[Kwentong Play-to-Earn] KOGS: SLAM! Top Player sa Nueva Ecija Kumita ng Malaki sa Closed Beta

Share some Bitpinas love:

Translated from: [Play-to-Earn Stories] KOGS: SLAM! Top Player in Nueva Ecija Earns Big Time in Closed Beta

Isang 42 taong gulang na real estate agent na ngayo’y isang game enthusiast na ang kumita ng malaki dahil sa dami ng RedFox Labs (RFOX) tokens na kanyang nakuha mula sa paglalaro ng KOGS:SLAM!, isa sa mga sumisikat na NFT game ngayon.

Si Rene De Guzman, ang nangungunang player ng Closed Beta Test ng laro, ay nagpasyang mag-HODL o ‘Hold On for Dear Life’ ng kanyang mga token sa paniniwalang ang KOGS:SLAM ang susunod na magiging pinakamalaking non-fungible token (NFT) game, ayon ito sa press release na nakalap ng BitPinas.

Ang HODL ay isang terminong nangangahulugang paghawak o pagtago ng mga partikular na coins/tokens/crypto para sa pangmatagalang malaking kita. Isa itong crypto jargon na nagmula sa maling spelling ng salitang “hold” mula sa isang bitcointalk forum thread noong 2013.

“KOGs: SLAM! will be a hit. It’s free to play, you don’t have to have an extra amount of money to play. Just have a steady internet connection or a data signal, and a cellphone, you’re good to go,” (Sisikat ang KOGs:SLAM! Libre lang siyang laruin, hindi mo kailangan ng extrang pera para makapaglaro. Kailangan mo lang ng steady internet connection o kaya’y data signal at cellphone, pwede ka nang maglaro) ang sabi ni De Guzman, habang inilalarawan ang mga advantages ng laro na naghihiwalay dito sa iba pang NFT games.

 Ang KOGS: SLAM! Na dinevelop ng RFOX Games, ay isang free-to-play na play-to-earn game na ang inspirasyon ay ang larong pambata na sumikat noong 90’s, ang POG. Noong nakaraang Oktubre, natapos na ang closed beta phase ng laro at nanatili itong live hanggang sa international release nito sa IOS at Android.

(Dagdag babasahin: Free-to-play na KOGs:SLAM! Kasalukuyang nasa Closed Beta, Maaaring mag cash out gamit ang GCash)

Bukod sa perang kanyang kinikita sa paglalaro, nagagawa ni De Guzman, na isa ring photography enthusiast, ang mga bagay na kanyang kinagigiliwan habang naglalaro ng KOGS:SLAM! Ayon sa kanyang account, ine-enjoy niya ang mga kita na natatanggap niya mula sa paglalaro habang hawak niya ang buong kontrol sa personal niyang oras. 

Sa kasalukuyan, si De Guzman ay abala sa pagsasaka at kasalukuyan niyang ine-enjoy ang kanyang buhay probinsya sa Nueva Ecija dahil na rin sa financial freedom na kanyang nakamit. Nagawa niya ring mag-organisa ng mga charity works para sa mga mardyinalisadong sektor sa kanilang lugar, salamat sa kanyang kita mula sa KOGS: SLAM at sa tulong na rin ng iba pang mga manlalaro sa kanyang komunidad.

“Ito lang ang tanging investment na may katuturan para sa akin sa ngayon kung ang pag-uusapan ay NFT play-to-earn dahil bukod sa mismong game ay mayroon ding RFOX VALT, mayroon tayong isang buong ecosystem na gumagana at sumusuporta sa KOGs:SLAM! at sa iba pang laro,” kanyang nabanggit.

Natuklasan ni De Guzman ang larong KOGs:SLAM! mula sa kanyang kababata na dati nyang kalaro ng pogs.

Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: [Kwentong Play-to-Earn] KOGS: SLAM! Top Player sa Nueva Ecija Kumita ng Malaki sa Closed Beta

Share some Bitpinas love:
Follow on social and subscribe to our newsletter
Subscribe
Notify of
guest
3 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments

[…] Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: [Kwentong Play-to-Earn] KOGS: SLAM! Top Player sa Nueva Ecija Kumita ng Malaki sa Closed Beta […]

[…] This article was published in BitPinas: [Kwentong Play-to-Earn] KOGS: SLAM! Top Players at Nueva Ecija Earn More in Closed Beta […]

BitPinas

BitPinas is the oldest blockchain and cryptocurrency news outlet that covers the Philippine blockchain and crypto scene. We are also writing general and international blockchain topics that are relevant to our audience.