Advertisement PDAX Banner

Limang (5) Play-to-earn Games na Dapat Bantayan Ngayong Oktubre

Translated by Arzen Ong from: 5 Play-to-Earn Games to Watch in October published on Oct. 15, 2025.

Dahil na rin sa patuloy na pagyabong ng cryptocurrency market, ang BitPinas ay narito para magbahagi sa inyo ng limang Play-to-earn games na dapat nyong bantayan ngayong Oktubre.

Photo for the Article - Limang (5) Play-to-earn Games na Dapat Bantayan Ngayong Oktubre

STAR ATLAS

Ayon sa Play to Earn Online Magazine, ang Star Atlas ay kabilang sa mga pinakaaabangan na blockchain-powered space games sa ngayon. Maliban sa pagiging isang laro sa loob ng Solana Blockchain, ipinagmamalaki din ng larong ito ang paggamit ng high-end technology gaya nga Unreal Engine 5.0 para sa kanyang graphics. Pinapangatawanan ng mga developers nito ang pagtawag nila sa kasalukuyang buwan bilang ‘High-Octane October’ sa kanilang paglalabas ng mga development updates tungkol sa mga aspeto ng laro, gaya ng player faction, mga mini-games, at dalawang bagong ships na kanilang inilabas bilang ‘on sale’ noong nakaraang a-siete (7) ng Oktubre.

Ang layunin ng Star Alus ay lumikha ng isang galactic space opera MMO kung saan may kontrol ang mga players nito sa mga merkado at sa galaw ng mga produkto sa loob ng laro. Nais din nila na maging natural ang pagkakabuo at paglakas ng mga factions sa laro, pati na rin ng kanilang pagbagsak. Nais nila na mangyari ang mga ito ng dahil sa natural na paglalaro ng mga players at hindi dahil sa sumunod lamang ang laro sa isang pre-determined na script.

Inihayag din ni Mike Wagner, ang Star Atlas Chief Executive Office (CEO), na ang play-to-earn game na ito ay mas kumplikadao kaysa sa inaakala ng lahat.

Advertisement PDAX Banner

Ang Star Atlas ay isang MMO na naka-set sa taong 2620. Kolonisado na ang buong universe at nahahati ito sa iba’t ibang nagtutungalian na mga grupo. May tatlong ‘faction’ ang kasalukuyang namamahala sa mga teritoryo, habang sa mga madidilim at mga kubling sektor ng kalawakan ay may mga lihim na naghihintay matuklasan. Ang mga players ay maaring magkaroon ng in-game currency ($ATLAS at $POLIS) na mayroong iba’t ibang paraan ng paggamit gaya ng pambili ng mga bagong ‘ships’, space stations, at maging ‘lands’, at maaari din nila itong gamitin sa kanilang mga โ€˜in-game missionsโ€™.

AAVEGOTCHI

Photo for the Article - Limang (5) Play-to-earn Games na Dapat Bantayan Ngayong Oktubre

May malaking papel na ginagampanan ang Aavegotchi sa pagsikat sa merkado ng mga ‘pixelated ghosts’ ngayong Oktubre salamat na rin sa kanilang matagumpay na kauna unahang ‘land sale’. Nariyan din ang Rarity Farming na tumutulong sa lalong pagsikat ng Aavegotchi.

Ayon sa ulat, magkakaroon lamang ng kabuuang 20,000 REALM parcels na ibebenta sa merkado (kasama na dito ang mga โ€˜Gotchi raffle ticketsโ€™).

Hindi nagtagal ang sale ng NFT ng Aavegotchi at agad din itong nag ‘sold-out’. Hindi kata-taka kung bakit maraming investors ang naglabas ng malaking halaga para makapag invest dito. Dahil narin sa dami ng tao na gustong magkaroon nito, mataas ang posibilidad na aangat ang halaga ng mga NFT nito sa hinaharap.

Ang mga Aavegotchi ay mga rare crypto-collectible na nasa loob ng Ethereum blockchain. Ang mga ito ay backed ng ERC721 standard tokens na popular sa mga blockchain games gaya ng Crypokitties, Axie Infinity, at Cryptovoxels. Ang kwento ay mga multo daw ng yumaong liquidated yield farmers ang mga Aavegotchi, na nagbabalik upang bigyan ng dangal ang kanilang mga pamilya. Maraming innovations ang dala ng Aavegotchi pagdating sa blockchain gaming sphere, kasama na dito ang DeFi Token, collateral stakes, dynamic rarity, rarity farming, DAO-governed game mechanics, at open metaverse na mayroong smart contract interoperability at in-world town hall style na voting system. Gaya ng pagpapakilala sa atin ng orihinal na Tamagotchi sa mundo ng digital pets, ipinakilala naman tayo ng Aavegotchi sa mundo ng playable NFT, na mayroong digital value.

Pinaghahalo ng Aavegotchi ang DeFi at financial assets ng gaming at play-to-earn.

VOXIE TACTICS

Photo for the Article - Limang (5) Play-to-earn Games na Dapat Bantayan Ngayong Oktubre

Ang Voxie Tactics ay isang Tactical RPG kung saan maaari mo itong laruin kalaban ang computer A.I habang iyong nilalakbay ang mundo ng Voxtopia. Maaari din itong laruin kalaban ang ibang players sa PVP Arena.

Itinatampok ng Voxie Tactics ang ‘true player ownership’ kung saan maaaring kumita ang mga players nito ng cryptocurrency at in-game NFT items na maaaring ibenta o i-trade.

Ang Voxie ay isang NFT project sa Ethereum Blockchain. Ang mga Voxie ay pinaghalo-halong na mga cute na voxel characters, kaibig-ibig na personalidad, at collectible NFT technology. Mayroon itong 10,000 unique at individual na voxel characters at ito din lang ang bukod tanging fully animated 3d na NFT collectible. (Voxies.io’s “About Voxies” section)

Ang Voxie Tactics game demo ay lalabas sa Oktubre 22, 2021.

SPLINTERLANDS

Photo for the Article - Limang (5) Play-to-earn Games na Dapat Bantayan Ngayong Oktubre

Ayon sa data ng DappRadar, ang Splinterlands ang pinaka aktibong app noong nakaraang Setyembre.

Ang staking ng SPS token ang magbibigay ng VOUCHER token ngayong Oktubre. Ang VOUCHER tokens ay kinakailangan upang makabili ng card packs sa Splinterlands: Chaos Legion expansion set.

Ang Splinterlands ay isang collectible trading multiplayer card game na dinisenyo upang maging parang halo ng ‘pokemon card game’ at ‘World of Warcraft’ Characters. Ang kwento ng laro ay dinivelop base sa mundo ng hiwaga. Pasukin ang laro, sakupin ang mundo at tapusin ang paglalakbay. (DappRadar’s “What is Splinterlands?” section)

At kahit mataas ang hype ng Splinterlands sa ngayon, hindi pa rin nila sinisumulan ang kanilang ‘land gameplayโ€™. Marahil ilabas nila ito sa 2022.

GUILD OF GUARDIANS

Photo for the Article - Limang (5) Play-to-earn Games na Dapat Bantayan Ngayong Oktubre

Ang Splinterlands ay isang collectible trading multiplayer card game na dinisenyo upang maging parang halo ng ‘pokemon card game’ at ‘World of Warcraft’ Characters. Ang kwento ng laro ay dinivelop base sa mundo ng hiwaga. Pasukin ang laro, sakupin ang mundo at tapusin ang paglalakbay. (DappRadar’s “What is Splinterlands?” section)

At kahit mataas ang hype ng Splinterlands sa ngayon, hindi pa rin nila sinisumulan ang kanilang ‘land gameplayโ€™. Marahil ilabas nila ito sa 2022.

GUILD OF GUARDIANS

Ang Guild of Guardians ay isang Mobile RPG kung saan maaaring maging ‘assets’ ang gaming passion ng mga players nito. Ito ay magiging multiplayer, fantasy, action RPG kung saan ang players ay maaring lumikha ng kanilang dream team ng mga ‘Guardians’ at makipag labas sa mga Guilds upang makakuha ng mga epic rewards. Ang Guild of Guardians at nilikha ng Stepico at ipinublish ng Immutable. Ang Stepico games ang nangungunang Ukrainian game development studio na binubuo ng mahigit 80 designers, artists at developers. Nakapag develop na sila ng iba’t ibang mobile titles sa ‘strategy’ at ‘RPG’ space. Ang mga games nila ay nakatanggap na ng mahigit 5 milyong downloads sa pangkalahatan. Ang Immuitable ay ang industry-leading na $17M VC-funded blockchain company na sinusuportahan ng mga investors gaya ng Naspers, Galaxy Digital at Coinbase. Sila ang responsable sa paglabas ng pinaka matagumpay na blockchain Trading Card Game na โ€˜God’s Unchainedโ€™, na pinangunahan ni Chris Clay, ang dating direktor ng ‘Magic the Gathering: Arena’. (DappRadar’s “What is Guild of Guardian?” section)

Nitong nakaraang Hulyo 2021, umabot sa 133,270 users ang nag โ€˜fill-upโ€™ ng pre-game registration para sa larong ito ayon kay Derek Lau, ang Game Lead ng laro.

Ito ang limang play-to-earn games na maaaring bumago at magkaroon ng malaking impluwensya sa blockchain gaming world sa mga susunod na araw. Kaya makabubuti kung tayo ay mag ‘watch, look, & listen’ pagdating sa mga balita at developments tungkol sa mga larong ito.

Ang play-to-earn games ay mga online na laro kung saan maaaring kumita o magkaroon ng rewards ang mga players sa paglalaro nito. Ang mga rewards ay kadalasang ipinapalit para sa fiat currency o lokal na pera. (Dagdag na babasahin: Play-to-earn articles sa BitPinas)

Ang pinakapopular na play-to-earn games sa ating bansa sa ngayon ay ang โ€˜Axie Infinityโ€™, kung saan 40% ng kabuuang players nito ay nasa Pilipinas.

Ang ilan pa sa mga kilalang play-to-earn games, ayon na rin sa Coin Market Cap, ay ang CryptoBlades, Plant vs Undead, Forest Knight, Killa Koliseum, Elementos, Dvision Network, Metalands, at Pet Games.

Mayroon ka bang iba pang play-to-earn games na kasalukuyang nilalaro o tinututukan? Ipaalam mo sa amin sa comments sa ibaba.

Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Limang (5) Play-to-earn Games na Dapat Bantayan Ngayong Oktubre

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.