Advertisement PDAX Banner

Cryptoday 067 – Masama nga ba sa Kalikasan ang NFT Art? (Tagalog)

Photo for the Article - Cryptoday 067 - Masama nga ba sa Kalikasan ang NFT Art? (Tagalog)

Maraming mga online community ang nagpahayag ng kanilang pagkagalak at pagkainis sa aking papalapit na NFT art drop kasama ang Trese artist na si Kajo Baldesimo. Kinontak din ako ng author ng Trese na si Budjette Tan at tinanong kung ano ang aking opinyon tungkol sa isa sa pinakamalaking kritisismo ng NFT art โ€“ ang impact nito sa kalikasan โ€“ at naisip ko na ito ang tamang panahon para na rin maipaliwanag ko kung paano gumagana ang blockchain, partikular na ang Ethereum, sa paksang ito.

This opinion article translated into Tagalog by BitPinas is originally from Luis Buenaventura IIโ€™s Cryptoday Column here. The Tagalog translations of Cryptoday are published one day or two days after the English version is out. (This one came out three days later.) Luis is the country manager for the Philippines at Yield Guild Games, co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines, and founder of the Cryptopop Art Guild. For any comments and questions, please message Luis directly on Twitter.

Photo for the Article - Cryptoday 067 - Masama nga ba sa Kalikasan ang NFT Art? (Tagalog)

Kritisismo sa Ethereum

Puntahan muna natin ang sentro ng usapan: Ang industriya ng NFT art, sa pangkalahatan, ay ginawa sa loob ng Ethereum blockchain. Ang Ethereum at ang iba pang mga proof-of-work blockchain ay kumukonsumo ng napakaraming kuryente. Ang Ethereum talaga ang tunay na binabatikos ng mga kritiko ng carbon footprint ng NFT art (ang impact nito sa kalikasan). Limang taon na ang nakararaan, ito rin ang puna nila sa Bitcoin. (Sa katunayan, binabatikos pa rin nila hanggang ngayon ang Bitcoin. Sinusubukan nang i-track ng Digiconomist portal ang carbon footprint ng Bitcoin bago pa man sumikat ang mga NFT). 

Hindi ganoong kadetalyado ang research tungkol sa environmental impact ng Ethereum, subalit dahil isa itong PoW blockchain gaya ng Bitcoin, madali tayong makagagawa ng reasonable assumptions tungkol sa impact nitoโ€ฆ. Kaya nga ba natin? Well, medyo lang. Dahil mahalaga ang pagiging โ€˜accurateโ€™ pagdating sa ganitong klase ng mga data, kailangan nating tanggapin na lahat ng research pagdating sa area na ito ay base lamang sa mga โ€˜estimateโ€™ at โ€˜extrapolationโ€™. Pero bakit ganoon? Sapagkat hindi mo maaaring accurately na ma-calculate ang carbon footprints kung hindi mo alam kung paano nage-generate ang kuryenteng ginagamit para dito.

Ang Crypto Mining Industry

Kilala ang crypto mining industry sa pagiging malihim pagdating sa pinanggagalingan ng kanilang power o kuryente. Kaya naman ang tiwala sa carbon footprint analysis ay hindi ganoon kataas. Ang isa sa mga mas magagandang research piece tungkol sa paksang ito ay nanggaling sa artist na si Kyle McDonald. At gusto ko ang isa sa kanyang mga konklusyon tungkol dito: 

Advertisement PDAX Banner

โ€œKung tama ang mga bilang na ito, kumokonsumo dapat ang Ethereum ng 23 terawatt hours kada taon. Maaaring malaki ang bilang na ito kung ating pakikinggan lalo na kung ikukumpara mo ito sa isang buong bansa gaya ng Ecuador. O kaya naman maaari mo ring akalain na maliit ang bilang na ito kung ikukumpara mo naman ito sa kuryenteng nakokonsumo sa USA dahil tatlong beses na mas malaki pa dito ang kanilang nakokonsumo sa panonood pa lamang ng telebisyon kada taon. Saan ba natin talaga dapat ikumpara ito? Halos walang katulad ang ganitong โ€œworld computer slash cryptocurrencyโ€ sa ating pang-araw-araw na buhay.โ€

Impact ng Ethereum sa Lipunan

Maliban sa pagkunsumo ng enerhiya ng Ethereum, may isa pang bagay tayong malamang na pinagkakasunduan: Halos walang katulad ang Ethereum kung ang pag-uusapan ay ang impact nito sa lipunan

Hindi pa tayo nagkakaroon ng decentralized platform na nagpapagana sa napakaraming klase ng mga business concept, at kahit na marami ang nais agawin ang trono ng Ethereum, masasabi nating karamihan sa mga innovation ay unang naganap sa Ethereum. Mga hindi kapani-paniwalang konsepto gaya ng mga decentralized lending protocol, mga automated market-maker, ang NFTart, at maging ang play-to-earn gamingโ€ฆ lahat ng ito ay naging posible dahil sa pagpo-program ng mga smart contracts sa Ethereum.ย 

At kung kinakailangan ko pang lalong linawin ito: kailangan nating tanggapin na nangangailangan talaga ng malaking pagkonsumo ng enerhiya upang magkaroon tayo ng breakthrough pagdating sa science at technology. Gaano kalaking enerhiya, sa tingin mo, ang kinakailangan upang makapag-launch tayo ng isang satellite sa upper atmosphere? Pero mistulang wala akong naririnig na argumentong nagsasabing masama para sa sangkatauhan ang pagkakaroon ng global satellite service na gaya ng Starlink.

Ang Ethereum Blockchain ay Parang Isang Tren

Habang nagsasaliksik ako tungkol sa paksa ng ating newsletter ngayong araw, may nakita akong isang makaagaw-pansing analogy tungkol dito. Hayaan niyong iparaphrase ko ito dito:

Ang Ethereum blockchain ay parang isang tren. Tumatakbo ang tren na ito sa loob ng 24/7/365, hindi ito humihinto, at lagi rin itong puno. Sa katunayan, sa sobrang puno nito ay may mga pasahero na handang magbayad ng mas mahal para lang makasiguro na makasakay sila. 

Ang bawat pasahero sa train na ito ay isang Ethereum transaction. Alam naman nating maraming pwedeng maging anyo ang Ethereum transaction na ito: maaring pagpapadala ito ng pondo mula sa isaโ€™t isa, maaari rin itong mga token na kasalukuyang nai-issue o nabu-burn, pwede rin itong mga lending contract na kasalukuyang ine-execute, o mga identity proof na kasalukuyang ibinabahagi, at oo, maaari din itong mga NFTart na na kasalukuyang mini-mint ng creator nito.ย 

Ipinaliwanag ni Duncan Cock Foster, ang co-founder ng Niftygateway, na โ€œSa tingin ko ay importanteng maintindihan natin na ang dami ng enerhiya [na kinukunsumo ng Ethereum] ay hindi nagbabago depende sa kung gamitin mo man ito o hindi.โ€œ Napakalaking argumento ang magaganap kung ipipilit mo na mayroong direktang link sa pagitan ng isang taong nagmi-mint ng NFT at sa patuloy na pagtaas ng greenhouse gases dahil malinaw na isinasantabi mo ang katotohanang ang NFT art ay isa lamang sa mga pasahero ng napakalaki at laging punuang tren na ito.

Ethereum at Kalikasan

Matapos nating mapag-usapan ang lahat ng ito, ating balikan ang ating naunang pahayag: Ang Ethereum at ang iba pang mga proof-of-work blockchain ay kumokonsumo ng malaking bilang ng enerhiya o kuryente. Ang kinokonsumong enerhiya nito ay parte ng kanyang pagkakadisenyo: Ang mekanismo ng Nakamoto consensus ay hindi gagana kung walang malaking bilang ng enerhiya sa likod nito.ย 

Hindi na maihihiwalay ang Bitcoin sa PoW, pero maaaring ihiwalay ang Ethereum, at naka-schedule na itong mangyari ngayong taon. Ipinapakita ng mga estimate na ang pag-upgrade nito sa Eth2.0 ay magpapababa sa carbon footprint nito ng 99%

Bakit nga ba hindi ito ang prayoridad sa simula pa lang? Dahil ang mga tunay na โ€˜innovationโ€™ ay pinaglalaanan ng oras, at kinakailangan nating gumawa ng kompromiso sa gitna ng proseso habang patuloy ang ating pananaliksik sa mas sustainable na mga solusyon. At ito nga ang nangyayari sa ngayon, kaya naman mali ang sabihing dahil malaki ang carbon footprint ng mga blockchain sa ngayon ay mananatili na lamang itong ganito habangbuhay. (At sa kaso ng Ethereum, sa loob ng isang taon ay magbabago na ito.)

Magkita-kita ulit tayo sa susunod na Linggo, mga ka-crypto! I-follow niyo po ako sa aking Twitter at sa Facebook kung nais niyo pang makakita ng mga usaping tungkol sa crypto, P2E, at NFT sa ecosystem ng Pilipinas.ย 

This article is published on BItPinas: Cryptoday 067 – Masama nga ba sa Kalikasan ang NFT Art? (Tagalog)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.