Cryptoday 065 – 2021 Crypto Year in Review (Tagalog)

Share some Bitpinas love:

Mga bagong ATH, ang Axie Infinity phenomenon, ang pagsali sa YGG, surpresang pagkakadiskubre ng porn sa website ng isang government agency, pagsisimula ng Cryptopop Art Guild … ito ang ating Cryptoday 2021 Year-ender.

This opinion article translated into Tagalog by BitPinas is originally from Luis Buenaventura II’s Cryptoday Column here. The Tagalog translations of Cryptoday are published one day or two days after the English version is out. (This one came out four days later.) Luis is the country manager for the Philippines at Yield Guild Games, co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines, and founder of the Cryptopop Art Guild. For any comments and questions, please message Luis directly on Twitter.

Ang Crypto Bull Run

Hindi sapat na sabihing ‘crazy’ ang taong 2021 pero dito tayo magsisimula. Ang 2021 ay ‘crazy year’ para sa crypto. Para sa panghuli kong Cryptoday ngayong taon, magbabalik-tanaw ako sa mga pangyayari ngayong taon at isusulat ko na rin ang aking mga prediksyon sa mga magaganap sa 2022.

Karamihan marahil ang nakalimot na ang bull run cycle ng taon ay nagsimula noong Q4 ng 2020, kung saan nag-‘cap’ang Bitcoin sa $30,000. Nagawa nitong doblehin ang naturang halaga na umabot sa nakakalulang $67,000 na ATH noong Nobyembre 2021. Pumapangalawa dito ang Ethereum na nagsimula sa <$1,000 ngunit kalaunan ay mabilis ding narating ang ATH nito na $4,100 noong Mayo na sinundan naman ng mahaba-habang pag-‘retrace’ ng halaga nito na muli lamang nakabawi nitong Nobyembre sa $4,800. Ngayon, malayo sa kanilang orihinal na ATH ang dalawang crypto na ito subalit nananatili parin silang ‘net-positive’ sa taong ito.

$SOL at $AXS

At kasama naman sa billion-dollar club, ang dalawang coins na ito ang nagsisilbing depinisyon ng ‘supercyle’ na ito: nariyan ang $SOL at ang $AXS. Ang dalawang coins na ito ay maituturing na ‘best in class’ sa kani-kanilang mga larangan: high-throughput na layer 1 sa kaso ng Solana, at play-to-earn economics naman para sa Axie Shards. Parehong nilang sinimulan ang taon sa presyong malapit sa $1.00 ($0.50 para sa AXS) at pareho ring lumobo ng mahigit sa 100x para sa kanilang mga investors.

Nagsimula rin ang Cardano sa parehong sitwasyon. subalit nabigo itong magkaroon ng mga technological differentiators na kinakailangan upang mapanatili ang interes ng merkado. Tinapos ng $ADA ang 2021 sa pagkakaroon ng 6x na halaga, habang ang mas nakababata nitong karibal na ‘Avalanche’ ay nakaranas ng 10x, na sa unang pagkakataon ay umabot sa halagang $100 nitong Nobyembre ng taon at nananatiling malapit dito ang kanyang presyo hanggang sa pagtatapos ng taong ito.

Axie Infinity

Malamang, ang pinakamalaking kwento ng 2021 ay tungkol sa Axie Infinity, at ilang beses ko na ring pinag-usapan ang paksang ito sa mga nakaraang newsletters. Kaya naman nagdesisyon akong bigyan-diin lamang ang dahilan kung bakit napakalaking bagay nito para sa aming mga crypto old-timers.

Noong Mayo ng 2018, dumalo ako sa Consensus NYC at habang pinapanood ko ang debate sa pagitan ng kilalang Bitcoin maximalist na si Jimmy Song at ng Consensus founder na si Joe Lubin, nagkasundo silang dalawa na magpustahan. Para sa halagang $500,000, ang pinagpustahan nila na sa loob ng susunod na apat na taon, hindi daw magkakaroon ng kahit anong Ethereum app na na aabot sa 10,000 Daily Active Users (DAU).

Hindi pa natin malalaman ang resulta nito hanggang sa susunod na taon, pero kawili-wili para sa akin ang pagkakaiba ng crypto community noon kumpara sa ngayon. Dati, para sa isang average na ‘bitcoiner’, malayong magkaroon ng malaking epekto sa merkado ang isang DeFi, P2E, o NFTart. Sinasalamin nito ng nahahating opinyon sa social media tungkol sa nabanggit na pustahan.

Sa panahon ngayon, tatlong taon matapos ang nasabing pustahan, hindi na nakakagulat ang makakita ng napakaraming app na umaabot ng 10k DAU  hindi lamang sa Ethereum, kundi maging sa mga mas batang blockchains tulad ng BSC, Solana, at Avalanche. Kung sakaling matalo si Jimmy Song sa nasabing punstahan – at mukhang ito na nga ang nangyayari dahil nakakakita tayo ng mahigit 2M DAU mula sa Axie Infinity pa lang – mag-iiwan ito ng marka sa kasaysayan bilang pinaka-‘quantifiably-incorrect’ na pananaw o hula na ginawa tungkol sa dynamics ng crypto adoption.

Personal na Year in Review

Naging umaatikabo rin ang 2021 para sa personal kong buhay. Noong Enero, pinasinayaan natin ang BloomX sa isang ‘soft-launch.’ Ang BloomX ay isang retail crypto trading website na ginawa gamit ang Binance technology. 

Noong Marso, ang ating NFTart collaboration kasama si Jose Delbo ay nakalikom ng $400,000 sa NiftyGateway

Sa sumunod na buwan, ang ating CurioCards na proyekto ay lumobo at naging popular sa Opensea, kung saan umabot sa $100M ang total sales volume nito. 

Noong Mayo, nagretiro na ako sa BloomCast, ang hino-host kong crypto news show kada Martes, kasabay ng pagsisimula ng lockdown. Umabot din ang programang ito sa 48 na nakakapagod ngunit masayang mga episodes. 

Noong July, natuklasan ko ang isang lihim na pornograpiya sa isang opisyal na government website, nangyari sa kalagitnaan ng aking pagla-lobby para sa ikaluluwag ng regulatory sa pag-import ng mga Trezor hardware wallets. 

Noong Setyembre, iniwan ko narin ang aking posisyon sa ating start-up na BloomX at sumali naman tayo sa Yield Guild Games bilang Country Manager ng Pilipinas

Sa buwan ding iyon, sinimulan ko ang Axie Archipelago Project at ang Cryptopop Art Guild (CPAG), isa itong bagong guild concept na sumusuporta sa 200 underprivileged Filipino artists sa pamamagitan ng pagkakaroon ng Play-to-earn income habang tinutulungan natin silang magtagumpay bilang NFT artist. 

Noong Oktubre, gumawa ng kasaysayan ang CurioCards bilang kauna-unahang art collection na nai-auction sa Christies kapalit ng ETH, kung saan ang winning bid dito ay lumampas sa halagang $1M. 

Noong Nobyembre, ang collaboration natin kasama si Heart Evangelista ay nai-auctioned rin sa Opensea kung saan umabot ang halaga nito sa 3.6M pesos

At panghuli, ngayong Disyembre, nakalikom tayo ng mahigit 1 milyong dolyar na halaga ng donasyon para sa mga biktima ng Bagyong Odette, na sumira ng mahigit 50,000 tahanan dito sa Pilipinas. Ang ating opisyal na anunsyo ay ilalabas pagkalipas ng Enero 1, subalit ngayong umaga ay umabot na ang naipadala nating financial assistance sa mahigit 1,600 na apektadong pamilya sa buong bansa.

Prediksyon para sa 2022

Mabalik tayo sa merkado: saan nga ba patungo ang crypto sa 2022? Maaari tayong makakita ng pagtaas nito ngayong Enero kasabay ng pag-acquire ng mga institutional traders ng mga bagong posisyon sa merkado. 

Gayunpaman, sa tingin ko ay makakaranas pa rin tayo ng ‘flat market’ sa unang bahagi ng taon. Naniniwala pa rin ako na ang Ethereum 2.0 ang magpapasimula ng bagong hype cycle sa merkado kasabay ang bagong pananaw ng mainstream media sa blockchain bilang “environmental friendly.” 

Ang play-to-earn space din ay kasalukuyang nakakaranas ng sarili nitong hype cycle ngunit hindi nga lang kasingbilis ng sa mas malawak na crypto world. 

Sa pagpasok ng 2022, magsisimula ng mamunga ang malaking perang pumasok sa play-to-earn space. Kabilang sa aming roadmap sa YGG Pilipinas ang ilan sa pinakapambihirang bagay na personal kong tinulungan i-conceptualize, at mayroon ding tayong mga kapanapanabik na mga development sa AxieArchipelago, CPAG, at sa aking mga personal na art collaborations na sabay sabay ring nagaganap. Magmimistulang dress rehearsal lang ang 2021 kumpara sa mga pasabog na lalabas sa Q1 ng 2022!

Magkita-kita ulit tayo sa susunod na taon, mga ka-crypto! Umaasa akong gagamitin ninyo ang panahong ito upang magbalik-tanaw sa inyong 2021 at isipin kung ano ang inyong magiging layunin para sa taong 2022. Sama-sama tayo sa paglalakbay na ito, at laging tandaan, WAGMI!

Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Cryptoday 065 – 2021 Crypto Year in Review (Tagalog)

Share some Bitpinas love:
Follow on social and subscribe to our newsletter
13 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments

[…] This article was published in BitPinas: Cryptoday 065 – 2021 Crypto Year in Review (Tagalog) […]

[…] Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Cryptoday 065 – 2021 Crypto Year in Review (Tagalog) […]

[…] Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Cryptoday 065 – 2021 Crypto Year in Review (Tagalog) […]

[…] post Cryptoday 065 – 2021 Crypto Year in Review (Tagalog) appeared first on […]

[…] This article was published in BitPinas: Cryptoday 065 – 2021 Crypto Year in Review (Tagalog) […]

[…] This article was published in BitPinas: Cryptoday 065 – 2021 Crypto Year in Review (Tagalog) […]

[…] This article was published in BitPinas: Cryptoday 065 – 2021 Crypto Year in Review (Tagalog) […]

[…] Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Cryptoday 065 – 2021 Crypto Year in Review (Tagalog) […]

[…] This article was published in BitPinas: Cryptoday 065 – 2021 Crypto Year in Review (Tagalog) […]

[…] Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Cryptoday 065 – 2021 Crypto Year in Review (Tagalog) […]

[…] Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Cryptoday 065 – 2021 Crypto Year in Review (Tagalog) […]

trackback

3portion