Advertisement PDAX Banner

Paymaya vs PDAX vs Coins.ph – Cryptoday 077 (Tagalog)

Photo for the Article - Paymaya vs PDAX vs Coins.ph - Cryptoday 077 (Tagalog)

Noong Mayo ng 2021, inanunsyo ng GCash na pinag iisipan nilang magdagdag ng cryptocurrency exchange para sa kanilang app, at nabangit ko na mistulang isa itong paraan upang mapulsohan nila kung gaano kainteresado ang publiko base sa kanilang reaksyon. (Lumabas na marami pala ang interesado, base narin sa mga social media response.)

Halos isang taon na ang nakalipas mula noon, at maliban sa ‘malamyang’ press release nitong Marso, wala pa rin tayong nakikitang senyales sa pinakaaabangang “GCrypto” service. Nito namang Enero, una nating nabalitaan na planong ring pasukin ng Paymaya ang mundo ng crypto, mula sa kanilang opisyal na pahayag (kasabay ng Facebook) na silaโ€™y nabigyan ng lisenya sa pagiging Virtual Asset Service Provider license mula sa BSP.

Lumalabas na nagkamali tayo sa inantabayanang e-wallet giant.

This opinion article translated into Tagalog by BitPinas is originally from Luis Buenaventura IIโ€™s Cryptoday Column here on April 9, 2022. The Tagalog translations of Cryptoday are published one day or two days after the English version is out. Luis is the country manager for the Philippines at Yield Guild Games, co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines, and founder of the Cryptopop Art Guild. For any comments and questions, please message Luis directly on Twitter.

Photo for the Article - Paymaya vs PDAX vs Coins.ph - Cryptoday 077 (Tagalog)

Paymaya Crypto

Naging mahigpit at mapanuri ako sa PayMaya sa nakaraan – umabot ito sa punto na nagtataka na ako kung isasara na nila ang account ko – pero aaminin ko na medyo napabilib nila ako dahil naunahan pa nila ang kanilang pinakamalaking karibal sa paglulunsad ng kanilang crypto exchange. Nagawa nila ito mula sa suporta ng Coinbase Institutional, at isa na naman itong senyales kung paanong nagsisimulang pumosisyon sa Pilipinas ang mga malalaking crypto brands.

Advertisement PDAX Banner

Hindi man ganoon ka pulido ang kanilang serbisyong ito (kapansin-pansin ang “beta” badge sa ibabaw ng kanilang icon sa PayMaya App), subalit sa ngayon, nirerepresenta nito ang pinaka-direktang paraan sa pagkakaroon ng exposure ng mga Pilipino sa Bitcoin at iba pang cryptocurrencies. Bakit? Dahil 38 milyong Pilipino na ang nakapag-install at gumagamit ng PayMaya App. Kung ang pag uusapan lang naman ay ang potensyal na maaring marating nito, walang iba na makagagawa nito. (Maliban nalang, syempre, sa karibal nitong GCash.) Kung ang pag uusapan naman ay ibang aspeto nito, may mga bagay tayong dapat tandaan.

Exposure sa Crypto Gamit ang PayMaya

Una, mapapansin nyo na ang sinabi ko ay “pagkakaroon ng exposure sa cryptocurrencies”, at hindi “gumamit ng cryptocurrencies”.

Binibigyan ka ng kakayahan ng crypto trading feature ng PayMaya na bumili at magbenta ng crypto, subalit hindi mo ito maaaring i-transfer palabas. Kaya naman ang isang average na PayMaya customer ay maaaring bumili ng 1,000 pisong halaga ng BTC, halimbawa nalang, subalit maaari lamang nila itong ilagay sa loob ng app. Kapag tumaas ang presyo ng BTC, maaari nila itong ipalit sa peso at ma-‘realize’ ang kanilang kita, at hanggang doon na lang yon. Hindi nila maaaring personal na maitago ang kanilang BTC.

Marahil ay marami sa inyo ang nagtataka kung may silbe nga ba ang ganitong klase ng serbisyo kung saan hindi mo maaaring ma-withdraw ang BTC na iyong binili, at ang maisasagot ko dito ay: Mas ok na ito kaysa naman hanggang peso nalang ang pera mo. Huwag din nating kalimutan na noong unang inilabas ng Paypal ang kanilang crypto trading feature noong Oktubre ng 2020, hindi rin dito maaaring mag deposito o mag-withdraw ng crypto. Kaya naman may ‘precedent’ na ang ganitong approach.

PayMaya vs PDAX vs Coins.ph

Photo for the Article - Paymaya vs PDAX vs Coins.ph - Cryptoday 077 (Tagalog)
Ang presyo ng ETH sa PayMaya (Kaliwa) ay 169k, habang ang presyo sa PDAX (Kanan) ay 166k
Photo for the Article - Paymaya vs PDAX vs Coins.ph - Cryptoday 077 (Tagalog)
Ang presyo ng ETH sa PayMaya (Kaliwa) ay 169k, habang ang presyo sa Coins.ph (Kanan) ay 168k

Babangitin ko na rin na ang PDAX syempre ay isang ‘orderbook exchange’ – sa ibang salita, anonymous kang nakikipag trade sa iba pang users – kaya hindi talaga 0.5% ang kabuuang presyong iyong binabayaran. Kaya naman maingat nilang sinasabi ito sa mga katagang “Estimated ETH Quantity” kapag binabangit na nila kung magkanong ETH ang iyong matatanggap. Mismong sila ay hindi alam ang tumpak na halaga hanggat hindi pa nagaganap ang transaksyon.

Mas mataas ang presyo sa PayMaya at Coins.ph sapagkat pinapasimple nila ang mga komplikasyon ng paggamit ng orderbook at sa pagbibigay ng guaranteed rate para sa kanilang users. Sa mundo ng trading, tinatawag itong RFQ – request-for-quote system – at dahil mas madali itong maintindihan para sa mga users, kadalasan ay mas mahal ang gaitong serbisyo. (Pero hindi dapat ganoon kamahal. Malaki masyado ang 2.5%!)

Ang PayMaya Approach sa Crypto

Ang pinaka nagustuhan ko sa approach na ito ng PayMaya ay ang kanilang pagkilala na, para sa 99% ng kanilang mga users, ito ang magiging kauna-unahang pagkakataon na makikita nila ang mga simbolong gaya ng “BTC”, “ETH”, o “QNT”.

Nagustuhan ko din na mayroong aktwal na mga information pages tungkol sa mga coin na ito, kasama na rin dito ang mga links ng external websites at maging mga bagong balita tungkol sa mga ito. (Sa mga nagbabasa nito na mula sa PDAX o Coins.ph, maaari ninyong idagdag ang mga info sheets na ito sa inyong mga pages sa loob lamang ng 2 minuto sa pag-subscribe sa CoinMarketCap API. Sabihin nalang natin na nagawa ko na ito dati.)

Photo for the Article - Paymaya vs PDAX vs Coins.ph - Cryptoday 077 (Tagalog)
Ang Ethereum page ng PayMaya (kaliwa) ay mas ‘newbie friendly’ kumpara sa bersyon ng PDAX (kanan)

Side Note: Mistulang random ang pagkakadagdag ng QNT sa mga coins na kanilang sinusupport: literal na mayroong 74 na mas interesanteng coins ang nangunguna dito. Naiintindihan ko kung bakit nila nilaktawan ang XRP (legal issues) at BND (Coinbase competitor), subalit mistulang mas mainam pa na piliin ang Terra, Avalanche, Doge, at Near.

Patuloy kong susubaybayan ang PayMaya offering na ito na patuloy pang mag eevolve sa mga susunod na buwan. Dahil Coinbase ang sumusuporta dito, marami pang iba’t ibang oportunidad na maaaring umusbong mula rito hindi lamang para sa mga tokens o coins, kung maging para sa NFT na rin. Isipin mo na lamang ang posibilidad na maaari kang makabili ng mga ‘mahal na jpeg’ na ito gamit ang iyong peso. Hindi ko alam kung kinikilabutan ako sa excitement o sa takot.

Bagong CEO ng Coins.ph

Sa ibang balita, pinal nang inanunsyo ng Coins.ph ang bagong may-ari at CEO nito, ang ex-Binance CFO na si Wei Zhou.

Interesante ang binitiwang quote ni Zhou ng sinabi niyang nais niya na ang Coins.ph ang “crypto company na nababangit ng mundo kapang Pilipinas na ang pinag uusapan,” dahil sa nakalipas na 5 taon, nangyayari na ito. Hindi ko na mabiling kung ilang bese nababangit ng mga tao mula sa mga international crypto conferences na laman na ako ay mula sa Pilipinas ay agad akong tinanong kung nakapagtrabaho na ba sa Coins.ph.

Subalit matapos maganap ang Gojek acquisition noong 2019, mistulang hindi na ito isang crypto company at isa na lamang ‘dark horse’ sa e-wallet race na pinangungunahan ng GCash at PayMaya. Tatlong taon matapos nito ay makikita natin ang tatlong brand na ito na muling nagkokompetisyon para sa nangungunang posisyon para sa karerang ito, kaya naman mas interesado ako dito.

Nararamdaman ko na may gagawing malaking hakbang ang PDAX at ang $50M war chest nito. Hindi pa huli ang lahat para sa ibang kumpanya tulad ng Binance, FTX, at pati na rin yung kakatwang Facebook Novi group, na humabol sa karerang ito. Tunay na kapanapanabik maging isang crypto veteran ngayon sa PH!

Kita kita ulit tayo sa susunod na Sabado, mga ka-crypto!

This translation is published on BitPinas: Paymaya vs PDAX vs Coins.ph – Cryptoday 077 (Tagalog)