Cryptoday 059 – Volatility – Ang Presyo Ng Oportunidad (Tagalog)

Share some Bitpinas love:

Malamang ay napansin niyo na ang dumadausdos na presyo ng mga cryptocurrencies nitong nakaraang linggo. Bumaba ang Bitcoin mula $68,000 hanggang $57,000 habang ang Ethereum naman ay bumaba din mula $4,800 hanggang $3,900. 

This opinion article translated into Tagalog by Arzen Ong of BitPinas is originally from Luis Buenaventura II’s Cryptoday Column here. The Tagalog translations of Cryptoday are published one day after the English version is out (two days for this piece). Luis is the country manager for the Philippines at Yield Guild Games, co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines, and founder of the Cryptopop Art Guild. For any comments and questions, please message Luis directly on Twitter.

Ang Paglago ng Crypto Market Ngayong 4th Quarter

Maging ang $AXS ay nadale rin at bumaba ng $123, ang pinakamababa nitong presyo simula pa noong Oktubre. Kapansin-pansin ito sapagkat naabot ng $BTC at $ETH ang kanilang ‘all time high’ ilang linggo lang ang nakakaraan. Sa katunayan, ang ibang coins gaya ng $YGG, $SAND, at ang $CRO ay patuloy pa ring tumataas ang presyo habang sinusulat ko ang newsletter na ito. Kaya naman sa kabuuan, maituturing na maganda ang paglago ng crypto market ngayong fourth quarter ng taon, kahit pa ba may 20% slide nitong mga nakaraang araw. 

Para sa mga ‘newcomers’ sa crypto markets, makabubuting inyong tandaan na ang volatility ang presyo ng oportunidad. Hindi uunlad ang merkado kung hindi ito makararanas ng pagtaas at pagbaba ng presyo. Tandaan na pinili mong pasukin ang mundo ng crypto dahil gusto mong mag-invest sa merkadong may mabilis na paggalaw at may potensyal ng malaking kitaan. Masasabi natin na ang mga linggo na kagaya nito ay ang kabayaran para sa ating tinatamasang mga oportunidad.

$CRO

Pag-usapan natin ng mabilis ang $CRO. Dalawang buwan na akong nag-istake ng $CRO kahit na hindi naman talaga ako ‘massive supporter’ ng Crypto.com (Dating Monaco). Sa katunayan, ginawa ko lamang iyon dahil ito lamang ang tanging paraan para magkaroon ako ng all-metal na Visa debit card. Kapag mayroon kang crypto-baked na debit card, hindi mo na kinakailangan pang i-trade sa peso ang crypto mo para maipangbili mo ito. Malaking tulong ito para sa mga Axie managers na naghahanap ng paraan kung paano nila mas madaling magagamit ang income nila. 

Kinailangan kong mag-stake ng $4,000 na halaga ng $CRO para sa “Jade Green” na crypto card, kaya naman ginawa ko ito kahit mabigat man sa aking damdamin. Ang nakakatuwa dito ay lumalabas na ito pala ang magiging pinakamatagumpay kong investment sa quarter na ito, dahil ang posisyon ko dito ngayon ay nasa $10,000 na. 

Inanunsyo kahapon ng Crypto.com na nakuha nila ang rights upang baguhin ang pangalan ng Staples Center ng LA Lakers na maging “Crypto.com Arena” sa halagang $700M. Gaya ng mga mayayaman nilang kompetisyon, malaking halaga din ang inilalabas ng FTX sa kanilang mainstream marketing ngayong taon. Silipin ang kabuuang lineup ng debit cards para sa Crypto.com dito (hindi lahat ay nangangailangan mag stake ng $CRO). Nais ko lamang na malaman nyo na hindi ko pa lubos na nasusubukan ang lahat ng kanilang serbisyo dahil sa mga issues tulad ng pagiging isang Philippine resident ko, ilang hindi pagkakaintindihan sa customer support, at ilang kakaibag software bugs. Kapag naresolba ko na ang lahat ng ito, susubukan kong ilipat ang lahat ng aking paggastos sa paggamit ng card para lubos ko itong mairekomenda sa inyo.

YGG.GUIDE

Ikinagagalak kong ianunsyo ang aking proyekto para sa mga players at managers ng YGG community. Matagal din nating pinag-isipan kung anong tulong ba ang maibibigay natin sa ating Filipino community, at ang madalas nating napapagtanto ay ang kakulangan sa mataas na kalidad na content sa ating lokal na lenguahe. Kaya naman sa tulong ng bagong tatag na YGG Pilipinas na ‘Ministry of Information’, ngayong araw ay ating ipinakikilala ang YGG knowledge portal! 

Bilang pasimula, mayroon tayong dalawang importanteng ‘gabay’ na maaari nyo ng mabasa: Sa mga players, mayroon tayong gabay sa pag-setup ng Ronin mobile app. At para sa naman sa mga managers, mayroon tayong gabay sa pagtatatag ng inyong guild. Ang mga gabay na ito ay mababasa sa Tagalog, Bisaya, Ilocano, Hiligaynon, at Ingles. Asahan na patuloy ang mga updates sa ating portal mga bagong content. Tatangap din tayo ng mga request mula sa ating komunidad para sa iba pang tanong na nais nilang masagot.

At dahil pinag uusapan ang YGG, ang presyo ng token nito ay lumagpas na sa $8, ang pinakamataas nito simula pa noong nakaraang Oktubre. Patuloy pa rin tayong naglalabas ng walang tigil na partnership announcements buong buwan, at bilang isang miyembro nito, medyo mahirap ng tandaan ang lahat ng mga games at project dahil na din sa sobrang dami nito.

CryptoHeart

Nagtapos ang ating NFT art collaboration kasama si Heart Evangelista sa isang kapanapanabik na auction kahapon kung saan maraming mga collectors ang naglabanan para sa dalawang art pieces, ang Pluviam at ang Desiderantium. Hindi ko nagawang alisin ang mga mata ko sa aking smartphone sa loob ng dalawang oras habang binabantayan ko ang resulta ng dalawang auction na ito at habang unti-unting nauubos ang oras. Ang naunang obra, ang Pluviam, ay nag-‘overtime’ ng tatlong beses, dahil ang kada bagong bid dito ay nag-extend sa auction countdown ng 10 minuto. Ng matapos ang auction, ang kabuuang inabot ng presyo ng mga obra na ito ay umabot sa 17.35 ETH o 3.6MM pesos. 

Binabati ko ang mga nagwaging bidders na sina Goldtree at AxieBoss! Lubos akong nagagalak sa suporta na ating natanggap mula sa lahat ng collectors. Nagulat din ako sa dami ng mga dumalo sa auction na ito. Unang beses kong makakita ng auction na ang kada bid ay napapalitan ng mas bagong bid na mula #CryptoPH. Lubos kong ipinagmamalaki ang kakayahan ng ating community na makapaglabas ng katumbas na halaga ng pera katulad ng  halaga na nilalabas sa tradisyunal na art… o maaaring higit pa! 

Mula sa kaibuturan ng aking puso, nagpapasalamat ako sa 4AA5C2, JanitorNiChizEscudero, Ownly.io, QuirkyNFT, AxieBoss, at kay Goldtree. WAGMI!

Kita kita ulit tayo sa susunod na linggo mga ka-crypto!

Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Cryptoday 058 – Volatility – Ang Presyo Ng Oportunidad (Tagalog)

Share some Bitpinas love:
Follow on social and subscribe to our newsletter
Subscribe
Notify of
guest
9 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments

[…] Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Cryptoday 058 – Volatility – Ang Presyo Ng Oportunidad (Tagalog) […]

[…] Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Cryptoday 058 – Volatility – Ang Presyo Ng Oportunidad (Tagalog) […]

[…] Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Cryptoday 058 – Volatility – Ang Presyo Ng Oportunidad (Tagalog) […]

[…] This article was published in BitPinas: Cryptoday 058 – Consistency – Price of Opportunity (English) […]

[…] artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Cryptoday 058 – Volatility – Ang Presyo Ng Oportunidad (Tagalog) Share some Bitpinas […]

[…] nakaraang Cryptoday, isinulat ko ang hirap na aking pinagdaanan sa pagkuha at paggamit ng Crypto.com debit card. […]

[…] nakaraang Cryptoday, isinulat ko ang hirap na aking pinagdaanan sa pagkuha at paggamit ng Crypto.com debit card. […]

[…] Past Cryptoday, I wrote about the difficulties I went through to get and use the Crypto.com debit card. I face a […]

[…] Past Cryptoday, I wrote about the difficulties I went through to get and use a Crypto.com debit card. I face a […]

Luis Buenaventura II

    Luis started working in the Bitcoin space in 2014 and, with his startup Bloom, focuses on bringing the blockchain to remittance businesses around the world. He authored the book "Reinventing Remittances with Bitcoin," which collects strategies and stories about the fast-growing blockchain remittance industry. (https://bit.ly/remitbook). Bloom recently launched a new app BloomX to cater to the modern Filipino crypto investor. His writing on cryptocurrencies has been featured on online publications including Quartz, Techcrunch, and The Next Web.