Cryptoday 061 – Ilang Mga Update (Tagalog)

Share some Bitpinas love:

Sa pagpasok natin sa huling buwan ng 2021, napansin kong nagiging busy ang lahat ng bagay na kasalukuyan kong pinagtutuunan. Ginawa ko itong maikling update post ngayong araw para pag-usapan ang lahat ng mga proyektong ito at pasalamatan na rin lahat ng taong nag-ambag dito. Pagpasensyahan niyo na kung medyo maikli ito, marami kasi tayo ngayong ginagawa!

This opinion article translated into Tagalog by Hans Doringo of BitPinas is originally from Luis Buenaventura II’s Cryptoday Column here. The Tagalog translations of Cryptoday are published one day or two days after the English version is out. Luis is the country manager for the Philippines at Yield Guild Games, co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines, and founder of the Cryptopop Art Guild. For any comments and questions, please message Luis directly on Twitter.

Yield Guild Games

Nagpasok ang YGG ng walong (8) bagong tauhan ngayon at bumuo ng bagong kagawaran, ang ‘Ministry of Information’. Ang pangunahing layunin ng MOI ay gumawa ng mga educational content para sa ating komunidad at gabayan ang mga bago nating miyembo sa pagpasok sa mundo ng crypto at P2E. Ang ating player portal ay matatagpuan sa https://ygg.guide. Ang layunin ay gawin itong depinitibong gabay sa lahat ng impormasyong kakailanganin ng mga Pilipino upang maging maalam na mamamayan ng metaverse. Marami akong mga ideya na nais kong ibahagi sa inyo sa darating na 2022 at nasasabik na akong i-anunsyo ang pinaka-kapanapanabik sa mga ito.

NFT

Naglabas din ako ng NFTart collaboration kasama si Heart Evangelista pati na rin ang 9 years old ‘wunderkind’ na si Sevi Agregado, at parehong naging matagumpay ang mga ‘drops’ na ito.

May isa pa akong collaboration na posibleng ilabas sa pagtatapos ng taon pero ‘wag muna natin itong i-’jinx’, kaya’t iyan na lang muna ang masasabi ko ngayon. Puno na halos ang kalahati ng aking ‘drop calendar’ para sa 2022 at wala pa rito ang mga personal kong proyekto.

Cryptopop Art Guild

Nakapag-‘stream’ ang Cryptopop Art Guild ng PITONG mentoring sessions (Maraming salamat muli kina Caroline Dy at Cody Hernandez!), at nitong nakaraang linggo ay inilunsad natin ang ating bagong ‘guild lending program’. Ang sponsor nito ay ang ating mga kaibigan mula sa OPGames (Maraming salamat sa inyo Chase Freo at Paul Gadi!), tumanggap ang ating guild ng $50,000 halagang grant at ginagamit natin ang pondong ito upang tulungan ang ating mga guild members na makabili ng mas-magagandang mga art equipment.

Hindi libre ang perang ito; pinapautang natin ang funds sa interest rate na 12% p.a., at ang mga bayad ay nanggagaling naman sa kinikita ng mga players mula sa paglalaro ng Axie Infinity o ang kanilang SLP. Sa ngayon ay nakapaglabas na tayo ng $10,000 na kabuuang grant, at nagpo-proseso na rin tayo ng mga bagong batch nito kada linggo. Parte ito ng ating long-term experiment na inaasahan kong sasagot sa tanong na “maaari bang mai-collaterarize ang personal na utang gamit ang regular income mula sa metaverse?” Kapag naging positibo ang resulta ng ating CPAG version ng lending program na ito, naniniwala akong marami pang generalized version nito ang makikita natin sa iba pang mga guilds. 

Sa business side naman, may mga pinaplantsa na tayong mga bagong deal para sa mga bagong play-to-earn game na tiyak kong mae-enjoy ng ating mga artist sa mahabang panahon. Maraming magagandang bagay tayong dapat abangan sa susunod na taon!

Crypto Markets

Nananatiling paring nasa tight range ang trading sa crypto markets ngayong linggo. Habang ang Bitcoin ay nananatili pababa ng $60k, ang Ethereum naman ay unti-unting bumawi pabalik ng $4,800 bago tuluyang bumagsak pabalik ng $4,500. Naging maganda naman ang performance ng $YGG nitong mga nakaraang araw subalit bahagyang nawalan ng momentum. Sa ngayon ay nasa $8 ang presyo ng $YGG. Hirap namang makabalik ang $AXS sa $140 range nito, habang bumabagsak na naman ang $SLP pababa ng Php 3.00 ($0.05). Nitong Nobyembre 29, ang ‘daily active user count’ ng Axie Infinity ay nasa 2.6 Milyon na players lamang at nasa 2.8 M naman ang mga nagmamay-ari ng mga Axie. Medyo mas mababa ito kumpara sa all-time-high nito na 2.7 Milyon na daily active users, pero masaya parin akong makita ang patuloy na pagdami ng bilang ng mga nagmamay-ari ng mga Axie. 

Umaasa pa rin ang komunidad na maglalabas ng isang malaking year-end update ang Sky Mavis; at malamang ay magiging isang game update ito, o posibleng ring anunsyo kung kailan natin maaaring simulan na mai-trade ang $RON token.

Kita kita ulit tayo sa susunod na linggo mga ka-crypto! Isang mapagpalang weekend para sa inyong lahat!

Addendum: Ang update ni Luis pagkatapos lalo pang bumagsak ng crypto market:

Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Cryptoday 061 – Ilang Mga Update (Tagalog)

Share some Bitpinas love:

Crypto and Web3 Jobs Philippines

New on BitPinas: Web3 and Crypto Job Portal

Fastbreak News:

Follow on social and subscribe to our newsletter
8 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments

[…] Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Cryptoday 061 – Ilang Mga Update (Tagalog) […]

[…] This article was published in BitPinas: Cryptoday 061 – Other Changes (English) […]

[…] Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Cryptoday 061 – Ilang Mga Update (Tagalog) […]

[…] This article was published in BitPinas: Cryptoday 061 – Other Changes (English) […]

[…] This article was published in BitPinas: Cryptoday 061 – Other Changes (English) […]

[…] Source link […]

[…] Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Cryptoday 061 – Ilang Mga Update (Tagalog) […]

trackback

1saracen