Cryptoday 062 – Magkita-kita tayo sa Cabanatuan! (Tagalog)

Share some Bitpinas love:

Sa Disyembre 11, babalik ang YGG Pilipinas sa lugar kung saan nagsimula ang Axie Infinity ‘phenomenon’ sa bansa. Tayo ay magho-host ng 3-hour meet-and-greet na gaganapin sa second level ng SM City Garden Park sa Cabanatuan City. Kaya kung nais ninyong makita sina Gabby, Kookoo, Nate, Shanks, Spraky, at Sedano, magsama-sama tayo at maghang-out dito! 

This opinion article translated into Tagalog by Hans Doringo of BitPinas is originally from Luis Buenaventura II’s Cryptoday Column here. The Tagalog translations of Cryptoday are published one day or two days after the English version is out. Luis is the country manager for the Philippines at Yield Guild Games, co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines, and founder of the Cryptopop Art Guild. For any comments and questions, please message Luis directly on Twitter.

YGG sa Cabanatuan

Magsisimula ang programa ng 5 ng hapon, ngunit asahan na ang aming pagdating isang oras bago pa ito magsimula. Marami tayong papremyo at pa-give away, Mamimigay tayo ng ilang Axie, mga YGG merchandise, at ilang eksklusibong imbitasyon para sa isang private dinner pagkatapos ng event. Ako ang mamamahala sa production side ng event na ito, kaya kung may makita kayong nakasuot na black shirt at YGG medallion, na mukhang kinakabahan pero nakangiti pa rin, malamang ako iyon.

YGG Event sa Inyong Lugar

Ang event na ito ang kauna-unahan nating malakihang meet-and-greet sa ngayon at maaasahan niyong ipagpapatuloy natin ang mga ganitong event sa kabuuan ng 2022, depende kung may pagbabago sa health protocols. Kung isa kang Axie player o manager sa isang provincial city, ikwento mo naman sa amin ang kaganapan sa inyong komunidad at baka planuhin namin na gumawa ng event sa inyong lugar sa mga susunod na buwan!

Market Report

Alam niyong gusto ko ding magbahagi sa inyo ng mas masayang market report, pero alam natin na nasa ‘red territory’ pa rin tayo tulad noong nakaraang Biyernes. 

Palagay ko ay hindi magkakatotoo ang Bitcoin stock-to-flow (S2F) na modelo ngayong taon. Kung hindi kayo pamilyar sa S2F, isa itong popular na financial model na sinusubukang i-forecast ang presyo ng Bitcoin sa mga susunod na taon. Ang orihinal na prediksyon nito ay aabot daw ang presyo ng Bitcoin sa $135,000 bago matapos ang taon, subalit na-adjust na ang prediksyon ito pababa sa $100,000

Maraming Bitcoin enthusiast ang naniniwala sa S2F model, sa sobrang tiwala nila dito ay ginagawa na nila itong standard sales pitch para sa newbies. Medyo may pagka-quasi-academic b.s. ang modelong ito  kung ako ang tatanungin. Kaya maganda na magkaroon tayo ng definitive data para sa wakas ay ma-invalidate na ang modelong ito.

Bakit Pula ang Merkado

Kung nagtataka kayo kung ano ang dahilan sa likod ng late-year dump na ito, karamihan sa mga analysis ay nagsasabing mga macro global events daw ang dahilan. Isa na rito ang pag-default ng Evergrande at Kaisa sa China. Nagdudulot ito ng malakihang liquidation mula sa tradisyunal na market, na nagkaroon naman ng domino effect sa mga highly-leveraged parts ng crypto market

Sa pangkalahatan ay maayos naman ang performance ng crypto industry (ang Sky Mavis Dev update ang isang magandang halimbawa nito), subalit napakarami lang talagang negatibong ‘externalities’ na nagaganap ngayon. 

Naalala ko, tatlong taon na ang nakaraan, gumawa ako ng isang cartoon art tungkol sa malaking late-year dump na naganap noong taon na iyon. Narito ang ginawa kong Nightmare Before Christmas parody. Ang kakatwa dito ay mukhang mas tugma pa yata ang art na ito sa mga nangyayari ngayong taon. (Kasalukuyan itong available bilang isang 1/1 NFT sa aking Makersplace Page para sa ating mga Cryptopop completionist na interesado.)

Magkita-kita tayo sa Cabanatuan, mga ka-krypto! 

Ang artikulong ito ay inilathala sa BitPinas: Cryptoday 062 – Magkita-kita tayo sa Cabanatuan! (Tagalog)

Share some Bitpinas love:

Crypto and Web3 Jobs Philippines

New on BitPinas: Web3 and Crypto Job Portal

Watch Next:

Binance Head of APAC responds to Infrawatch, reveals VASP license status:
Follow on social and subscribe to our newsletter
9 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments

[…] This article was published in BitPinas: Cryptoday 062-Meet me at Cabanatuan! (Italian) […]

[…] This article was published in BitPinas: Cryptoday 062-Meet me at Cabanatuan! (Italian) […]

[…] This article was published in BitPinas: Cryptoday 062-Meet me at Cabanatuan! (Italian) […]

[…] This article was published in BitPinas: Cryptoday 062-Meet me at Cabanatuan! (Italian) […]

[…] This article was published in BitPinas: Cryptoday 062-Meet me at Cabanatuan! (Italian) […]

[…] Ang artikulong ito ay inilathala sa BitPinas: Cryptoday 062 – Magkita-kita tayo sa Cabanatuan! (Tagalog) […]

[…] Ang artikulong ito ay inilathala sa BitPinas: Cryptoday 062 – Magkita-kita tayo sa Cabanatuan! (Tagalog) […]

trackback

2kingdom