BSP: Ang OPS Status ng Axie Infinity ay Kasalukuyan Pang Pinagaaralan

Share some Bitpinas love:

Translated by Arzen Ong from: BSP: Axie Infinity’s OPS Status Still Under Review

Ayon sa huling pahayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), kanila pang pinag-aaralan ang Axie Infinity, ang popular na Play-to-Earn (P2E) na Non-Fungible token (NFT) game, at ang posibilidad nito bilang isang Operator of Payment System (OPS) na maaaring magdulot sa mismong laro at sa mga developer nito na magparehistro sa Bangko Sentral.

Ayon sa BSP Governor na si Benjamin E. Diokno, kasalukuyan pa nilang ginagawa ang pagaaral tungkol sa paggamit ng ng NFT pati na rin ang pagbabantay sa iba’t ibang klase ng platforms ng online gaming.

“Ang BSP ay magpapatuloy na nagmamatyag sa mga aktibidad nito upang masuri ng mabuti ang mga materyal (at mga) prudensyal na implikasyon sa patuloy na paggamit ng Axie Infinity at ng mga Non-Fungible token,” ang sinabi ni BSP Governor Diokno nitong nakaraang virtual press briefing.

Simula Agosto, ang BSP ay ‘masusing binabantayan’ ang Axie Infinity at kung paano ginagamit ang mga players nito cryptocurrency asset ng laro na kilala bilang Smooth Love Potion (SLP) bilang anyo ng pagbayad. (Dagdag babasahin: Masusing binabantayan ng BSP ang mga lokal na Axie Infinity SLP Merchant System)

Kung sakasakaling makumpirma na ang Axie Infinity ay isang OPS, kakailanganin nitong magparehistro sa BSP. Ang mga OPS ay entities na nagpo-provide ng cash-in service, bills payment service, at iba pang conveniences gaya ng payment gateway, platform provider, payment facilitator, at merchant acquirer na nagbibigay kakayahan sa mga merchants na tumanggap ng kabayaran, bilang Cash o Digital na anyo.

“Makikipagtulungan ang BSP sa iba pang regulator sa ilalim ng Financial Sector Forum (FSF) upang pagtibayin ang kooperatibang oversight sa mga Fintech innovation at upang maipagpatuloy na lumikha ng sapat na regulasyon na sasaklaw sa mga virtual asset at virtual asset provider o VASP,” saad ni Diokno.

Ang FSF ay ang boluntaryong inter-regulkator coordination body na binubuo ng BSP, Securities and Exchange Commision (SEC), Philippine Deposit Insurance Corp. at ng Insurance Commision.

Kasalukuyang sinisiyasat ng mga regulators na ito ang mga gaming applications pati narin ang mga social media platform na gumagamit ng financial technology (fintech) dahil na rin sa posibilidad na kailangan nilang humingi muna ng pahintulot o awtoridad bago magsagawa ang mga fintech-related na mga serbisyo.

Siniguro ng BSP na ang mga fintech ay “mapapamahalaan ng mabuti ng hindi pinipigilan ang mga inobasyon nito.”

Dagdag pa dito, kahit nais na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at ng Department of Finance (DOF) na buwisan na ang nasabing laro, pinangangatawanan pa rin ng BSP at ng SEC ang kanilang pahayag noong nakaraang Setyembre na hindi pa kinakailangang magparehistro ng Axie Infinity sa kanila, inulit din ng mga regulating agencies na ito na kasalukuyan pa nilang pinagaaralan kung ano ba talaga ang tunay na status ng laro. (Dagdag babasahin: BSP, SEC: Hindi pa kailangan na magparehistro ng Axie Infinity)

Ang artikulong ito ay isinalin sa Tagalog ng BitPinas: BSP: Ang OPS Status ng Axie Infinity ay Kasalukuyan Pang Pinagaaralan

Share some Bitpinas love:

Crypto and Web3 Jobs Philippines

New on BitPinas: Web3 and Crypto Job Portal

Watch Next:

Binance Head of APAC responds to Infrawatch, reveals VASP license status:
Follow on social and subscribe to our newsletter
3 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments

[…] (Please check the Tagalog translation here: BSP: Ang OPS Status ng Axie Infinity ay Kasalukuyan Pang Pinagaaralan […]

[…] This article has been translated from Tagalog and BitPinas: BSP: Axie Infinity OPS Status is being studied […]

trackback

1emissary