Cryptoday 068 – Ang $RON ay Narito na!

Share some Bitpinas love:

Ang matagal nang inaantabayanang $RON token ng SkyMavis ay inilabas na kagabi ng 8pm Manila time. Habang papalapit ang paglabas nito, tumaas naman ng $3.80 ang presyo ng perpetual futures ng FTX mula sa $3.20. Malapit ito sa USDC na presyo nito sa native na Katana DEX ng Ronin.

Kung nagsimula kang mag-farm ng $RON tatlong buwan na ang nakararaan, kasabay ng paglabas ng Katana, aabot dapat sa 30% USD ang mapapansin mong paper returns para dito. Mistulang maliit ito kung ikukumpara sa AXS returns noong nakaraang Nobyembre, pero ito’y dahil bumagsak din ng 60% ang kabuuan ng SkyMavis ecosystem (at halos lahat ng crypto na din). 

Sa totoo lang, ito lang siguro ang magliligtas sa portfolio ko ngayong quarter na ito.

This opinion article translated into Tagalog by BitPinas is originally from Luis Buenaventura II’s Cryptoday Column here. The Tagalog translations of Cryptoday are published one day or two days after the English version is out. (This one came out three days later.) Luis is the country manager for the Philippines at Yield Guild Games, co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines, and founder of the Cryptopop Art Guild. For any comments and questions, please message Luis directly on Twitter.

Ang Presyo ng RON

Nasagot na ng paglulunsad na ito ng $RON ang matagal na nating katanungan tungkol sa kung ano nga ba ang ating kikitain sa pagpapahiram ng tokens sa Katana DEX. Lumalabas na ang SLP/WETH pool ang may pinakamalaking kitaan (matagal na natin itong alam bago pa man nilalabas ang $RON ) at sa ngayon ay mahigit sa 500% na ang APR nito. Ito ay dahil mayroon lamang $129M na halaga ng SLP at WETH ang nasa pool nito, habang lagpas naman sa $440M ang contributions para sa AXS/WETH pool. Nagkataon namang mas maliit ang APR ng AXS/WETH na nasa 160% lamang. At kung kung malabo pa rin sa iyo ito: kapag mas malaki ang pool, mas maraming makakahati sa $RON rewards nito. Sa kasong ito, ang laki ng SLP/WETH pool ay 30% lamang ng kabuuang laki ng AXS/WETH pool. kaya naman ang $RON rewards nito ay pinaghahatian ng mas kaunti nitong contributors.

Ang ibig sabihin ba nito ay dapat kang mag-contribute sa SLP/WETH pool? Nakadepende iyan. Sa pangkalahatan, naniniwala akong hindi dapat mag-invest ang isang average na tao sa SLP, dahil mas may silbi pa ang AXS kumpara dito. Ngayon, kung naiintindihan mo ang limitasyon nito at nais mo pa ring magkaroon ng mas maraming $RON rewards, siguro nga ang SLP/WETH pool ang pinakamabilis na paraan para magawa mo ito. Tandaan mo lang na maaari mong makaharap ang panganib  ng “impermanent loss”, isa itong konseptong hindi ko nais ipaliwanag ngayon sapagkat limitado ang oras, pero isa itong bagay na dapat mong aralin BAGO ka magsimulang magpahiram ng pondo mo sa DEX.

At ngayon na mayroon ka nang $RON, ano ang pwede mong gawin dito? Ang personal kong estratehiya ay kunin ang 50% ng aking $RON rewards, i-convert ito sa WETH, at idagdag ito sa bagong pool ng RON/WETH pool sa Katana. Bakit ko ito gagawin? Dahil naniniwala ako na magiging aktibo ang pool na ito sa exchange, at dahil maaari ka na ring kumita mula sa mga trading fees, isa itong paraan upang mapalaki ko ang aking $RON holding. Ang pangit lang dito, siyempre, ay kung mas mabilis pang tumaas ang halaga ng RON kumpara sa ETH. Hindi ito ang magiging pinakamagandang estratehiya. Pero gusto ko ring marinig ang opinyon ng lahat kung ano ba ang kanilang mga personal na estratehiya pagdating sa RON!

Mabilis na paalala lang bago matapos ang ating newsletter para sa araw na ito: ang aking #Trese X #CRYPTOPOP NFT collab ay may ‘auction’ ng 1/1 “Alexandra Trese” genesis piece. Magtatapos ang auction na ito ngayong tanghali, Enero 28,  Manila time. Silipin niyo po sana ito at ang iba pang likha sa series na ito sa https://opensea.io/collection/trese-cryptopop.

Magkita-kita ulit tayo sa susunod na Linggo, mga ka-crypto! Magkaroon sana kayo ng masayang weekend. 

This article is published on BitPinas: Cryptoday 068 – Ang $RON ay Narito na!

Share some Bitpinas love:

Crypto and Web3 Jobs Philippines

New on BitPinas: Web3 and Crypto Job Portal

Watch Next:

Binance Head of APAC responds to Infrawatch, reveals VASP license status:
Follow on social and subscribe to our newsletter
9 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments

[…] This text is revealed on BitPinas: Cryptoday 068 – Ang $RON ay Narito na! […]

[…] post Cryptoday 068 – Ang $RON ay Narito na! appeared first on […]

[…] This article is published on BitPinas: Cryptoday 068 – Ang $RON ay Narito na! […]

[…] This article was published on BitPinas: Cryptoday 068 – $ RON Is Here! […]

[…] This article is published on BitPinas: Cryptoday 068 – Ang $RON ay Narito na! […]

[…] This article is published on BitPinas: Cryptoday 068 – Ang $RON ay Narito na! […]

[…] This article was published on BitPinas: Cryptoday 068 – $ RON Is Here! […]

[…] This article is published on BitPinas: Cryptoday 068 – Ang $ RON ay Narito na! […]

[…] This article is published on BitPinas: Cryptoday 068 – Ang $ RON ay Narito na! […]