Axie ay may apat (4) na stats:

  • Health  – Kapag ito ay nag-zero, hindi na makakalaban ang iyong Axie., 
  • Morale  – Mas mataas na morale, mas mataas na tyansa para mag critical attack. Morale din ang nagdidikta sa tyansya ng Axie na mag “Last Stand”, kung saan maari pang umatake ang Axie bago siya tuluyang ma-KO.
  • Skill – Dagdag damage kapag ang Axie ay nagcombo attack.
  •  and Speed – Ito ang magpapasya kung sinong mauunang umatake sa mga Axie mo at ng iyong kalaban.

Gaya sa Pokemon, mayron ding mga “Classes” ang mga Axie. May mga mga classes  na mahina o malakas sa iba pang classes. Tignan ang Class Triangle System sa ibaba:

Axie Infinity Class System

Nag-aadd din ng bonus sa stat depende sa klase ng Axie.

  • Plant: 3 HP + 1 Morale
  • Aqua: 3 Speed + 1 HP
  • Reptile: 3 HP + 1 Speed
  • Beast: 3 Morale+1 Speed
  • Bug: 3 Morale + 1 HP
  • Bird: 3 Speed + 1 Morale

Battle Mechanics:

Ang Axie Infinity ay isang turn-based na laro. Ang iyong objective ay matalo ang lahat ng Axie ng kalaban. Matapos kang mag-select ng cards, pindutin ang “Ready” na button sa lower right portion ng screen.

Ano ang Pinakamaganda at Pinakasulit na Axie Team?

Ang ideal na Axie Team ay yung mayrong isang (1) defender (or tank,  tangke) at dalawang (2) attackers. Dapat malaki ang health ng iyong tangke para mag-act na sponge sa mga atake ng kalabang Axies, habang ang sarili mong mga attackers ay lumalaban din. Siyempre, yun ang pinaka-basic na formation, may mga players na nag eexperiment ng tatlong attackers o kaya ay tatlong tangke sa kanilang team.

Sa picture sa itaas, nasa unahan ang aking tangke na may 536 na health.

Ito ang ideal na Axie Team at class combination sabi ng community:

  • 1 PLANT Axie (high HP, but low Attack power)
  • 1 BEAST Axie (High Crit and Attack, low HP)
  • 1 BIRD AXIE (High Attack and Very Fast, But has Paper HP)

Ang 1 Plant, 1 Beast, 1 Bird team ay isang balanseng team na maari sa iyong makatulong lalo na sa Adventure mode at maging sa Arena mode. Bagay ito sa mga beginners.

Card Descriptions, Buffs at Debuffs

Tignan ang card sa itaas. Basahin ang description. Ibig sabihin, kapag daw inatake mo ang isang kalaban na nasa “Last Stand,” ikaw daw ay magkakaroon ng isa pang card. (I-check ang paragraphtungkol sa stats upang malaman ano ibig sabihin ng “Last Stand”.)

Ugaliing maglaro ng Axie Infinity araw araw para ikaw ay maging pamilyar sa mga terminologies tungkol sa game na ito. (Salamat sa Axie Zone para sa description ng bawat Buffs at Debuffs sa ibaba.)

Buffs

IconBuffDescription
Attack UpAng power ng susunod na atake ay tataas ng 20%. Pwedeng mag-stack (patong). (Parang load sa Globe/Smart, pag nagregister ka ng GoSakto bago mag expire, ay papatong lang yung kasunod.)
Speed UpAng speed ng Axie ay tataas ng 20% sa susunod na round. Stackable.
Morale UpAng Morale ng Axie ay tataas ng 20% sa susunod na round. Stackable.

Debuffs

IconDebuffDescription
AromaKung Axie mo na ay inatake ng kalabang Axie na may Aroma, hindi aatakihin ng Axie mo ang nasa harapan niyang kalaban, bagkus aatakahin ng Axie mo ang Axie na umatake sa kanya, kahit nasa dulong posisyon pa ito sa kalabang team.
Attack downAng power ng susunod na atake ay bababa ng 20%. Stackable.
ChillHindi makakapag “Last Stand” ang apektadong Axie.
FearHindi makakaatake ang kalabang Axie.
FragileTatanggap ng double damage ang apektadong Axie.
JinxHindi makakapag critical hitang kalabang Axie.
LethalAng susunod na atake sa apektadong Axie ay critical hit.
Morale DownBababa ng 20% ang Morale ng apektadoing Axie sa susunod na round. Stackable.
PoisonMababawasan ng 2 HP ang apektadong Axie tuwing siya ay may gagawing aksyon. Stackable.
SleepAng susunod na atake ay iba-bypass ang Shield.
Speed downAng bilis ng Axie ay mababawasan ng 20% sa susunod na round.
StenchMahihirapang mag prioritize ang apektadong Axie sa susunod na round.
StunAng susunod na atake ay sasablay / Ang susunod na paparating na atake ay iba-bypass ang Shield.

Energy

Axie Infinity Energy

Kada laban mo sa Arena or Adventure mode ay gagasta ng Energy. Kapag wala ka ng Energy, hindi ka makaka-earn ng experience sa Adventure mode at hindi ka makakatanggap ng SLP sa Arena mode.

Ang bilang ng iyong Energy at ang bilis ng pag-refill nito ay depende sa kung ilang Axie ang mayroon ka.

  • 3 to 9 Axies: 20 Energy. 5 Energies ang marerefill kada anim (6) na oras.
  • 10 to 19 Axies:  40 Energies. 5 Energies ang marerefill kada tatlong oras.
  • 20+ Axies: 60 Energies. 5 Energies ang marerefill kada dalawang oras.

Paano Kumita ng Pera sa Axie Infinity

Sa tuwing ikaw ay nananalo ng laban sa Axie Infinity, ikaw ay tatanggap ng SLP, na pupuwedeng maconvert sa Pesos. Siyempre, bago mo ito ma-redeedm, kailangan mo munang i-sync ang iyong data sa blockchain:

UPDATE MAY 20, 2021:

(Dahil nagmigrate ang Axie Infinity sa sarili nitong “sidechain”, hindi muna nirerekomenda ang pagtransfer ng SLP papalabas habang di pa updated ang “smart contract” ng mga nasabing crypto exchanges sa bagong “smart contract” ng SLP at AXS. Kung hindi mo ito naintindihan, magpaturo sa Axie Infinity PH Official Community.) 

  1. Magpunta sa Axie Infinity account dashboard.
  2. I-sync ang iyong SLP. (Makikita ang function na ito sa “Claim Tokens” na tab.) Ito ay magsysync sa iyong Ronin wallet.
  3. Itransfer ang SLP mula sa Ronin Wallet patungo sa iyong MetaMask wallet. 
  4. Magpunta sa BloomX Facebook page at sabihin na gusto mong mag encash ng SLP into Pesos. (Tignan ang article na ito para sa step by step.) Kapag binenta mo sa BloomX ang SLP, pwedeng mong makuha ang pesos sa GCash or sa iyong bank account. 
  5. Siguraduhin na tama ang SLP address na iyong pinagsendan. Tignan ang notes ng Axie regarding sa migration papuntang Ronin sidechain

Notes: Ang SLP na na-earn mo today ay pupuwede lang ma-encash matapos ang 12 na araw. Sabi ng Sky Mavis, na nag-develop ng Axie Infinity, ito daw ay para maiwasan at mapigilan ang mga bots.

As of May 18, 2021, sabi ng Sky Mavis ay magkakaroon daw ng exchange sa loob ng Ronin na gaya ng Uniswap.. Ito ngayon ay inaantabayanan ng mga players.

Maari ring pagka-kitaan ang pagbi-breed ng Axie, na ating tatalakayin sa ibang article. 

Strategy Para sa SLP Farming

Ang pinakamahalagang investment sa Axie Infinity ay ang oras mo sa paglalaro. Kahit hindi ka skilled, maara ka pa ring matuto at pwede mong matalo ang magagaling sa larong ito. 

And Axie Infinity ay may daily quests.

  • Buksan ang app isang beses isang araw
  • Manalo ng sampung (10) beses sa Adventure mode.
  • Manalo ng limang (5) beses sa Arena (PvP).

Sa pinakamababang level ng Adventure mode, maari kang magkaroon ng 1 SLP to 4 SLP. Pwede mong subukan ang mga mas mahihirap na stages depende sa level ng iyong Axie. Siyempre, ang matataas na stages ay magbibigay sa iyo ng mas mataas na SLP. Sa tantya ng mga manlalaro, maari kang makakuha ng atleast 25 SLP sa stage 1 to 10 ng Adventure mode.

Sa mababang rank naman sa Arena mode, maari kang magkaron ng 3 to 7 SLP kapag ikaw nanalo. Sa makatuwid, maari kang magkaron ng atleast 35 SLP sa Arena mode kada araw. 

Axie Infinity QuestAve. SLP earned
1) Daily Log-in
2) Win 10 battles in Adventure Mode25 to 100 SLP
3) Win 5x in the Arena (PVP)atleast 35 SLP in lower rankings
Reward for finishing the three daily quests50 SLP
Average SLP Earned Per Day100 to 200 SLP

Average SLP Earnings in Axie Infinity Arena depending on your ranking:

RankSLP
Under 800No SLP gained
800 to 9991 SLP per win
1000 to 19993 SLP per win
1200 to 12997 SLP per win
1300 to 15998 SLP per win
1600 to 17999 SLP per win
1800 to 199910 SLP per win
2000 to 219911 SLP per win
2200+12 SLP per win

Kapag nakumpleto mo yung tatlong (3) Daily Quest, bibigyan ka ng 50 SLP bilang reward.

Ibig sabihin pwede ka magfarm ng atleast 110 – 150 SLP kada araw. Sabihin nating nanalo ka ng 100 SLP ngayong araw, ito ang price ng SLP (screenshot ito nung January or February 2021, nakalimutan ko na. 🙂 )

Yan ay 4 pesos per 1 SLP. Naglaro ka ng Axie Infinity sa loob ng isa o dalawang oras, nakareceive ka ng 100 SLP, kumita ka ng Php 400. Yan ay mas mataas pa sa average minimum salary sa Pilipinas.

If I play Axie Infinity today and received 100 SLP as a reward, that’s Php 400.

Update: Noong mga unang linggo ng May 2021, umakyat ang presyo ng SLP (na ngayon ay tinatawag ng “Smooth Love Potion” sa $0.27 or 13 pesos.

Samakatuwid: 100 SLP x 12 = Php 1,200 earnings per day. Yan ay mas mataas pa sa kinikita ng regular na office worker sa Maynila.

Mahalagang Paala: Ano ang Catch?

Dahil ang SLP ay isa ring cryptocurrency gaya ng Bitcoin, ang presyo nila ay volatile. Ibig sabihin, mabilis tumaas at mabilis ding bumaba. Maaraing 13 pesos siya ngayong araw pero baka bukas ay 5 pesos na siya ulit. Pwede mong timing-an ang iyong pagcash-out kung kelan mataas ang palitan.

At higit na MAS MAHALAGANG PAALALA: Ang SLP na nakuha mo ngayong araw ay maari mo lang maencash pagkatapos ng 12 na araw. Sabi ng Sky Mavis, developers ng Axie Infinity, ito ay para ma-ensure na balanse ang in-game economy ng Axie.

Also, and this is more important: SLP earned today can’t be cashed out until after 12 days. It’s a complicated story, but that’s how the Axie Infinity team tries to make sure the SLP economy is balanced.

Totoo ba?

Ayon sa article ni Leah Callon Butler sa Coindesk, maraming mga Pilipino na nawalan ng trabaho sa Cabanatuan ay dumepende sa Axie Infinity upang magkaroon sila ng pera sa gitna ng pandemya. (Maari niyong panuorin ang video sa itaas ng article na ito, kung saan nagpunta si Leah sa Cabanatuan upang makilala ang mga taong nagbago ang buhay dahil sa paglalaro ng Axie Infinity.)

Tignan ang graph sa ibaba kung saan kinumpara ko ang kita sa 4-hour part time job at 4 hours na paglalaro ng Axie. SIyempre, hindi pa dyan kasama ang transaction fees.

Sa presyong $0.27 kada SLP, ito ang kita vs Minimum Daily Wage sa bansa:

Pag ikaw ay nagpunta sa Twitter at isearch ang #SalamatAxie makikita mo ang mga taong kumita at nakabili ng mga cellphone, tricycle, diaper, at pagkain dahil sa Axie. Mayron pa ngang nakabili ng bahay dahil dito.

Ano ang Axie Infinity Scholarships?

Kung ikaw ngayon ay pupunta sa Axie Infinity Marketplace, iyong makikita na tumaas na ang presyo ng mga Axie. Mas mataas pa sa presyo ng isang video game. Mura lang ang mga Axies dati ngunit dahil sa supply at demand, kasabay ng pagtaas ng presyo ng crypto, tumaas din ang presyo ng bawat isang Axie. 

Patuloy ding nagbabago ang game. Meron na ring $AXS token, ang governance token ng Axie. Magkakaroon din ng Land Gameplay. Kada araw ay dumadami pa ang naglalaro ng Axie kaya katulad ng community ng Magic the Gathering, tumataas o bumababa ang presyo ng mga Axie depende sa demand dito or sa utility nito sa games.

Dahil dito, nagkaroon ng tinatawag na Axie Infinity Scholarships. Ang mga bagong player na hindi kayang bumili ng sarili nilang Axie ay pinapahiram ng player na meron nito. Maghahati sila (kadalasan 60-40 or 70-30) sa SLP na maiipon, mas madaming porsyento ay sa “scholar”.

Hindi lang Axie ang ipinapahiram sa Axie Scholarships, tinetrain din ang mga player sa basics ng game at tips para manalo sa mga battles. Sa ganitong sistema, mas mahihikayat ang mga bagong manlalaro na subukan muna yung game bago sila maglabas ng pera. Sa makatuwid ang Axie Scholarship na mismo ang mag ririsk ng pag iinvest sa bagong player ng kanilang unang tatlong Axies.

Pahayag ni Peter Ing, na nagmamanage ng Axie Academy, isa sa mga kilalang Axie Scholarships sa ngayon:

“Axie Infinity scholarships are ultimately part of the overarching Axie Community. With the emergence of landplay in the future it won’t be long till we see micro communities turn into clans or guilds with a common purpose. Something as simple as language focus of a scholarship program could unify communities.” 

Examples of Axie Infinity Scholarships:

Axie Infinity Breeding Guide

Kailangan ng dalawang Axie para magbreed ng panibagong Axie. Following ethical reasons, hindi maaring magbreed ang parent Axie at ang kanyang child Axie. 

Requirements sa Axie Infinity Breeding:

  1. Hindi pwedeng magbreed ang parent Axie at child Axie (explained sa itaas.)
  2. Ang isang Axie ay maari lang magbreed up to 7 times.
  3. Ang breeding cost ay 2 AXS + SLP

Gaano kadaming SLP? Ito magdedepende kung ilang beses ng nagbreed ang Axie na balak mong gamitin. Tignan ang graphic sa ibaba:

Kung balak mong magbreed gamit ang dalawang Axie na hindi pa nagbreed dati (0/7), ang requirement ay 300 SLP. 

Kapag may bago kang Axie, maari mo itong gamitin o ibenta, or gamitin ulit sa pagbreed ng panibagong Axie. Ang breeding ay isa lamang sa mga paraan para magparticipate sa Axie Infinity.

Ito ba ay legit?

Ang Axie Infinity ay para lang ibang game na iyong nilalaro sa mobile phone. Ang kaibahan ay maari kang kumita dito ng crypto sa form ng SLP. PAALALA: Hindi inirerekomenda ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang crypto bilang legal tender, store of value, or investment vehicle.

Ang susunod ay excerpt sa panayam ng BitPinas sa BSP:

In a previous interview with BitPinas, the BSP said they view virtual currencies, in particular the technology behind it (blockchain), as having potential to transform the provision of financial services. Conversely, the BSP wants consumers to understand the risk posted by virtual currencies.”

(Maari mong ibenta ang iyong SLP sa BloomX, isang lisensyadong crypto exchange sa bansa.)

Bakit Masyadong Nakafocus sa Pagkita?

At bakit naman hindi? Dahil sa blockchain, ito ang kauna-unahang beses na ang mga gamers ay marerewardan dahil sa oras na ginugugol nila sa paglalaro ng isang video game. Dati rati, kahit gaano ka katagal maglaro ng Mobile Legends, kailangan mong mag-resort sa Real-Money Trading (RMT); ibebenta mo account mo para kumita.

Sa Axie Infinity at sa iba pang “Play-to-Earn” na games, maari mong ibenta ang iyong Axie kahit kailan mo gusto at hindi ka matatakot na may viniolate ka na terms of service. Sa mga “Free-to-Play” games, sa oras na tumigil ka sa paglalaro, hindi maibabalik ang pera na ginastos mo dito.

Axie Communities at Resources

Itong article na ito ay napublished sa BitPinas: [Tagalog] Play-to-Earn: Axie Infinity Filipino Guide

Share some Bitpinas love:
Follow on social and subscribe to our newsletter
Subscribe
Notify of
guest
7 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments

[…] Updated May 2021: Breeding Guide. Here’s the Tagalog version of this article. […]

[…] post [Tagalog] Play-to-Earn: Axie Infinity Filipino Guide appeared first on […]

[…] post [Tagalog] Play-to-Earn: Axie Infinity Filipino Guide appeared first on […]

[…] post [Tagalog] Play-to-Earn: Axie Infinity Filipino Guide appeared first on […]

[…] post [Tagalog] Play-to-Earn: Axie Infinity Filipino Guide appeared first on […]

[…] Tagalog version […]

[…] Upang malaman kung paano maglaro ng Axie Infinity, basahin ang aming Philippines Axie Infinity Guide in English at Tagalog.  […]

Michael Mislos

A business ad graduate from the Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Mike is the website manager of Bitpinas.com. He is responsible for almost every content you see on the site, from topic/news selection to editing of articles. Mike believes correct information about blockchain and cryptocurrency can empower people to make accurate decisions about the industry, which, in turn, should deter bad actors from taking advantage of crypto & blockchain. [Telegram @mikemislos]