Cryptoday 074 – Cyball Income Calculations (Tagalog)

Share some Bitpinas love:

Noong nakaraang linggo, nagsulat ako tungkol sa aking naging first impression sa Cyball, isang bagong soccer game sa BSC. Sa kabuuan, napansing kong pamilyar at madaling laruin ang gameplay nito, bagamat may ilang mga bagay pa rito ang nangangailangan ng improvement at marami pa sa mga key feature nito ang kasalukuyang ginagawa.

This opinion article translated into Tagalog by BitPinas is originally from Luis Buenaventura II’s Cryptoday Column here on March 5, 2022. The Tagalog translations of Cryptoday are published one day or two days after the English version is out. Luis is the country manager for the Philippines at Yield Guild Games, co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines, and founder of the Cryptopop Art Guild. For any comments and questions, please message Luis directly on Twitter.

Please also read:

Posibleng Income sa Paglalaro ng Cyball

Base sa aking kalkulasyon, ang dapat na kita mula sa token ng Cyball na CBT ay ‘di bababa sa $0.04 para tangkilikin ang P2E game na ito ng isang average FIlipino player na maaaring kumita ng 7000 piso sa isang buwang pagiging guild scholar. Ang $CBT ay inilunsad nitong March 9 at kasalukuyang nate-trade sa halagang $0.35, halos sampung beses na mas mataas sa aking target value. Bagamat ito’y tila isang magandang balita, kailangan pa rin nating talakayin ang mga implikasyon nito.

Bakit Mataas ang Presyo ng Cyball Token?

Una, ito ay dahil hindi pa sapat ang bilang ng mga dumadagsang players sa merkado na may kinita nang $CBT.

Karamihan marahil sa mga user ngayon ay nag-iimpok ng $CBT bilang paghahanda sa nalalapit na “genesis mentoring” event na magsisimula ngayong March 22.

Sa panahong ito, maaari mong makuha ang iyong Cyblocs at mag-breed ng mga bagong Cyblocs nang may malaking diskwenta: 500 CBT at 100 BUSD lamang na breeding fee para sa bawat breeding attempt.

(Sa madaling salita, ang bawat breeding attempt ay magkakahalaga lamang ng humigit-kumulang $275.)

Kung magbi-breed ka ng ilang magagandang Cyblocs, maaari mo itong ibenta sa public marketplace at kumita nang malaki. Ang floor prices para sa bronze, silver, at gold Cyblocs ay 600 BUSD, 1000 BUSD, at 2600 BUSD, kaya naman kung tutuusin, mukhang maganda ang magiging balik nito.

Syempre, ang makapag-breed sa murang halaga ay isang bagay, at isa pang bagay naman ang makapagbenta ng bagong minted na Cyblocs. Para sa isang prospective breeder, ipagpapalagay niyang may sapat na interesadong buyers na maaaring sumalo sa lumalaking bilang ng mga bagong breed. Sa kasalukuyan, ang market turnover ay hindi gaanong mataas, kaya maaaring maiwan kang naghihintay nang saglit. Mayroon pa lamang halos $1.4M na kabuuang trade sa ngayon, na nangangahulugang mayroon pa lamang halos 2,000 individual sales.

Breeding sa Cyball

Dahil ang bawat Cybloc ay maaari lamang makapag-breed ng hanggang tatlong iba pang Cyblocs, ang mga “virgin” Cyblocs ay magiging mas mahal bago magsimula ang breeding event.

Mayroon akong gold Cybloc at ilang mga silver, at naiisip kong magtamad-tamaran na lang at ibenta ang lahat ng ito bago ang breeding event. Sa kabilang banda, naiisip ko ring subukang maging breeder kahit sa loob lang ng ilang araw. Walang garantiya na makakapag-breed ka ng maganda, kaya’t bawat attempt ay maihahalintulad sa isang sugal.

Halimbawa, kung mayroon kang isang gold Cybloc, ang probabilidad na makapag-breed ka ng isa pang gold ay nasa 20% lang. Mas mataas pa ang tsansang makapag-breeed ka ng silver o mas mababang uri ng Cybloc (humigit-kumulang 77%).

Ang mga presyo sa marketplace ay samakatuwid madidiktahan ng kombinasyon ng expected value mula sa breeding at market perception… na nahahalintulad din sa kung paano ito gumagana sa Axie Infinity. At ang mismong pagkakapareho nito sa Axie Infinity ang magdudulot sa mabilis na paglago ng Cybloc marketplace na higit pa kaysa sa inaasahan ng mga tao. Alam na ng mga tao kung paano magkapera sa ganitong paraan.

Para sa mga Cyball Scholar

Sa perspektibo ng mga iskolar, ang pagkalkula sa kita ay mas madali. Dahil ang bawat bronze Cybloc ay kumikita ng 3.5 CBT kada panalo, sa bawat victory ay makakatanggap ka ng 10.5 CBT o $3.67, o ₱192.

Ang Bronze Cyblocs ang may pinakamababang CBT na natatanggap sa bawat panalo nito, kaya’t mas malaki ang kinikita ng mga team na binubuo ng mas matataas na class. Ang isang all-bronze team na may 50% win rate ay kayang makagawa ng $1,099 o 57,600 PHP bilang kabuuang kita sa loob ng isang buwan, ito’y kung sakaling hindi magbago ang CBT exchange rate.

Ngunit tandaan na nanggaling na tayo sa ganitong cycle noon.

Matatandaang noong May 2021, dumagsa ang libo-libong tao sa platform na ito matapos ang SLP ng Axie Infinity ay umabot ng $0.36 sa unang pagkakataon.

Ang pagkakaiba nga lang sa ngayon ay mas mataas na ang anticipation. Nakita na natin kung gaano kalala ang inaabot ng mga presyo sa mga larong tulad nito, kaya’t dumadaan sa future-proofing ang mga presyo sa market ngayon. Dito, ini-imagine natin ang hinaharap kung saan ang Cyball ay kasinlaki na ng Axie. Syempre, sa kasalukuyan, totoo namang bata pa ang larong ito at malayo pa ang tatahakin upang maging kasinlaki ng larong ito ng SkyMavis (ang Twitter account nitong @CyballOfficial ay may 57,000 followers lamang, maliit kung ikukumpara sa 930,000 ng Axie), pero ito ang crypto para sa’yo.

$CBT

Naniniwala ba akong mananatiling $0.35 na lamang ang halaga ng $CBT? Sa tingin ko sa loob ng maikling panahon, malalampasan nito ang halagang $0.35, kaalinsabay ng pagdami ng mga entrepreneurial player na nag-i-invest sa kanilang Cybloc breeding farms. Iniisip ko rin na ang community ay kikilos ng mabilis, at ang ekonomiya ng Cyball ay makakaranas ng iba’t ibang malalaki at matitinding pagbabago sa mga susunod na buwan.

Sa totoo lang, alam naman na natin ang kahihinatnan ng ganitong klaseng P2E model. Kailangan ng larong ito ng maraming paraan para magastos ang mga token nito, kung nais nitong mapanatiling mataas ang presyo. Kung hindi, mao-overwhelm ng bilang ng mga players na sabik kumita ang market demands, na siyang magreresulta sa pagbulusok ng presyo. Ang ganitong problema sa Axie Infinity ay hindi pa rin nareresolba hanggang ngayon, ngunit patuloy silang nagbibigay ng roadmap para sa mga mas batang laro na papausbong pa lang. Gayunpaman, may isang bagay na nagawa ang Cyball na tama: hindi sila nag-offer ng Adventure mode.

Magkita-kita muli tayo sa susunod na linggo, mga ka-Crypto!

This article is published on BitPinas: Cryptoday 074 – Cyball Income Calculations (Tagalog)

Share some Bitpinas love:

Crypto and Web3 Jobs Philippines

New on BitPinas: Web3 and Crypto Job Portal

Watch Next:

Binance Head of APAC responds to Infrawatch, reveals VASP license status:
Follow on social and subscribe to our newsletter