Cryptoday 032: Eggbombs at Blackmails (Tagalog)

Share some Bitpinas love:

This opinion article is translated into Tagalog by BitPinas which is originally from Luis Buenaventura II’s Cryptoday Column here. The Tagalog versions of Cryptoday are published 1 day after the English version is out. Luis is the co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines. 

1) Matapos kong iinstall sa kauna-unahang pagkakataon ang Axie Infinity noong Miyerkules at maglaro ng mga limampung duels, ang MMR ko ngayon ay 1170. 

Ang aking Axie Infinity journey

Kailangan ko pang aralin ang laro pati na rin ang kasalukuyang meta. Minsan natatalo ako ng hindi ko alam kung bakit. Tinatawag ko pa rin ang aking beast na “the yellow one” at ang bird ng “the pink one,” doon pa lang ay alam niyo na medyo matagal pa bago ko magamay ang larong ito. Tanging ang dalawang cards lang ng signature combo ng aking team — ang Eggbomb at Blackmail — ang aking naalala. Marahil ang win-rate ko ngayon ay 45% dahil patuloy na bumababa ang aking rank. Sana lang ay matutukan kong maigi ang paglalaro ng Axie Infinity ng walang anumang umaabala sa akin, para naman maganda ang maibalita ko sa inyo sa Lunes.

Ang $YGG Token

2) Kung mayroon mang hindi bumamaba gaya ng aking MMR, ito ay ang $YGG token ng Yield Guild Games. Umakyat ang $YGG lagpas pa sa $3.50 sa kauna-unahang pagkakataon kahapon. (Ang presyo nito sa kasalukuyan ay 166.8 piso.) Ang market cap nito ngayon ay 15 bilyong piso at ang kanyang fully-dilluted valuation ay 166 bilyong piso.  Kamakailan ay inanunsyo ng Yield Guild Games na nakipagtulungan ito sa FTX, isang sikat na crypto exchange, upang makapag-sponsor pa ng mas maraming iskolar. Narinig ko din na may mas malaki pang anunsyo mula sa mga founders ng YGG na sina Gabby Dizon at Bery Li sa susunod na Linggo. 

Crypto Market News

3) Maganda rin ang pinapakitang price action ng $FTX token nitong mga nakaraang araw, dumoble ang kanyang halaga sa loob lamang ng isang buwan. Maganda rin ang pinapakita ng buong crypto market; ang kabuuang market cap ay nananatili nang mas mababa ng kaunti sa 101 trilyong piso. Marami sa mga pinakamalalaking cryptocurrencies ay dumoble rin ang halaga, ang iba naman gaya ng $ADA, $XRP, $MATIC, at kahit ang $DOGE ay umakyat ng 30%. Mukhang ang dahilan nito ay ang Ethereum hard fork noong nakaraang Biyernes. Ngayong umaga, mahigit 35,000 ETH ang natanggal na ng permanente mula sa Ethereum ecosystem

PolyNetwork Hack

4) Noong Miyerkules ay nabanggit ko ang hacking na naganap sa PolyNetwork kung saan umabot sa 30 trilyong piso ang tinangay ng hacker. Ngunit ito na yata ang pinaka-bukod tangi sa lahat ng nasaksihan ko sa mundo ng cryptobinalik ng hacker ang 17 trilyong piso na halaga na kanyang ninakaw. Ang natitira namang 13 trilyong piso ay nasa isang Ethereum address kagabi. Ngunit ngayong umaga, inanunsyo ng PolyNetwork na ibinalik ng hacker ang lahat ng natitirang assets at sa kasalukuyan ay ipinapamahagi na nila ang naisauling funds sa mga naapektuhang users.

Ang insidenteng ito ay hindi na lang ang siyang  pinakamalaking hack sa kasaysayan ng crypto, ito na rin ang hacking incident na may pinakamalaking nabawi na pera. (Hindi ko lang alam kung naibalik ba ang reputasyon ng PolyNetwork.)

105 SLP

5) Kumita ako ng 105 SLP sa unang 36 oras ko sa Axie Infinity, katumbas nito ay mas mababa lang sa isanlibong piso base sa exchange rate ng SLP at piso. Wala pa kong magandang istratehiya dahil maraming beses din akong naglaro ng walang energy sa tuwing mayroon akong tatlumpung minuto na pwedeng ilaan dito. Ngunit gayunpaman, ang isanlibong piso ay katumbas na ng isang pizza at pasta na tanghalian dito sa La Union, isang bagay na masaya kong gagawin sa kinita ko sa Axie Infinity ngayong araw.

Hanggang sa Lunes na ulit, Cryptofam! At manatili sana kayong ligtas ngayong Linggo!

This translated article is published on BitPinas: Cryptoday 032: Eggbombs at Blackmails (Tagalog)

Share some Bitpinas love:
Follow on social and subscribe to our newsletter
Subscribe
Notify of
guest
4 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments

[…] Source link […]

[…] Source: bitpinas.com […]

[…] post Cryptoday 032: Eggbombs at Blackmails (Tagalog) appeared first on […]

[…] post Cryptoday 032: Eggbombs at Blackmails (Tagalog) appeared first on […]

Luis Buenaventura II

    Luis started working in the Bitcoin space in 2014 and, with his startup Bloom, focuses on bringing the blockchain to remittance businesses around the world. He authored the book "Reinventing Remittances with Bitcoin," which collects strategies and stories about the fast-growing blockchain remittance industry. (https://bit.ly/remitbook). Bloom recently launched a new app BloomX to cater to the modern Filipino crypto investor. His writing on cryptocurrencies has been featured on online publications including Quartz, Techcrunch, and The Next Web.