Advertisement PDAX Banner

SEC Naglabas ng Abiso Laban sa ‘Crypto Asset’ Trading Entity

BitPinas-SEC-NEWS-1

Translated from: SEC Issues Advisory Against ‘Crypto Asset’

Naglabas ang Securities and Exchange Commission (SEC)  ng isang abiso sa publiko na maging maingat sa pakikipag-transaksyon sa indibidwal o grupo ng mga tao na nanghihingi ng mga investment sa ngalan ng crypto trading entity na ‘Crypto Asset’. Binigyang-diin ng SEC na ang Crypto Asset ay hindi nakarehistro bilang Virtual Asset Service Provider (VASP) sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at walang kaukulang Certificate of Authority bilang isang Money Service Business.

“The  public  is  hereby  informed  that Crypto Asset is  not  registered  with  the Commission and is not authorized to solicit investments from the public, not having secured prior registration and/or license to sell securities or solicit investments as prescribed under Section 8 of the Securities Regulation Code (SRC),” (Aming ipinaaalam sa publiko na ang ‘Crypto Asset’ ay hindi nakarehistro sa Komisyon at hindi awtorisadong manghingi ng mga investment mula sa publiko, sa dahilang hindi sila nakakakuha ng paunang pagpaparehistro at/o lisensya upang makapagbenta ng mga securities o manghingi ng mga investments alinsunod sa Seksyon 8 ng Securities Regulation Code) sabi ng commissioner.

Idinagdag ng Enforcement and Investor Protection Department ng komisyon na nakatanggap sila ng impormasyon na ang mga taong kumakatawan sa Crypto Asset, sa pamumuno ng Pangulo at CEO nito na si Janus Alfonsus Alvez Tisalona, ​​ay nanghihikayat sa publiko na mamuhunan ng kanilang pera sa nasabing entity kapalit ang pangakong monetary rewards o kita.

Ayon sa kanilang Facebook page, ang CRYPTO ASSET ay nag-aalok ng “natatanging pagkakataon” para sa mga investors, kung saan ang minimum na halaga ng investment ay nasa Php 1,000 lamang at may apat pang option na maaaring pagpilian. Ang perang kanilang ii-invest ay gagamitin daw ng Crypto Asset sa crypto trading nito sa pamamagitanng kanilang “unlitrade platform and GPU mining farm activities.”

Advertisement PDAX Banner

Batay sa kanilang mga investment offerings, ang apat na maaaring pagpilian ng investors ay ang mga sumusunod: “Siver”, kung saan magkakaroon daw sila ng 5% na kita sa loob ng 7 araw; “Gold” na mayroon daw 10% kita sa loob ng 12 araw; “Platinum” na mayroong 20% na kita sa loob ng 20 araw; at “Executive” na mayroong 50% na kita sa loob ng 40 araw.

“Those who act as salesman, brokers, dealers or agents of the said entity in selling or convincing  people  to  invest  in  investment  scheme  being  offered  including  soliciting  or recruitment through the internet may be held criminally liable under Section 28 of the SRC and  penalized  with  a  maximum  fine  of  FIVE  MILLION  PESOS (Php  5,000,000.00)  or imprisonment of Twenty One (21) years or both pursuant to Section 73 of the SRC,” (Ang mga magsisilbing salesman, broker, o ahente ng nasabing entity na sangkot sa pagbebenta o pag kumbinsi sa mga tao na mamuhunan sa investment scheme na kanilang iniaalok kasama narin ang soliciting o recruitment sa pamamagitan ng internet ay maaaring managot sa ilalim ng Seksyon 28 ng SRC at mapaparusahan ng multa na nagkakahalagang LIMANG MILYONG PISO (Php 5,000,000.00) o pagkakakulong ng Dalawampu’t isang (21) taon o maaaring pareho alinsunod sa Seksyon 73 ng SRC) babala ng komisyon.

Noong nakaraang buwan, sa nakaraang virtual conference ng BSP na pinamagatang ‘Cryptocurrency 101’, sinabi ni Melchor Plabasan ng BSP, at ng SEC Commissioner na si Kelvin Lester Lee, na hindi hinihikayat ng kanilang mga ahensya ang mga tao na mag-invest sa cryptocurrency. Inulit din nila ang kanilang paalala sa publiko na ugaliing gumawa ng kanilang sariling pag-aaral bago pasukin ang mundong ito. (Dagdag babasahin: BSP, SEC hindi hinihikayat ang publiko na maginvest sa crypto)

Ang artikulo na ito ay nailathala sa BitPinas: SEC Naglabas ng Abiso Laban sa ‘Crypto Asset’ Trading Entity

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.