Advertisement PDAX Banner

10 Clean NFT’s sa Tezos na Dapat Mong Malaman (Tagalog)

Photo for the Article - 10 Clean NFT’s sa Tezos na Dapat Mong Malaman (Tagalog)

Mabilis na nakikilala ang Tezos bilang ‘blockchain of choice’ para sa mga artist at creative na nais mag-‘mint’ ng kanilang mga digital art, music at iba pang malikhaing gawa bilang mga non-fungible tokens (NFTs). At ngayon, ang mga malalaking brands mula sa Formula 1 maging sa larangan ng Fashion ay nagsisimula ng lumahok dito.

Passion Economy – ang katagang ginamit ng venture capitalist na si Li Jin noong 2019, ay ang makabagong ‘attention economy’. Binibigyang kakayahan nito ang mga digital artist na mapagkakitaan ang kanilang mga likha kasabay ng kanilang pagbibigay sa kanilang mga tagahanga ng access sa kanilang mga idolo gamit ang mga bukod-tanging online memorabilia.

Hindi lamang ang mga papasikat pa lamang na mga artist ang tumatanggap sa Tezos blockchain. Nitong 2021, inanunsyo ng Christie’s ang kanilang non-fungible token sales na umabot sa $150 million. Ito ang pinakamataas na sale ng kilalang auction house sa loob ng nakaraang limang taon.

At nagsisimula na ring maunawaan ng mga global brands at events na marami pang benepisyo silang mapapakinabangan dito maliban sa paglahok sa NFT bandwagon. Mga benepisyong makakamtan sa pagpili ng tamang blockchain solution, kasama na rito ang environmental factor.

Sa loob ng isang taon, tinatayang aabot lamang sa 0.0001 TWh ang energy consumption gamit ang energy=efficient na Proof of Stake design ng Tezos Network. Malinaw na ang pag-‘mint’ ng mga NFT gamit ang Tezos ay hindi lamang nakabubuti sa kalikasan, kundi mas makakamura din para sa mga creators.

Photo for the Article - 10 Clean NFT’s sa Tezos na Dapat Mong Malaman (Tagalog)

1. OneOf.com, Mayo 2021

Advertisement PDAX Banner

Ang OneOf ay gumagamit ng halos 2 milyong beses na mas kaunting enerhiya kada NFT kumpara sa ibang platforms. Binibigyan din nito ang mga pop culture at sports fanatic ng pagkakataon upang makapag-bid o makabili ng mga digital piece ng music at sporting history.

Sa ‘generation-agnostic’ na marketplace na ito matatagpuan ang NFT ng 216 Sports Illustrated cover ni Muhammad Ali. 

Narito rin ang ‘Gravity, ang rare diamond-tier NFT ng Ben Ditto artworks, kung saan makikita ang creative direction ng pop start na si Pia Mia, at ang itim na Gibson ES-335 gloss acoustic electric guitar na may pirma ng Rolling Stones legend na si Keith Richards, kasama ng four-second NFT ni Richard habang pinipimahan nya ang nasabing gitara sa Germano Studio sa NYC. 

Dahil $0 ang minting cost dito, ang mga fans na may iba’t ibang budget level ay magagawang makakunekto sa kanilang mga paboritong musicians at sporting legends. Ang mga users ay maaaring makabili o makapagbid sa mga NFT gamit ang kanilang mga credit cards.

Photo for the Article - 10 Clean NFT’s sa Tezos na Dapat Mong Malaman (Tagalog)

2. Red Bull Racing, Disyembre 2021

Ang kilalang extreme sports brand ay naglabas ng range ng iba’t ibang digital collectibles bilang bahagi ng kanilang pagdiriwang nga kanilang star champions. Sa halagang $399, maari ka ng magkaroon ng sarili mong kopya ng video montage ng Red Bull Racing driver at Formula 1 World Champion na si Max Verstappen.

 3. Ubisoft Quartz, Disyembre 2021

Ang Ubisoft Quartz ang NFT marketplace platform ng kilalang gaming giant. Ang ‘Tom Clancy’s Ghost Recon Breakpoint’ ang pinakabagong laro nilang nilabas, ang nagtatampok ng mga collectible digits na maaaring magamit ng mga players in-game upang bumili, magpalitan, o makapag benta. Nakakapagbigay ang playeble digits ng mas enhanced mission experience. Inilabas ang mga ito sa mga limited edition batches, natatandaan din ng mga ito ang pangalan ng kanilang owner, at nagpapakita ng engraved na serial number.

4. Mike Shinoda – Ziggurats, Disyembre 2021

Si Mike Shinoda ay isang Amerikanong artist na kilala bilang singer, songwriter, musician, rapper, at record producer – at ang may gawa ng ziggurats, ang unang henerasyon ng NFT mixtape na inilabas sa Tezos. Ipinangalan ito mula sa sinaunang Mesopotamia na multi-layered temples na kung saan ay pinaniniwalaang naninirahan ang mga Diyos sa tuktok ng mga ito. ANg Koleksyong ito ng 5,000 bukod-tanging audio at visual NFT ay nagmula sa art at music ni Shinoda at mayroong iba’t ibang level ng rarity.

5. McLaren, Enero 2022

Ang McLaren Racing Collective ang nagbibigay kakayahan sa mg Formula 1 Fans na makita kung ano ang ‘under the hood’ at makabuo din ng digital imprint ng kanilang 2021 Monaco Grand Prix Classic na ‘the Guld Liveried MCL35M. Kasama sa experience na ito na kolektahin ang lahat ng 22 NFT digital pieces at virtually ay makabuo ng nasabing kotse mula sa iba’t ibang piyesa nito. Ito ang ikalawang labas ng ganitong klaseng virtual release. Kinakailangang magunahan ang mga kolektor upang makumpleto ang build na ito. Para sa hindi makakaabot sa deadline, ang mga future drop ang magbibigay sa kanilang ng sunod na pagkakataon na mabuo ito.

6. The GAP, Enero 2022

Sa kanilang simpleng misyon na matulungan ang Gen X na makahanap ng tamang pares ng jeans para sa kanila, sinusubukang abutin ng kilalang fashion label ang mga Gen z sa pamamagitan ng kanilang GAP Threads NFT. Gamit ang temang ‘be yourself’, kabilang sa kanilang offerings ang animation ni Brandon Sines na tinatawag na ‘Make your Mark’, nagtatampok ito ng dalawang deep thinking na existentialist, Franke Ape, at ang ‘The Buffer’, sa kanilang pag uusap tungkol sa kalayaang ng sariling pagpapahayag. Paano ito nakakatulong na makabenta ng jeans at shirt? Ang auction winner ay makatatangap ng limited edition Frank Ape X Gap – Always play na hoodie at sulat kamay na note mula kay Sines.

7. DOGAMI, Pebrero 2022

Photo for the Article - 10 Clean NFT’s sa Tezos na Dapat Mong Malaman (Tagalog)

Ang DOGAMI ang kauna-unahang mass-market NFT para sa play-to-earn na AR mobile game, kung saan mag adopt ka at magpapalaki ng sarili mong 3D na aso upang kumita ng $DOGA mula sa ‘Petaverse’. Kinikilala sila bilang kauna-unahang petaverse’ at powered ng Tezos, ang mga player ay maaaring kumolekta, magpalaki, at makipagpalitan ng kanilang ‘pampered pooches’ bilang NTFs. Naglabas ang Dogami ng 8,000 NFTs noong katapusan ng Pebrero, na sold out na sa ngayon. At kamakailan ay nag-anunsyo ang proyekto ng kanilang partnership sa ‘The Sandbox’ upang magamit ang DOGAMI avatars sa The Sandbox metaverse.

8. Cleveland Cavaliers, Pebrero 2022

Photo for the Article - 10 Clean NFT’s sa Tezos na Dapat Mong Malaman (Tagalog)

Inilunsad ng NBA basketball team na Cleveland Cavaliers ang kanilang ‘clean NFT platform’ na nagbibigay sa kanilang fans ng kakayahang lumikha ng kanilang sariling digital locker at kumolekta ng kanilang digital pieces. Inimbitahan nila ang kanilang mga fans sa pagbubukas ng kanilang virtual ‘my cavs locker NFT. Nagbibigay ito ng access sa kanilang mga digital collectibles – gaya ng ‘sensational pass; ni Kevin Love kay Cedi Osman para sa isang 3-pointer shot. Sa kabuuan ng kanilang season, mas maraming fan rewards at hidden treasures ang kanilang ilalabas upang mapanatili ang engagement at ang kanilang peak performance level.

9. Kia and Robo Dog, Pebrero 2022

Inilabas ng Kia America ang kanilang kauna-unahang NFT drop base sa kanilang Robo Dog, ang karakter na tampok sa Super Bowl LVI ad ng kilalang automotive giant na ito. Sampung libong Robo Dog NFT na mayroong predetermined na breed, edad, laki, kasarian, coat length at kulay ang inilabas sa kanilang ‘first-in basis’ nitong Pebrero ng 2022. Dinisenyo ito upang gayahin ang dog ownership sa tunay na mundo kung saan ang mga mas matatanda at mas malalaking mga aso ay hindi masyadong sikat. Ang mga robo dogs NFT na may mga ganitong katangian ay mas ‘rare’. Ang kita mula sa drop na ito ay mapupunta sa Petfinder Foundation.

10. Papa Johns Pizza, March 2022

Isa sa pinakasikat na pizza outlet sa buong mundo ay naglabas ng kanilang sariling NFT series sa Tezos – ang pinakamalaking NFT giveaway sa ngayon. Ang koleksyon ng 19,840 NFT ‘hot bags’ ay ipinamigay ng libre sa mga customers na umorder ng pizza sa Papa John. Inipadala ang mga ito sa nominated Tezos Wallet ng kanilang mga customer. Bakit 19,840? May mahalagang kahulugan ang numerong ito sa Papa Johns dahil ang kanilang kumpanya ay itinayo noong 1984.

This article is translated in collaboration with TZ APAC: 10 Clean NFT’s sa Tezos na Dapat Mong Malaman