Cryptoday 069 – Malalaking Pagbabago sa Axie at Ronin, Pati na ang PI Listing?

Share some Bitpinas love:

Sabado ng umaga ngayon, mga ka-crypto, at ngayon na lang ulit ako nakapag-isip ng malinaw makalipas ang mga nakaraang buwan. Ang pinakamalaking balita ngayong linggo ay ang ilang buwan na nga nating kinatatakutan: Permanente nang tinanggal ng SkyMavis ang rewards para sa Adventure at Daily Quest sa laro. (Basahin ang kabuuang update dito.) Ano ang ibig sabihin nito para sa isang average player? Anong klaseng impact ang dapat nating asahan mula rito sa mga susunod na linggo at buwan?

This opinion article translated into Tagalog by BitPinas is originally from Luis Buenaventura II’s Cryptoday Column here on Feb. 5, 2022. The Tagalog translations of Cryptoday are published one day or two days after the English version is out. (This one came out three days later.) Luis is the country manager for the Philippines at Yield Guild Games, co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines, and founder of the Cryptopop Art Guild. For any comments and questions, please message Luis directly on Twitter.

Bakit Tinanggal ang SLP sa Quest at Adventure?

Upang masagot natin ito nang malinaw , kailangan muna nating alamin ang tamang konteksto para dito. Nitong nakaraang linggo, umabot sa halos 2.2 milyon ang naglalaro ng Axie sa buong mundo araw-araw (DAU). Sa nakaraang tatlong linggo ay patuloy ang pagbaba ng bilang ng DAU na ito mula sa kanyang ‘all time high’ na 2.47 milyong users (makikita ang lingguhang bilang dito). Malinaw na ipinapakita ng data na ito ang matagal na nating alam bilang miyembro ng ating community: nagsisimula nang umalis ang ilan sa larong ito. Hindi sa malaking bilang, ngunit sapat upang mapababa ang DAU ng 10% nitong Enero. Ang pinakamalaking dahilan ng exodus na ito ay ang sobrang babang halaga ng SLP.

Eksaktong isang taon ang nakaraan ngayong araw, ang presyo ng SLP ay nasa $0.02. Nagsimula itong mag-spike sa mga sumunod na buwan habang patuloy ang pagdami ng mga tao na nagkakainteres sa laro, kasabay ng pagsisimula ng mga professional breeders na mag-‘farm’ ng mga Axie upang ibenta sa mga bagong pasok sa laro. At sa pagitan ng Mayo at Hulyo ay nakita nga natin ang resulta nito: Lumobo ang presyo ng SLP sa $0.30 (15x), at ang presyo ng regular na Axie teams ay umabot ng $1,500.

Maganda pa ang sistema sa mga panahong iyon dahil natatapatan ng demand ng mga breeder ang supply ng SLP na binebenta ng mga players. Subalit alam naman nating hindi ito sustainable, kahit sa simpleng matematika. ISANG beses lang kailangang ng mga breeders kumonsumo ng SLP upang makagawa ng bagong Axie, subalit ang Axie na ito ay maaaring makapag-’generate’  ng SLP income MAGPAKAILANMAN. Halatang halata na hindi ito balanse (ito ang pangunahin kong puna dito noong nakaraang Hulyo noong nagsimula akong magsulat tungkol sa larong ito), subalit kung may isa man akong masasabi tungkol sa ‘economic theory’ ay kadalasan, kinakailangan pang maghintay ng ilang sandali bago maganap sa totoong buhay ang mga prediksyon ukol dito.

Kaya naman narito na tayo ngayon, ang presyo ng SLP ay nasa $0.01 na lamang, at lubos na natatabunan ng daily supply ng SLP ang demand para dito sa ratio na 4:1. Kung hindi ka sigurado sa ibig sabihin nito, sa bawat 4 na SLP na binebenta, tanging 1 SLP lamang ang aktuwal na kinakailangan ng merkado. Hindi na nakapagtataka kung bakit sobrang baba ng presyo nito. Ano nga ba ang pinakamalaking rason kung bakit nagkakaroon ng oversupply ng SLP? Dahil ito sa dami ng SLP rewards na nakukuha ng mga players sa paglalaro ng Adventure mode, pati na rin sa pagkumpleto at pagkuha ng Daily Quest Rewards.

Ayon sa SkyMavis, 56% ng lahat na SLP sa sirkulasyon ay galing dito. At maaaring mas malaki pa. Para sa mga taong hindi naglalaro ng Axie Infinity, “Adventure mode” ang tawag sa mode ng laro kung saan kinakalaban ng mga players ang mga monsters ng mismong laro. Kapag ikaw ay nasa adventure mode, wala kang ibang taong kalaban, at maaari mong ulit-ulitin ang level na iyon hanggang sa matalo mo ang iyong kalaban. Maaari mo ulit laruin ang level na iyon bukas upang makuha muli ang SLP rewards mula rito kahit ilang beses mo na itong natalo. Ibig sabihin ay para itong personal na SLP farm. Kung nagtataka ka kung bakit mayroong silang rewards para sa adventure mode, dahil gaya ng pagbibigay ng incentives ng ibang crypto, nangangailangan ang SkyMavis ng paraan upang makahikayat ng mga tao na subukan ang kanilang laro. Kaparehas ng ideyang ito ang Daily Quest reward, kung saan kinakailangan mo lamang maglog-in sa laro bawat araw. At epektibo ang mga ito. Ngayon ay mayroong 2 milyong katao na ginagawa ang mga ito araw araw, kaya naman ang resulta ay ang pagbaha ng SLP sa merkado.

Epekto ng Pagkawala ng SLP Rewards

Anong mga epekto ng mga pagbabagong ito ang dapat nating asahan? Sa panandaliang panahon, makakakita tayo ng malaking exodus ng mga player, resulta ito ng pag-alis ng mga casual players at ng mga bot operators mula sa laro. Makakakita tayo ng market consolidation: ang mga maliliit na guilds ay magdi-disband, at ang ilang guilds naman ay magme-merge sa mas malaking guilds. Umaasa akong makikita natin ang pagbaba ng DAU ng 25%.

Matatagalan ang mga bagong players na kumita mula sa laro dahil kinakailangan na nilang maging mas maalam sa gameplay rules bago makapili ng mga competitive na Axies. Magiging mas mahalaga na ang serbisyo ng mga coaches at mentors, at lalo namang mas bababa ang halaga ng mga sub-par na axies. (Magkakaroon din ng mga karagdagang features sa hinaharap kung saan magagamit ng mga players ang kanilang mga mahihinang mga axie, halimbawa ay upang mapataas ang kanilang daily energy.)

Kahit na isagawa man nila ang mga pagbabagong ito sa susunod na linggo, mababawasan lamang ang over-supply ng SLP mula sa 4:1 hanggang 2:1 dahil kaunti lamang ang Arena players sa ngayon. Mababawasan din ang kikitain nila dahil nabawasan ang SLP rewards ng kabuuang competitive bracket na aabot sa 30%.

Hindi maglalaon ay bababa rin ang oversupply sa 1.5:1, ngunit huwag nating kalimutan na mayroong 9 bilyong SLP na hawak ng community. Ang kabuuang konsumo natin ay nasa 50M SLP lamang kada araw. Ito ang dahilan kung bakit hindi kaagad tataas ang presyo ng SLP sa pagsisimula ng Season 20. Aabutin din natin ang 1:1 na parity kapag nagsimula nang ilabas ang mga bagong features ng laro, kung saan ang lahat ng features na ito ay nangangailangan ng SLP payment.

Ang Mga Susunod na Buwan Para sa Axie Community

Magiging maalon ang mga susunod na mga buwan para sa Axie community, subalit sa pangkalahatan ay naniniwala ako na ito ang tamang landas. Isa itong mahirap na desisyon at sigurado akong hindi ito magugustuhan ng mga players na hindi kayang bumili ng mga competitive na axie at umaasa sa laro na ito bilang kanilang basic income. Lahat ng mga negatibong tao ay maglalabasan at magiging mas maingay ngayon. Gagamitin nila ang sitwasyong ito bilang senyales ng “pagkamatay ng Axie ponzi scheme”. Hayaan niyong linawin ko sa inyo ito: ang mga pagbabagong ito ang mismong ebidensya na hindi ponzi scheme ang Axie infinity, dahil aktibo nilang pinagbubuti ang platform para sa hinaharap ng laro.

Mas madali at mas simple sana para sa kanila na mag-rug pull sa ATH nito noong 2021. Pinatunayan lamang nito na ang kasalukuyang economic model ay isang mahusay na paraan upang magkaroon ang Axie ng kanyang unang isang milyong players, subalit kinakailangan nito ng mga kritikal na pagbabago upang makamit ang unang isang bilyong players nito. Magiging mahirap ang mga pagbabagong ito, subalit kinakailangan.

Ang Pagbaba ng RON Rewards

Lubos ding bumaba ang $RON rewards mula sa Ronin chain, at buong-paghihinayang kong  hindi naisulat ang papalapit na reduction na ito noong nakaraang linggo nang sinimulan kong talakayin ang mga yield farms na ito. Ang annual percentage return (APR) ngayon ay mababa para sa AXS/WETH na nasa 24% lamang, 44% naman para sa RON/WETZH, at 111% naman para sa SLP/WETH. Napakalaking pagkakaiba nito mula sa nakaraang essay ko tungkol dito. Worth it pa bang i-farm ang mga ito? Nasa inyo na iyan. Ang personal kong plano ay itigil na ang aking AXS/WETH farm at bumalik sa AXS staking, pero ipinagpatuloy ko ang aking RON/WETH at SLP/WETH farms dahil wala akong makitang mas profitable na farms para sa mga ito sa labas ng Ronin.

PI Token Listing?

Kahapon ay nabanggit ko na magsusulat ako tungkol sa $Pi token listing. Kung sakaling nakalimutan niyo na ito, ito ang matagal nang hinihintay na “cryptocurrency para sa masa” na aking isinulat noong nakaraang Agosto. Noong tinanong ako ng mga tao, nag-alangan akong sabihin na isa itong scam dahil sa tingin ko ay isa lamang itong below-average na proyekto. (Sa madaling salita, hindi nila sinusubukang magnakaw ng pera, sadyang hindi lang sila karapat-dapat paglaanan ng investment.)

Subalit kahapon ay nakakita ako ng isang Pi-related na scam na sa tingin ko ay marapat na ibahagi sa inyo. Ang Twitter account na @MinePiCore ay nag-anunsyo na ang $Pi token ay magkakaroon na ng listing sa PancakeSwap, at dahil mahigit sa 1,000 RTs at 30k na followers nito, mukha talaga itong lehitimong account. May ilang ‘dead giveaways’ na nagpapahiwatig na peke ang account na ito: (1) ang halaga ng BNB at BUSD na inaalok (2) ilang linggo pa lamang ang tanda ng account na ito at (3) naka-‘turn off’ ang commenting sa nasabing tweet upang hindi ito ma-QRT at masabihan na fake. Ang opisyal na Pi Network account na @PiCoreTeam ay tahimik din tungkol sa listing na ito.

Kaya manatili tayong mapagmatyag, mga kacrypto. Maaari nating pagtalunan ng buong araw kung ang @PiCoreTeam nga ba ay isang scam, pero ang @MinePiCore team ay siguradong scam.

Magkita-kita ulit tayo sa susunod na Sabado, at isang masayang weekend sana para sa inyong lahat.

This article is published on BitPinas: Cryptoday 069 – Malalaking Pagbabago sa Axie at Ronin, Pati na ang PI Listing?

Share some Bitpinas love:
Follow on social and subscribe to our newsletter
4 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Hannah Christopher

I’m glad that I knew about darkwebcyberhackers @ gmail . com on time. With their advanced logs coupled with their expertise in wire transfers, they credited my account with $500,000. They also helped me to recover my crypto wallet which i forgot the password to.
Text & Call or What’sApp: +18033921735

[…] This text is printed on BitPinas: Cryptoday 069 – Malalaking Pagbabago sa Axie at Ronin, Pati na ang PI Listing? […]

[…] post Cryptoday 069 – Malalaking Pagbabago sa Axie at Ronin, Pati na ang PI Listing? appeared first on […]

[…] This article is published on BitPinas: Cryptoday 069 – Malalaking Pagbabago sa Axie at Ronin, Pati na ang PI Listing? […]

Luis Buenaventura II

    Luis is the country manager for the Philippines at Yield Guild Games, co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines, and founder of the Cryptopop Art Guild. For any comments and questions, please message Luis directly on Twitter. His writing on cryptocurrencies has been featured on online publications including Quartz, Techcrunch, and The Next Web.