Advertisement PDAX Banner

Cryptoday 071 – Super Bowl Ads < Digmaan sa Ukraine?

Photo for the Article - Cryptoday 071 - Super Bowl Ads < Digmaan sa Ukraine?

Nitong Lunes, 112 milyong manonood ng Superbowl ang naipakilala sa cryptocurrency sa unang pagkakataon, dahil na rin sa dami ng mga ads mula sa FTX, Coinbase, at Crypto.com sa kabuuan ng broadcast. Sa kanilang tatlo, ang Coinbase na marahil ang pinakaambisyoso at non-traditional: Nag-feature ito ng QR code na gumagalaw ng mabagal sa screen sa loob ng buong 1 minutong ($16m) time slot. Ang mga nag-scan nito ay na-redirect sa Coinbase website kung saan nakatanggap sila ng libreng $15 na halaga ng Bitcoin.

This opinion article translated into Tagalog by BitPinas is originally from Luis Buenaventura IIโ€™sย Cryptoday Column hereย on Feb. 19, 2022. Theย Tagalog translations of Cryptodayย are published one day or two days after the English version is out. (This one came out six days later.) Luis is the country manager for the Philippines at Yield Guild Games, co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines, and founder of the Cryptopop Art Guild. For any comments and questions, please message Luis directly onย Twitter.

Ang Coinbase AD sa Super Bowl

Napabalitang sa sobrang popular ng ad na ito ay nag-crash ang website ng Coinbase. Samantala, naglabas naman ng malaking halaga ang Crypto.com kay LeBron James at sa computer-generated na version ng kanyang batang sarili na makikita sa ad na “Moment of Truth”. Ang personal kong paborito ay ang “Don’t be like Larry” ad ng FTX na pinagbibidahan ng Seinfeld co-creator at Curb Your Enthusiasm star na si Larry David. Siya ang pinakapaborito kong professional na ‘Curmudgeon’ (Matanda na laging galit).

Ukraine at Russia

Pagsapit naman ng Biyernes, ilan sa mga bagong pasok sa crypto ang nakaranas, malamang, ng kanilang unang ‘crypto dip’ sa pagbaba ng merkado sa 5%. Ayon sa mga analyst, ang namumuong tensyon at takot sa posibleng pagsakop ng Russia sa Ukraine ang dahilan ng dip na ito. Mahirap magkomento sa balitang ito dahil karamihan sa mga Pilipino marahilay kibit balikat sa balitang ito sapagkatย  “hindi naman nagaganap” ang mga bagay na ito dito.

Subalit sinisiguro ko sa inyo na mararamdaman natin ang epekto nito kung sakaling matuloy nga sa digmaan ang nasabing tensyon.

Advertisement PDAX Banner

Kahit na sa usapang ‘blockchain level’ lamang, tiyak na magkakaroon ng malaking epekto kung sakaling may maganap man na armed conflict sa Ukraine dahil na rin sa mala-‘schizophrenic’ nilang pananaw sa Bitcoin mining at sa bago nilang batas na ginagawag legal ang cryptocurrency trading.

Subalit ang pinakamalaking bagay na napansin natin dito ay ang patuloy na paghahanap ng USA ng paraan upang ipangalandakan ang kanilang military complex, dahil base na kasaysayan nila, maganda ang ‘digmaan’ para sa kanilang ekonomiya. Dahil malapit na ang pagtatapos ng ‘digmaan’ laban sa COVID, siguro ay naghahanap sila ng bagong makakalaban? Tunog conspiracy theory siguro ito para sa nakararami sa inyo subalit matatandaan na nagsimulang dumami ng USD monetary supply matapos ang “War on Terror” sa kalagitnaan ng 2000’s. Nagkaroon ng mahigit 20x pagdami ng dolyar sa pandaigdigang ekonomiya matapos ang 9/11. Kung inaakala mo na matindi ang pagkaka-‘oversupply’ ng SLP, tignan mo muna kung ano ang ginawa ng Federal Reserve sa mga nakalipas na taon.

Dumadami ang may bank account sa Pilipinas

Sa usaping bangko naman, naglabas ng anunsyo ang ating Bangko Sentral nitong Huwebes na umabot na sa 41 milyong mga Pilipino ang gumagamit ng bangko. Doble ito sa naitala pre-COVID. Ang pinakainteresante para sa akin ay ang ratio nito na: mas pinili ng 16.8 milyong katao ang gumamit ng mobile wallets gaya ng GCash at Paymaya, habang 3.6 milyon lamang ang gumagamit ng tradisyunal na bangko. Inabot pa ng ilang panahon bago maunawaan ng mga bangko na nagiging mahirap para sa nakararami ang pagbisita sa mga bangko upang magbukas ng account sa panahon ng pandemya at ang paggamit ng mobile wallet ang mas madaling gawin.

Hindi ko na siguro kailangan pang ulitin sa aking mga mambabasa na hindi ako isang malaking fan ng mga bangko, mobile wallets, o ang tradisyunal na finance. Subalit kinikilala ko na kailangan sila bilang mabisang gateway ng mga tao sa mundo ng cryptocurrency. Sa mga susunod na buwan, may mga ilang malalaking inisyatibo akong sisimulan upang makagbigay tayo ng gabay sa mga nagsisimula sa crypto sa mas malawak na kapasidad kumpara sa mga nakaraan nating nagawa. At ngayong nga na 53% na ng mga Pilipino ang nakaranas na ng KYC sa pagpasok sa “formal financial system”, panahon na marahil upang magpakita sa kanila ng mas magandang option para dito.ย 

Axie Infinity Origin

Axie Infinity Origin, ang free-to-play na bersyon ng pinakamalaking play-earn-game sa buong mundo, ay malapit nang ilabas, at mahusay ang ginawang AMA ng mga devs nitong nakaraang Miyerkulas sa kanilang pag-uusap tungkol sa ilan sa mga highlight nito.

Sa usapin ng ‘economic impact’, ang pinakaimportanteng bahagi ay (a) ang mga Axie na magagamitsa Origin ay hindi mga NFT at wala itong mga on-chain na footprint at (b) hind ka magkakaroon ng SLP sa paggamit nito. At sa layunin nilang makapagpasok ng susunod ng 97 milyong axie players, ang pagkakaroon ng free-to-play na bersyon ng laro ay lubos na mahalaga, subalit mahalaga ring ipaalala sa kanila na hindi sila magiging bahagi ng crypto community hanggaโ€™t hindi nila pinipiling mag-upgrade mula sa free version.

Maglalabas pa ako ng mas maraming pananaw tungkol dito sa mga susunod na linggo. Sa ngayon ay nasasabik ako sa pagkakaroon ng unang malaking upgrade ng laro sa loob ng halos isang taon.

Magkita-kita muli tayo sa susunod na linggo mga ka-crypto!

This article is published on BitPinas: Cryptoday 071 – Super Bowl Ads < Digmaan sa Ukraine?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.