Cryptoday 055 – So Meta!
Inanunsyo ng Facebook ngayong araw na sila ay opisyal na magpapalit ng kanilang pangalan bilang ‘Meta’, isa itong rebranding na magpo-posisyon sa kumpanya ni Zuckerberg bilang nangungunang pangalan sa metaverse kontra sa kanyang kompetisyon. Mga ilang linggo na ang nakakaraan ng mabangit ko ang posibilidad ng pagbabago ng kanilang pangalan bilang “Meta, Inc” dahil ito ang tipo ng pangalan na gagamitin ng Facebook upang ipahiwatig ang lawak ng ambisyon nito.
This opinion article translated into Tagalog by Arzen Ong of BitPinas is originally from Luis Buenaventura II’s Cryptoday Column here. The Tagalog translations of Cryptoday are published 1 day after the English version is out. Luis is the country manager for the Philippines at Yield Guild Games, co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines, and founder of the Cryptopop Art Guild. For any comments and questions, please message Luis directly on Twitter.
Ang Konsepto ng Metaverse
Para sa ating mga mambabasa, hindi na bagong konsepto ang metaverse. Karamihan sa atin ay personal na nakaranas ng ganitong konsepto nitong mga nakaraang taon, gaya na lamang ng mga P2E games, o ang pag-’farm’ ng ‘yield’ sa mga DeFi pool. Ano naman ang pagkakaiba nito sa mga nakasanayang pamamaraan ng pagkita ng pera? Kung ikaw ay kumikita ng $$$ mula sa Twitch Streaming, o sa pag de-design ng mga logo sa Fiverr, o kaya ay sa pagbebenta ng mga Gadgets sa Lazada, ang ibig sabihin ba nito ay kabilang ka na sa metaverse? Ang sagot ay hindi, dahil ang kabayaran na iyong nakukuha ay galing pa rin sa conventional currencies.
Ano ang Metaverse at Hindi Metaverse
Ang pinakamadaling paraan upang masabi natin na ang isang bagay ay nagaganap “sa loob ng metaverse” ay kung (a) ang bagay ba na binabayaran ay ‘digital’ at ‘online’, at (b) kung ang presyo nito ay binabayaran gamit ang cryptocurrencies. Simple man ang depinisyon na ito pero makatitiyak tayo na ito ay napapanahon dahil ang ‘ultimate vision’ para sa metaverse – ang mabuhay at kumita sa virtual reality – ay hindi pa naman ganap na nangyayari sa ngayon. Madalas ay mas madaling tukuyin ang mga bagong bagay sa pamamagitan ng pagtukoy kung ano ang mga ‘hindi’ nito ginagawa.
Pag usapan natin ang ilang halimbawa nito. Kapag nagbenta ka ng NFTart sa Opensea para sa ETH, ang transaksyon na ito ay nagaganap sa Metaverse. Kung ikaw ay nag-benta ng damit sa Threadless para sa USD, ang transaction na ito ay ay nagaganap sa “meatspace”, na isang cyberpunk term na nangangahulugang “real world” o totoong mundo.
Kapag nagbenta ka ng NFTart kapalit ng pesos, tumatawid ka sa pagitan ng Metaverse at ng meatspace. Kapag naglaro ka ng Axie Infinity at kumita ka ng SLP, ikaw ay kumikita sa Metaverse, at tumatawid ka naman sa meatspace kapag ipinalit mo na ang iyong SLP sa PHP.
Kung ikaw ay kumikita mula sa iyong subscribers sa Twitch o Facebook Gaming, ito ay meatspace. Kahit na ang content na ginagawa mo ay online lamang, ang iyong kita at ang denominasyon nito ay fiat currencies. Ang mga pagkakaibang ito ay hindi lang nakasalalay sa kanilang kahulugan! Ang SLP na iyong kinita mula sa Axie Infinity ay hindi na mababawi sayo kapag pumasok na ito sa iyong wallet. Pero kung ang kita na ito ay napunta sa isang centralized wallet system (gaya ng Paypal, GCash, Paymaya, o Unionbank), may kapangyarihan sila na i-freeze ang iyong pondo kung hindi susunod sa kanilang mga alituntunin.
Ang Metaverse ay parang “pagbalik” sa panahon kung saan may direktang kontrol at pag aari sa lahat ng iba’t ibang asset at pera na kinikita ng mga tao. Isa itong konsepto na unti unting nawawala sa patuloy na pag usbong ng digitization at regulations sa ating sistema. (Ang ‘The Verge’ ay may isang magandang panimula tungkol sa vision ng mas malawak na metaverse dito.)
Adobe Photoshop X NFT
Dahil napag-uusapan natin ang NFTart, nitong simula ng lingo at nag-anunsyo ang Adobe na malapit nas silang magdagdag ng ‘minting functionality’ direkta sa kanilang Photoshop. Parte ito ng initiative ng Adobe na tinatawag na Content Authenticity Initiative (sinimulan ito noong 2019), na naglalayong ikonekta ang pagkakakilanlan ng kanilang mga creators sa kanilang mga online na likha gamit ang isang standard na pamamaraan. Sinasagot nito ang isang tanong na madalas kong matanggap sa aking mga NFTart livestreams: Maaari bang mahinto ng NFTart ang art piracy? Ang maikling sagot ay hindi, dahil hindi naman nilikha ang NFTart para solusyunan ang problemang ito. Ang kailangan natin ang isang hiwalay at kumpletong protocol para dito, at naniniwala ako na ang Adobe Initiative na ito ay magiging isa sa marami pang iba’t ibang hakbang upang masolusyunan ang problemang ito, habang parami pa ng parami ang mga organisasyon na naglalaan ng kanilang resource para sa patuloy na paglaki ng metaverse.
Cream Finance Hack
Tunay na ‘lucrative’ subalit delikado ang kumita mula sa metaverse, gaya na lamang ng nakita natin na $130 million Cream Finance Hack noong nakaraang linggo. Kung hindi mo pa ito nabalitaan, ang Cream ay isa sa mga nangungunang protocols gaya ng Compound, kung saan maaaring kumita ang mga users nito mula sa pera na kanilang ipinapautang sa decentralized na pamamaraan. Ito ay na-hack noong Pebrero ng halagang $37.5 million at muling na-hack noong Agosto sa halagang $25 million. Hindi ko maintindihan kung bakit may mga tao parin na patuloy na naglalagak ng pera sa mga ganitong platform – siguro sobrang taas lang talaga ng yield na ino-offer nila – ngunit isa na naman itong paalala na maraming ganitong klaseng platforms sa Metaverse. Mga platforms na hindi pa handa para sa mainstream adoption. Kailangan nating maging maingat kapag tayo ay naglalagak ng malaking halaga sa metaverse.
CPAG Mentoring Session
Nitong nakaraang lingo, ang Cryptopop Art Guild (CPAG) ay nag broadcast ng kauna unahan nating series ng mentoring session, kasama natin si Caroline Dy na nagbigay ng mahusay na lecture at demo tungkol sa fundamental art construction. Kasama din natin si Cody Hernandez na nagbigay naman ng dalawang session tungkol sa Axie Infinity Basics. Maari nyong mapanood ang recording ng mga ito sa ating FB page ng libre kung sakaling nakaligtaan nyo ang mga ito.
Isang mapagpalang weekends sa inyo, mga ka-crypto! Kita kita tayo sa Facebookverse.
Ang artikulong ito ay inilathala sa BitPinas: Cryptoday 055 – So Meta!