Bakit Hindi Gagana ang Pagboto Gamit ang Blockchain? – Cryptoday 082 – Tagalog

Share some Bitpinas love:

Originally published in English on May 9, 2022.

Ngayong nangyayari ang presidential election sa Pilipinas, may binuhay muling usapin tungkol sa kung paano natin magagamit ang blockchain tech upang mai-store ang ating boto bilang isang paraan para isulong ang transparency at mabawasan ang posibilidad ng dayaan. Itong bagong post sa BitPinas ay naglalaman ng ilang interesanteng mga ideya patungkol usaping ito. Nagsama rin sila ng ilang mga gumaganang halimbawa ng blockchain-based election. Ngayon, hindi naman lingid sa lahat na ako’y isang malaking fan ng crypto at blockchain. Kaya paniwalaan niyo ko kapag sinabi kong hindi ko gustong sabihin ang susunod ninyong mababasa ngunit isusulat ko pa rin: ang blockchain-based voting ay hind gagana

Pag-usapan natin kung bakit.

The Tagalog translations of Cryptoday are published after the English version is out. Luis is the country manager for the Philippines at Yield Guild Games, co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines, and founder of the Cryptopop Art Guild. For any comments and questions, please message Luis directly on Twitter.

Dapat Online ang Blockchain Voting

Kung magkakaroon ng bagong proseso ng botohan na nakabase sa blockchain, dapat ito ay gawin online. Ito ay para bigyang kakayahan na makaboto ang mga Pilipinong nasa bahay o nasa ibang bansa. 

Kahit karamihan na sa mga Pilipino ngayon ay may Android phone, kakailanganin pa rin siguro ng mga voter precinct sa mga low-income area at sa mga malalayong lugar. Pero sa parte ng populasyon na may smartphones at may access sa internet, pwede na silang mag-download ng isang app na tulad ng Metamask na mayroong custom-built na voting dApp (decentralized app) na naka-integrate dito.

Maganda kung Open-Source ang dApp

Magiging ideyal ito kung ang code para sa dApp ay open-source. Ito ay para bigyang kakayahan ang mga interesadong developers na reviewhin at i-audit ang app at makatulong sa pagtukoy ng kahit anong isyu sa seguridad. 

Ngunit sa totoong buhay, medyo malabo itong mangyari dahil kahit anong kompanya na bubuo ng ganito kahalagang bagay ay maghahangad ng long-term na mga economic reward kapalit ng kanilang pinagtrabahuhan. Kaya ito ang unang magiging pagsubok: upang ang isang bagay na ganito ay maging katiwa-tiwala, ang code dapat ay open-source, mao-audit at higit sa lahat, ligtas sa ano mang panganib sa seguridad.

Anong Gagamiting Blockchain sa Araw ng Eleksyon?

Sa araw ng eleksyon, ang lahat ng 43M na rehistradong botante ay dapat mag-log in sa app, i-enter ang kanilang credentials na binigay ng COMELEC, at simulan ang pag-cast ng kanilang digital ballot. Ang bawat balota ay naka-encypt sa app-level, ang data packet ay ita-transmit sa COMELEC server, at ang lahat ng ito ay ide-decrypt, itatago sa isang buffer database, at sa huli ay isusulat sa blockchain. 

Kahit na mayroon lang isang blockchain transaction sa kada balota, ipinahihiwatig nito na kailangan natin gumamit ng isang public blockchain na kayang humawak ng ‘di bababa sa 1000 transaksyon kada segundo (tps). 

Samakatuwid, hindi na agad pupuwede ang marami sa mga sikat na blockchain, kahit pa ang Solana na kaya daw magsagawa ng halos 60,000 tps (transactions per second). (Nitong nakaraan lamang, nagawa nitong makapagproseso ng 4M na transaksyon sa loob lang ng maikling panahon. Subalit ang buong network ay nag-crash at naging inaccessible sa loob ng 7 oras.)

Pero sandali! Kung ikaw ay isang totoong blockchain enthusiast, mapapansin mong ginawa ko ang “Cardinal Sin of Centralization” sa iminungkahi kong proseso sa itaas. Ang voting data ay dapat ‘di mapunta sa COMELEC server kahit kailan. Kailangan ito ay direktang isulat sa blockchain mula sa apps ng mga user. Ang COMELEC ay nandoon lamang para i-verify ang credentials ng mga botante at siya ring magsagawa ng huling pagbibilang. Sa katunayan, ang pag-store ng boto sa public blockchain ay nangangahulugang ang bawat isa ay makakakuha ng real-time na impormasyon sa nagaganap na bilangan. Ibig sabihin, ang official announcement mula sa COMELEC ay pormalidad lamang. 

Ngayon, maaari na nating pagtalunan kung okay ba sa mga ahensya ng gobyerno na makuha sa kanila ang kapangyarihan sa pamamagitan nito, pero kung tutuusin ito ang tamang paraan sa pag-design ng solusyon para sa blockchain voting. Dapat tanggalin nito ang middleman at bigyan ang end-user ng direktang koneksyon sa resource na gusto niyang ma-aacces. Ito ang point ng pag-decentralize ng kahit anong proseso na may blockchain tech.

Ating reviewhin ang nabanggit kong proseso sa itaas. Sa teorya, mayroon tayong isang open-source, ligtas at transparent na dApp kung saan magagawang maglog-in ng mga user gamit ang mga COMELEC credential at direktang mag-cast ng kanilang balota sa pamamagitan ng pag-store ng record sa isang napakabilis na blockchain. 

Ang nakakalungkot lang, kahit na makamtan ang lahat ng parameter na ito, mabibigo pa rin tayo gawin ang solusyon na ito sa halalan.

Bakit? 

Ito ang tanong: paano natin malalaman kung ang isang digital vote ay na-cast ba ng taong tunay na nagmamay-ari ng botong ito? Ang mga credential – ang username, password, private keys, biometrics – ay pwedeng ibenta at ipagbili sa black market tulad rin ng ginagawa sa ibang mga digital asset. Huwag nating kalimutan na nawala na noon ng COMELEC ang ating mga data: noong 2016, 55 milyong impormasyon ng mga botante ang nai-download ng sapilitan mula sa kanilang server, at ito ay isinapubliko ng Anonymous Philippines. Hindi ka matutulungan ng blockchain kung ang pagkukulang ay nangyari sa user-level. Ito ay dahil wala pang kinalaman ang blockchain hanggang sa oras na sinimulan nang ii-store ang data sa kanila.

Wala sa Blockchain ang Problema

Ngayon, maaaring ipinagpapalagay mong inilalabas ko ang kahinaan ng kabuuang sistema, pero ang kahinaang ito ay hindi kasalanan ng blockchain. At ito, para sa aking mga mambabasa, ang pinakapunto. 

Ang rason kung bakit ang blockchain-based voting ay hindi maaaring gumana ay dahil hindi masosolusyunan ng blockchain ang pangunahing problema ng lahat ng mga voting platform na online-based: Ang maaari lang nilang gawin ay i-verify kung ang mga username at password na ibinigay ng mga user ay tama, pero hindi nila mabe-verify kung SINO ang mismong taong nag-type nito (… o kung sino ang nagbayad sa kanila). Tinatawag ito sa larangan ng computer science na “Data Orcale Problem” kung saan ang blockchain ay dapat nakasalig pa rin sa “totoong mundo” upang magawa nitong gampanan ang mga function nito sa totoong buhay tulad ng botohan o logistics. Ito ay isang malaking kahinaan, dahil ang blockchain ay kinokonsiderang 100% mapagkakatiwalaan kapag ang lahat ng kanilang data ay napananatili sa loob nito.

Kung ikaw ay interesado sa isang mas masusing perspektibong pang-akademya, naglathala ang mga MIT researcher ng isang makaagaw-atensyong papel ilang taon na ang nakalilipas, na pinamagatang “Going from Bad to Worse: From Internet Voting to Blockchain Voting” na sinasabing “blockchain-based voting would come at the cost of losing meaningful assurance that votes have been counted as they were cast, and not undetectably altered or discarded.”

Nagmumukha itong kabaliktaran ng sinasabi ng maraming blockchain diehard, hindi ba? Sa kasamaang palad, marami sa mga pangakong madalas nating naririnig tungkol sa blockchain ay hindi napapanindigan kung technical execution ang pag-uusapan. 

Sa ngayon, mukhang pipila pa rin tayo sa mga susunod na halalan para i-cast ang ating balota. Magkita-kita ulit tayo sa susunod na sabado, mga ka-crypto!

This article is published on BitPinas: Bakit Hindi Gagana ang Pagboto Gamit ang Blockchain? – Cryptoday 082 – Tagalog

Disclaimer: BitPinas articles and its external content are not financial advice. The team serves to deliver independent, unbiased news to provide information for Philippine-crypto and beyond.

Share some Bitpinas love:
Follow on social and subscribe to our newsletter