Kwentong Play-to-Earn: Axie Manager Spraky: Lahat Kami sa Cabanatuan ay Alam ang Axie Infinity

Share some Bitpinas love:

Translated from: Play-to-Earn Stories: Axie Manager Spraky: Everyone in Cabanatuan Knows Axie Infinity

Sa nagdaang episode ng BitPinas’ weekly webcast, sinabi ni Spraky, ang co-founder ng Axie University at manager sa Yield Guild Games (YGG), na halos lahat ng tao sa Cabanatuan, Nueva Ecija ay alam ang play-to-earn non-fungible token (NFT) game na Axie Infinity. 

“Dito sa Cabanatuan, big hit talaga ‘yung Axie Infinity, dito sa area namin. Hindi lang sa Cabanatuan in particular, pati sa buong Nueva Ecija.” kanyang nabanggit.

Nabanggit niya na ang pagsikat ng laro ay nagsimula nang lumabas ang artikulong isinulat ni Leah Callon-Butler, isang kolumnista mula sa major crypto news publication na Coindesk at direktor din ng consultancy firm na Emfarsis.

Si Spraky, kasama ang ibang co-founders ng Axie University, ay na-feature sa dokumentaryo ni Leah Callon-Butler, kasama ang principal consultant ng Emfarsis na si Nathan Smale. Narito ang panayam ng BitPinas sa mga Axie University co-founder.

“Kahit sinong tanungin mo rito, kung hindi sila nag-aaxie meron silang kakilalang nag-aaxie. Ganun kalaki.” sabi ni Spraky.

Nabanggit din ni Spraky na kanyang napansin ang pagkakaiba ng popularidad ng Axie sa iba’t ibang lugar na kanyang nabisita sa buong bansa, gaya ng Maynila, Boracay, at Cebu. Sa Cabanatuan, kapag tinanong mo ang kahit na sino ay maipapaliwanag nila sa iyo ang lahat ng pasikot-sikot tungkol sa Axie. Kumpara rito, kapag tinanong mo ang mga tao sa mga naunang nabanggit na mga lugar ay may maliit lamang silang ideya tungkol dito.

“Nakakatuwa rin na malaki na yung community namin dito (sa Cabanatuan).” kanyang nabanggit.

Nagbalik-tanaw siya at nabanggit na, noong nagsimula ang kanilang Axie University Guild, apat lamang ang kanilang mga iskolar. Ang kanilang scholarship program ay may sharing model na 70-30, 70% para sa isang iskolar at 30% naman para sa kanila. Nabanggit niya na para sa kanila ang laro ay “hindi lamang para sa pera kundi upang tulungan ang komunidad na matulungan ang isa’t isa”. (Dagdag babasahin: Paano magsimula ng sa Axie Infinity Scholarship)

Nabanggit din ni Spraky na sa kasalukuyan ay mayroon na silang mga affiliates na nagpapatakbo ng sarili nilang mga scholarship.

Binigyan diin niya rin na ang isa sa kanilang pioneer na scholar na si Macky, na naging parte din ng dokumentaryo, ay hindi inaasahan ang paglaki ng halaga ng Smooth Love Potion (SLP). Ang dating tricycle driver na nahirapan sa panahon ng pandemya ay nagawang makapagpatayo ng bahay para sa kanyang pamilya.

Nang tinanong namin siya tungkol sa mabilis na pagbaba at pagtaas ng presyo ng SLP, nasabi ni Spraky na mahirap asahan kung kailangan magaganap ang mga pagbabago sa presyo nito.

“At the end of the day, it’s still a game meant to be played.”(Higit sa lahat, isa pa rin itong laro na dapat paglibangan) kanyang sinabi.

Ang Pilipinas ay isa sa mga core market ng Axie Infinity. Makikita sa dokumentaryo kung gaano karaming tao sa bansa ang naglaro nito at nagawang mabago ang kanilang kinikita sa kalagitnaan ng pandemya, kung saan ang karamihan ay halos wala nang trabaho. (Dagdag babasahin: Sa dokumentaryong ito makikita ang Play-to-earn Phenomenon sa Pilipinas)

Ang BitPinas Webcast ay isang #CryptoPH Weekly Show.

I-like at i-follow ang BitPinas’ Facebook page upang mapanood ang BitPinas Webcast tuwing Huwebes, 5:00PM, PH Time.

Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Kwentong Play-to-Earn: Axie Manager Spraky: Lahat Kami sa Cabanatuan ay Alam ang Axie Infinity

Share some Bitpinas love:

Crypto and Web3 Jobs Philippines

New on BitPinas: Web3 and Crypto Job Portal

Fastbreak News:

Follow on social and subscribe to our newsletter
7 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments

[…] Also available in Tagalog: Kwentong Play-to-Earn: Axie Manager Spraky: Lahat Kami sa Cabanatuan ay Alam ang Axie Infinity […]

[…] post Kwentong Play-to-Earn: Axie Manager Spraky: Lahat Kami sa Cabanatuan ay Alam ang Axie Infinity appeared first on […]

[…] Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Kwentong Play-to-Earn: Axie Manager Spraky: Lahat Kami sa Cabanatuan ay Alam ang Axie Infinity […]

[…] post Kwentong Play-to-Earn: Axie Manager Spraky: Lahat Kami sa Cabanatuan ay Alam ang Axie Infinity appeared first on […]

[…] Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Kwentong Play-to-Earn: Axie Manager Spraky: Lahat Kami sa Cabanatuan ay Alam ang Axie Infinity […]

[…] Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Kwentong Play-to-Earn: Axie Manager Spraky: Lahat Kami sa Cabanatuan ay Alam ang Axie Infinity […]