Oras sa Merkado – Cryptoday 079 (Tagalog)
Nitong nakaraang Huwebes, nag-host ang mga kaibigan natin mula sa NasAcademy ng isang ‘crypto dinner’ sa BGC. Unang beses ko itong dumalo ng meetup sa loob ng nakaraang 2 taon, muntik ko na tuloyย malimutan kung gaano kasinop ang mga ganitong pagtitipon.ย
This opinion article translated into Tagalog by BitPinas is originally from Luis Buenaventura IIโsย Cryptoday Column hereย on April 23, 2022. Theย Tagalog translations of Cryptodayย are published one day or two days after the English version is out. (This one is six days later.) Luis is the country manager for the Philippines at Yield Guild Games, co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines, and founder of the Cryptopop Art Guild. For any comments and questions, please message Luis directly onย Twitter.
Bakit may mga meetup?
Sa aking palagay, may tatlong bagay na natutupad ang isang ideal na pagtitipon o meetup: (1) nagagawa mong makamusta ang iyong mga dating kakilala, (2) nakakapag sagawa ka ng mga agenda-driven na micro-meetings sa iyong mga partners, at (3) nakakasagap ka din ng mga interesanteng proyekto mula sa mga newcomers. At dahil inaasahan na maging ‘mobile’ ang mga tao sa mga ganitong pagtitipon, nagaganap ang mg nabangit na aktibidad sa loob lamang ng maliliit na 10 minutong pag uusap. At kung epektibo mo itong nagagawa, makakaasa ka na makausap ang lahat ng dumalo sa loob lamang ng 2 oras.
Kahalagahan ng mga meetup
Maaring magulat ang ilang mambabasa kapag nalaman nila na ako mismo ay hindi ganoon kakomportable pagdating sa ganitong mga social gathering. Minsan nga ay kailangan ko pang pilitin ang sarili ko upang dumalo sa mga ito.
Sa kabilang banda, halos lahat ng malalaking career milestone ko ay maaaring nagmula sa mga pagtitipong tulad ng mga ito. Kaya dapat ay hindi na ako magreklamo pa.
Isang halimbawa nito: ang regular kong pagdalo sa mga Bitcoin meetup sa San Francisco noong 2017 ang dahilan kung paano ako napasali sa grupo ng mga kauna-unahang NFT artist sa mundo para sa CurioCards collection.
Sa pangkalahatan, halos lahat ng cofounder at investor na aking nakatrabaho ay una kong nakilala sa mga ganitong klase ng meetups. Ang mahalagang aral sa kwentong ito ay: kailangan mo lang dumalo! Kung consistent mo itong ginagawa at nananatili kang naka-focus, maaari mong magamit ang mga meetup na ganito upang isulong ang iyong mga agenda sa paraang hindi mo magagawa online.
Ang Oras sa Merkado
May kasabihan na lagi naming inuulit sa crypto world: Ang ‘timing’ sa market ay hindi kasing importante ng oras o ‘time’ sa market. Ano ang ibig sabihin nito? Madalas tayong nakikipagtalo kung kailan nga ba ang pinakamainam na oras sa pagpasok sa crypto. Maganda bang pasukin ito ngayong linggo? Maghintay nalang ba ako sa susunod na dip? Huli na ba ako para sa masabay sa wave?
Kahit magaganda ang intensyon ng mga tanong na ito, madalas ay mas mahalaga o importante pa rin ang simpleng pagbili, pag-hold, at pag-participate sa community.
Kahit na marami ng kaganapan sa mundo ng DeFi, NFTs, P2E, atbp, nananatili paring dominant cryptocurrency ang Bitcoin, at dominant smart contract platform naman ang Ethereum. Bakit? Dahil ang oras o ‘time’ ang tunay na nag iisang pinaka salat na resource. Kahit na ano pa mang uri ng leverage o pamamaraan mula sa staking-rewards handbook ang gamitin, ang mga bagong proyekto ay mahihirapang tapatan ang dekada ng pagkaka posisyon. (Sa madaling salita: HODL > BTFD.)
Para sa mga bago sa crypto
Ang ibig sabihin ba nito ay wala ng tyansa ang mga baguhan sa merkado? Syempre hindi! Sa dami ng bagong ideya sa ngayon, mananatili lagi ang oportunidad na makasabay sa isang bagong proyektoย na maaaring bumago sa buhay mo. Ngayong linggo lang, halimbawa, nakita natin na nagawang malampasan ng $GMT2 ang $1B mark nito sa daily trade volume. Isa na ito ngayong sa ‘Top 5 Most Traded Crypto’ sa spot market. Hindi rin ito ang unang pagkakataon – ito ay regular na nitong nagagawa simula pa lamang ng unang ilabas ito sa Binance Launchpad noong Marso 1. Ang $GMT2 (Green Metaverse Token) ay ang governance token ng Stepn, isang move-to-earn project sa Solana na nagbibigay ng crypto rewards para sa iyong pisikal na paglalakad at pagtakbo. Lumago na ang token nito ng mahigit 3,000% mula sa nakaraang 60 araw. Kahit ang mga fitness buffs ay nagsisimula narin na matuklasan ang alpha!
Luis x Nas Academy
Hindi ko ito madalas na pino-promote, subalit ang aking cryptocurrency beginner course sa Nas Academy (https://nasacademy.ph/luisygg) ay kasalukuyan ng online at tumatanggap ng signups! Nakita ko na ang mga finished course materials at masaya ako sa naging resulta. Namimigay kami ng scholarship para sa course na ito sa pakikipagtulungan ng PDAX. Kaya naman kung ikaw ay magsa-signup sa https://nasacademy.com/PDAX_Scholarship_Form, maaari mong ma-access ang kurso ng libre! Hindi mo na kailangan pang magbayad ng 1,250 pesos na fee!
Pasensya na kayo kung medyo maikli ang ating newsletter ngayong araw mga ka-crypto, babawi ako sa mas mahaba at mas magandang ulat sa susunod. O baka magkita tayo sa susunod na meetup ๐
This article is published on BitPinas: Oras sa Merkado – Cryptoday 079 (Tagalog)