‘NFT’, ‘Word of the Year’ ng Collins Dictionary

Share some Bitpinas love:

Translated by Arzen Ong from: NFT is Collins Dictionary’s Word of the Year

Kasunod ng malaking wave ng digital market nitong taon, ang abbreviation ng non-fungible token, ang ‘NFT’, ay ang tumalo sa mga salitang kagaya ng ‘crypto’ at ‘metaverse’ sa pagiging Top Word ng taong 2021.

Ang NFT ay kinilala bilang word of the year ng dictionary publisher na Collins ayon sa kanilang blog post na nai-published noong Nobyembre 24.

“Ang bukod-tanging digital certificate na nakarehistro sa isang blockchain, na ginagamit bilang talaan ng pag-aari ng isang asset kagaya ng artwork o  collectible,” ay ang depinisyong gamit ng Collins Dictionary sa salitang NFT.

Ang mga lexicographers na siyang nag-monitor ng 4.5 bilyong salita sa Collins Corpus, ang pumili sa word of the year. Ayon sa kanila, pinili nila ang NFT sapagkat nagpapakita ito ng “bukod-tanging paghahalo-halo ng sining, teknolohiya, at komersyo” na ayon sa kanila ay “bumasag sa ingay na dala ng Covid” at naging kilala sa buong mundo.

“Kakatwa para sa isang abbreviation na makaranas ng ‘meteoric rise’ sa paggamit nito, subalit ang aming nakalap na data mula sa Collins Corpus ang magpapakita ng katangi-tanging pagsikat ng NFT sa taong 2021,” ang sabi ni Alex Beecroft, Managing Director ng Collins Learning.

Kanya ring nabangit ang pagiging laganap ng NFT ngayong taon.

“Parang kahit saan ay makikita mo ang NFT, mula sa arts sections hanggang sa financial pages at maging sa mga galleries at auction houses pati na rin sa mga iba’t ibang social media platforms. Kung ang NFT man ay magkakaroon ng pangmatagalang impluwensya ay isang bagay na hindi pa natin natitiyak, subalit ang biglaang presenya nito sa mga talastasan at usapan sa buong mundo ang nagpapakitang ito nga talaga ang ating word of the year” dagdag ni Beecroft.

Dahil dito, natalo ng NFT ang dalawang tech-based na salita mula sa ’10 word of the year’ ng Collin’s shortlist: ito ay ang ‘crypto’ at ‘metaverse’.

Nasa pang-apat naman na pwesto ang salitang ‘crypto’, ang pinaikling salita ng cryptocurrency, na ayon sa Collins ay nagkaroon ng 468% na ‘usage percentage’ ngayong taon kumpara sa nakaraan.

Ang ‘Metaverse ay nasa ika-pitong ranking lamang. Ang salitang ito ay nanggaling kay Neal Stephenson mula sa kanyang 1992 novel na ‘Snow Crash’ na tumutukoy sa isang three-dimensional virtual world. At dahil sa pagre-rebrand ni Mark Zuckerberg ng kanyang kumpanyang Facebook bilang ‘Meta’, ang paggamit ng salitang metaverse ay tumaas ng 12 beses simula 2020.

Sa Pilipinas, marami na ring mga personalidad at mga grupong pumasok at sumakay sa waveng NFT gaya nila Nadine Lustre, Heart Evangelista, Pia Wurtzbach, Miss Universe Philippines, National Book Development Board (NBDB), Team Manila, at ang grupo ng mga artist na kilala bilang Mask on Buttons. Sila at marami pang mga Pilipino ang sumakay sa NFT wave sa kanilang paglahok o paggawa ng kani-kanilang mga NFT project.

Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: ‘NFT’, ‘Word of the Year’ ng Collins Dictionary

Share some Bitpinas love:

Crypto and Web3 Jobs Philippines

New on BitPinas: Web3 and Crypto Job Portal

Watch Next:

Binance Head of APAC responds to Infrawatch, reveals VASP license status:
Follow on social and subscribe to our newsletter
3 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments

[…] This article is also available in Tagalog: ‘NFT’, ‘Word of the Year’ ng Collins Dictionary […]

trackback

2mentioned

charles town races