Advertisement PDAX Banner

Axie Infinity ang ‘most-searched game’ sa Pilipinas Ngayong 2021

Photo for the Article - Axie Infinity ang ‘most-searched game’ sa Pilipinas Ngayong 2021

Translated by Arzen Ong from Axie Infinity is the Most-Searched Game in the Philippines This 2021 published Dec. 21, 2021.

Pinangalanan ng Google, ang Technology company at search engine giant, ang Axie Infinity bilang nangungunang play-to-earn game sa Pilipinas sa kanilang game-related na listahan ng mga ‘top search queries’ ngayong taon kasabay ng kanilang paglalabas ng listahan ng lahat ng top searches sa Pilipinas ngayong 2021 para sa iba’t ibang mga kategorya.

Kasama ng Axie Infinity sa listahan ng Top 10 search queries para sa ‘game-related’ na kategorya ang mga sumusunod na laro: Dragonary, isang non-fungible token (NFT) game; CryptoBlades, isang play-to-earn game; Specimen Zero, isang survival horror game; My Defi Pet, isa ring play-to-earn game; Sausage Man, isang cartoon style na video game; KaraStar, isang blockchain game; Valorant, isang tactical video game; Among Us, isang social deduction game; at ang Genshin Impact, isang action role-playing game.

Sa kabilang dako, ang iba pang mga kategorya na inilabas ng Google ay ang listahan para sa Top News, Olympics, Sports, Shows o Series, Songs o Lyrics, Male personalities, Female Personalities, Movies, Korean Personalities, Korean Series, at ang pangkalahatang ‘Top Trending’ na mga searches.

“Pag tinignan natin ang mga ibang queries, kapansin-pansin na anim mula sa sampung ‘top searches’ ay mula sa Entertainment. Ipinapakita nito ang passion ng mga Pilipino at kanilang paggamit ng internet at ng Google bilang paraan na rin ng pagtakas sa ikawalang sunod na taon ng pandemya,” pahayag ng kumpanya.

Advertisement PDAX Banner

Ang Axie Infinity ang isa sa mga play-to-earn games na sumikat sa bansa sa kalagitaan ng  pandemya, dahil sa kanyang “Scholarship System.”

Ayon sa activeplayer.io, ang Pilipinas ang nangungunang bansa na may pinakamaraming bilang ng naglalaro ng Axie Infinity.

Nitong simula naman ng buwan, inihayag ng Vietnam-based gaming firm na SkyMavis na malapit nang umabot sa tatlong milyong ang daily active users ng Axie Infinity, habang lumaki ng apat na beses ang daily transaction volume ng Ronin.
Noong Disyembre 4 2021, ginanap ang kauna-unahang Axie Infinity Creator Cup at ang mga pinaka-unang mga contestants ay walong Pilipinong content creators

Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Axie Infinity ang ‘most-searched game’ sa Pilipinas Ngayong 2021

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.