Advertisement PDAX Banner

Cryptocryophobia (ang Takot sa Crypto Winter) – Cryptoday 086 – Tagalog

Photo for the Article - Cryptocryophobia (ang Takot sa Crypto Winter) - Cryptoday 086 - Tagalog

Nagsisimula ng bumaba sa zero ang temperatura sa cryptoworld. Nakikita natin ang Bitcoin na kinakalaban ang lumang paniniwala na ang pinakamababang point ng lahat ng bagong cycle ay dapat laging mas mataas sa all-time-high ng sinundan nito. Ang dating ATH nito noong 2017 ay nasa $19,600, habang nasa hindi komportableng posisyon naman ang Bitcoin permabulls sa $20,400 ngayong malamig na umaga ng Sabado.

Mistula namang hinahabol ng polar bears ang ibang crypto sa merkado.

Nariyan ang โ€˜hypothermicโ€™ na $ETH na nasa $1,086 (na ang dating ATH ay nasa $1,164), mistulang nagka-frostbite naman ang $SOL na nasa $30 (na ngayon ay mas mababa ng 89% mula sa kanilang ATH), at nariyan din ang $AXE na mistulang nasa โ€˜suspended animationโ€™ sa halagang $13.

Celsius Network

Habang patuloy natin tinatahak ang frozen wreckage na ito, may ilang pangalan na nagsisimulang pangunahan ang kasalukuyang crypto news cycle: Ang Celsius, 3AC, at ang buong industriya ng crypto lenders. 

Ano nga ba ang Celsius Network? Isa itong centralized wallet na tumatanggap ng crypto deposits mula sa mga customer nito kapalit ng kanilang pangako na magbigay ng maaasahang APY na maaaring umabot sa 9%. 

Advertisement PDAX Banner

Parang pamilyar ba? Oo, dahil halos katulad ito ng pamosong pangako ng Anchor Protocol para sa mga $UST deposits nito. 

Dito umikot ang buong problema sa Luna noong nakaraang buwan. 

Hindi naman bukod tangi sa Celsius o Anchor ang ganitong mga high-APY, Kaparehas lang din ito ng karamihan sa mga pangako sa crypto world sa ngayon. Tignan nyo na lamang ang BlockFi, Nexo, o ang Earn Tab sa Binance. Halos lahat ay kinakailangang magkaroon ng ganitong klase ng APY upang manatiling competitive. At noong bull market ng 2021, mistulang posible talagang makamit ang mga numero na kanilang pinapangako.

Ano nga ba talaga ang nangyari sa Celsius?

Isa sa kanilang istratehiya ay ang i-hold ang ETH ng kanilang mga customer at palitan ito ng bagong โ€˜contraptionโ€™ na tinatawag na stETH. 

Natatandaan nyo ba na ang Ethereum ay inaasahang magkaroon ng upgrade sa pangalawang version nito sa paparating na buwan? Bahagi ng upgrade na ito ay ang kakayahan ng mga tao na mag โ€˜lock upโ€™ ng kanilang ETH bilang antisipasyon sa bagong version nito upang makatanggap ng ETH bilang rewards. 

Ngayon, upang makasali dito, kinakailangan mo ng minimum na 32 ETH, subalit karamihan sa maliliit na traders ay walang ganitong halaga ng ETH. Dito ngayon pumapasok ang stETH. Sa huling bahagi ng 2021, ipinakilala ang stETH bilang bagong paraan upang makalikom o mai-โ€™poolโ€™ ang ETH ng lahat.  Ang ideya ay kinakailangan mong ideposito ang iyong ETH upang makatanggap ng token na tinatawag na stETH. 

Ang iyong naka-lock na ETH ay patuloy paring makatatanggap ng reward habang maaari mo namang i-trade ang iyong stETH gaya ng isang normal na token. 

Sa unang tingin ay mukha itong kahalintulad ng kung paano gumagana ang Tether, kung saan maaari kang mag deposito ng 1 USD at pagkatapos ay makatanggap ng 1 $USDT bilang kapalit. Hangga’t maaari mong ipalit ang 1 stETH para sa 1 ETH ay nananatili itong walang problema.

Sa isang punto ay umabot sa $450M ang halaga ng hawak na stETH ng Celsius, at humiram din sila ng stablecoin upang patuloy silang makapag-generate ng mas maraming returns para sa kanilang mga customer. 

Subalit dahil bumagsak ang presyo ng Ethereum sa ngayon, may mga hindi magandang bagay ang nagsimulang mangyari. 

Ang nangunguna rito ay ang pagiging hindi sapat ng collateral ng Celsius upang mabayaran ang perang kanilang hiniram. 

Pangalawa, at mas nakakabahala, ay ang stETH at ETH ay wala na sa 1:1 parity. 

Habang sinusulat ko ito, ang stETH ay 7% na mas mababang itinitrade kumpara sa tunay na ETH, nangangahulugan ito na nahihirapan ang merkado na mabawi ang kanilang tunay na Ethereum pabalik. 

Samantala, sinuspinde ng Celsius mismo ang lahat ng kanilang customer withdrawals habang patuloy nilag hinahabol na ma-stabilize ang kanilang finances. Kamakailan lang, napabalitang kumuha sila ng mga abogado upang i-restructure ang kanilang organisasyon. Sa pinakamataas na punto, mayroon silang pinanghahawakan $11B halaga ng customer deposit. (Basahin ang Decrypt coverage para sa karagdagng detalye.)

Three Arrows Capital

At hindi pa rito nagtatapos ang kwento. 

Kamakailan, ang Three Arrows Capital (3AC) ay naging bahagi rin ng news cycle, at hindi sa magandang paraan

Ang 3AC ay isang $10B crypto hedge fund na may halos isang dekada na sa industriya, nauna pa ito sa mga household crypto names tulad ng Ethereum at Solana. 

Pero ano nga ba ang isang hedge fund? 

https://bitpinas.com/feature/what-is-three-arrows-capital-luna-terra/

Ang hedge fund ay isang investment vehicle na pinangungunahan ng isang maliit na team ng mga propesyunal na investors na ginagamit ang mga depostis ng mga high-net-worth na indibidwal upang gumawa ng high-risk bets. 

Kung titignan mo ang listahan ng investments ng 3AC, kasama dito ang ilan sa mga kilalang pangalan sa cryptoworld: mga coins gaya ng Bitcoin at Terra, mga kumpanya tulad ng BlockFi at Acie Infinity, at mga protocols gaya ng Aave at Balancer. 

Ang 3AC ay isa sa pinakamalaking institutional borrowers sa space, at mukhang hindi nila kayang harapin ang kanilang mga debt obligations

Kanino ba sila may utang? Sa mga tao o institusyon gata ng Celsius Network, BlockFi, Genesis, atbp. Kapag bumagsak ang 3AC, magdudulot ito ng chain reaction sa lahat ng kumpanya na pinagkakautangan nito, dahil halos walang may kakayahang mag-spare ng cash sa ngayon.

Finblox

Isa sa di-inaasahang biktima ng problema ng 3AC ay ang batang startup na Finblox, na kamakailan ay nag-launch dito sa Pilipinas. 

Gaya ng karamihan sa kompetisyon nito, nagaalok ang Finblox ng 10% APY sa ilan sa kanilang crypto deposits, at nabanggit ko din sa aking Twitter ilang linggo na ang nakakaraan na ako ay โ€œnaghihintay sa na lalo pang mag mature ang kanilang produkto bago ako maglagay ng pondo dito.โ€ 

Mukhang nakaiwas ako sa di inaasahang pangyayaring ito, dahil nagsimula na silang mag-restrict ng withdrawals sa kanilang app hangang sa $1,500 na lamang kada buwan. 

Isinisisi nila ang sitwasyong ito sa 3AC. 

https://bitpinas.com/business/finblox-imposes-1-5k-monthly-withdrawal-limit/

Sa isang pribadong Twitter conversation, ipinaliwanag ko na gusto kong hintayin muna ang isang produkto ng mga โ€œilang taon para makasiguro ako na tunay itong battle-hardenedโ€ bago ako maglagay ng pondo dito, at sa kasamaang-palad isa ito sa mga kaso kung bakit isa itong magandang ideya. Dahil pagdating sa dulo, anong ikinaganda ng pagkakaroon ng 20% annual return kung nangangamba ka namang mawala ang 100% ng iyong posisyon?

Mga Magandang Balita sa Kabila ng Crypto Winter

Matapos kong sabihin ang lahat na ito, ang cryptowinter ay hindi lamang tungkol sa mga pagkatalo at capitulation. 

May iilang mga kumpanya, maaaring dahil sa magaling na pamumuno o talagang sinuwerte lang, ang nagkaroon ng malakas na posisyon: Ang Binance at ang Kraken ay kasalukuyang hiring para sa 2,500 katao, at ang Nexo naman ay may alok na bilhin ang natitirang asset ng karibal nito na Celsius. 

Kamakailan lang ay naglipat ako ng ilan sa aking personal na pondo papuntang Nexo, bilang pag subok ko na i-spread ang aking risk. Ang pondo ko ngayon ay naka-distribute sa 4 na centralized providers – Crypto.com, BlockFi, Neco, at Binance – pati narin sa mga decentralized liquidity pools gaya ng Sushi.com at syempre sa aking cold storage.

At kahit na magandang ideya na i-minimize ang risk sa panahon ng winter, importante rin na tandaan na ang crypto market ay mas malaki pa kumpara sa mga bilyong-dolyar na mga โ€˜failuresโ€™ na ito. 

Posible pa rin na sumobra tayo sa ating forecast dito sa crypto-apocalypse na ito. Sa ilang paraan, ang takot sa cryptowinter ay maaaring maging mas mapanira kumpara sa winter mismo. Tawagin natin itong cryptocryophobia. Sa madaling salita, ang lubos na pagbabawas ng risk at FUD ay maaaring magdulot ng pagkawala ng mga customer maging sa mga stable project at platforms. Kamakailan, ang cofounder nga Nexo na si Antoni Trenchev ay ikinumpara ang mga kaganapan nitong nakaraang buwan sa Panic noong 1907, isang makasaysayang collapse ng stock market na nagdulot sa pagkakabuo ng US Federal Reserve. 

TLDR, wag tayong tumigil sa pagbuo at sa pagaaral.

Magkita-kita tayo ulit sa susunod na Linggo, mga ka-crypto!

This article is published originally in English on Cryptoday and on BitPinas: Cryptocryophobia (ang Takot sa Crypto Winter) – Cryptoday 086 – Tagalog

Disclaimer: BitPinas articles and its external content are not financial advice. The team serves to deliver independent, unbiased news to provide information for Philippine-crypto and beyond.