Cryptoday 056 – Kumita Gamit ang Katana Ronin Dex ng Axie Infinity (Part 1)
Inilabas na ng SkyMavis ang matagal ng hinihintay na decentralized exchange (DEX) para sa mga Axie Infinity players na tinatawag na โKatanaโ noong hapon ng Huwebes, at agad namang nag-pump ang presyo ng $SLP at ng $AXS.
This opinion article translated into Tagalog by Arzen Ong of BitPinas is originally from Luis Buenaventura IIโs Cryptoday Column here. The Tagalog translations of Cryptoday are published 1 day after the English version is out. Luis is the country manager for the Philippines at Yield Guild Games, co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines, and founder of the Cryptopop Art Guild. For any comments and questions, please message Luis directly on Twitter.
Ilang minuto matapos ang anunsyo, agad na nagkaroon ng 10% na gains ang dalawang tokens, at ngayong umaga, ang $SLP ay lumagpas na sa 5 pesos na price level. Mukhang malaki ang kinuhang inspirasyon ng Katana sa SushiSwap. Kaya naman kung pamilyar ka na sa paggamit ng Sushi ay magiging madali lang para sayo ang paggamit ng bagong trading platform na ito ng Sky Mavis. Para naman sa mga hindi pamilyar sa Sushi o first time lang gumamit ng DEX, hayaan ninyo akong gamitin ang buong newsletter na ito (pati na din yung sa susunod na Linggo) sa pagpapaliwanag kung paano gamitin ang Katana Ronin Dex upang magkaroon ng extra income.
Ano ba ang Katana Ronin Dex ng Axie Infinity?
Ngunit bago tayo magsimula, para saan ba ang Katana? bakit ito ginawa? Dahil gusto ng Sky Mavis na magkaroon ng iba’t ibang klase ng serbisyo sa loob ng Ronin Blockchain. Ito ay para na rin hindi na kailangan pang gumastos ng malaki ng mga players para sa mahal na gas fees sa tuwing tatawid sila sa Ethereum base layer.
Ang isa sa pinakaimportanteng serbisyo, gaya ng nabangit ko sa nakaraang newsletter, ay ang pagkakaroon ng paraan para makapagconvert ang isang player ng kanyang earnings mula sa SLP papunta sa ibang uri ng cryptocurrency. Sa nakaraang newsletter, pinanghihinayangan ko ang aking sinabi na mukhang hindi naman magkakaroon ng malaking impact ang pag-launch ng Katana para sa mga average players. Nagdadalawang-isip na ako kung ito pa din ba ang aking sentimyento tungkol dito. Bakit? Dahil lumalabas na ito ang kaunaunanang experience ng karamihan sa mga Axie players sa paggamit ng decentralized exchange (DEX) na nagbibigay abilidad sa kanila na makapag-trade hindi lang bilang users, kundi maging liquidity providers na rin.
Ano nga ba ang Decentralized Exchange?
Upang lubos nating maintindihan kung ano ang ibig sabihin nito, kailangan muna natin malaman kung paano ba gumagana ang isang DEX. Ang DEX ay lugar kung saan lahat ng ‘buyers’ at ‘sellers’ ay maaring magpalitan ng kanilang iba’t ibang cryptocurrency.
Sabihin na lang natin na isa kang Axie player na mayroong halos isang buwang SLP earnings, at pinag-iisipan mo itong ipalit sa AXS. Siguro ay narinig mo na ang tungkol sa 100%+ annual returns sa AXS Staking Pool. Kung walang Katana, kakailanganin mong ipadala ang iyong SLP sa Binance, ipalit ito para sa USDT, at ibili iyon ng AXS, tapos ay i-withdraw ang AXS pabalik sa iyong Ronin Wallet. Ang lahat ng hakbang na ito ay kumakain ng oras at transaction fees.
Ngayon na mayroon ng Katana, ang kailangan mo lang gawin ay pumunta sa Katana.roninchain.com at i-swap ang iyong SLP sa AXS. Magagawa mo ito sa loob lang ng 10 segundo.
Kung nagtataka ka kung anong hiwaga ba ang nangyari para magkaroon ng ganito, narito ang Cryptoday para ipaliwanag ito sayo!
Ano ang Nagaganap sa Katana Ronin Dex
Kapag ikaw ay pumunta sa DEX para mag swap ng iyong crypto para sa iba pang crypto, ang tunay na nangyayari ay nakikipagtrade ka sa ibang users na nag-deposito ng kanilang sariling crypto bilang pagsuporta sa DEX. Tinatawag natin silang Liquidity Providers (LP). Ang mga users na ito ay nagbibigay ng suporta, hindi lang dahil sa busilak nilang kalooban, kundi dahil sa inaasahan nilang rewards na kanilang makukuha mula sa kanilang cut sa mga trading fees.
Dito sa Katana, ang mga LP ay kumikita ng 0.25% kada trade. Maari nyong makita kung magkano na ang kinita ng mga LP ng real-time sa pagpunta lamang sa Analytics page para sa Katana. Sa loob lamang ng 3 oras mula sa pagkaka-launch nito, mahigit $55,000 na fees na agad ang nabayaran nito. Lahat ng kinikita ng mga LP mula sa mga fees ay nakadepende sa laki ng kanilang dineposito sa kabuuang pool. Kaya naman kung ang deposit account mo ay katumbas ng 1% ng kabuuang pool, ang kita mo ay katumbas ng 1$ ng $55,000.
Paano Maging Liquidity Provider sa Katana Ronin Dex
Paano ba maging isang Liquidity Provider? Pwede itong maging madali o mahirap, nakadepende ito sa kung gaano ka kahandang sumubok ng mga bagong bagay.
Ang unang mong kailangang malaman ay ito: ang pagiging liquidity provider sa Katana ay magkaiba sa pag-โstakeโ ng AXS. Sa pag-stake ng AXS, ang kailangan mo lang gawin ay pag-isipan kung ilang AXS ang gusto mong i-deposit, at pagkatapos ay hihintayin mo na lang lumago ng paunti-unti kada minuto ang iyong idineposito. Subalit kung ikaw ay magiging Katana liquidity provider, maliban sa pag-iisip kung ilang AXS ang iyong iko-contribute sa pool, kinakailangan mo ring maglagay ng katumbas na halaga nito sa WETH. Ito ay dahil kinakailangan ng liquidity pool ng maging magkatumbas ang halaga ng AXS at WETH upang gumana ang trading dito.
Parehas na Halaga ng Crypto ang Ilagay sa Liquidity Pool
Halimbawa, kung maglalagay ka ng 10 AXS, hindi mo ito basta basta maide-deposito. Kinakailangan mo ring magdeposito ng 0.8 WETH (o kung magkano ang kasalukuyang katumbas nito sa oras ng iyong pag-deposito). Ang AXS-WETH relationship na ito ang siyang tinatawag na ‘trading pair’ at gumagana ito kaparehas ng ibang pair gaya ng SLP-WETH, WETH-USDC, atbp. Kaya kung nais mong suportahan ang WETH-USDC pool, kinakailangan mo ng 4,500 USDC sa kada 1 WETH na iyong ide-deposito. (Nag-iscale ito batay na din sa laki ng iyong nais ideposito. Kaya kung mayroon ka lang 45 USDC, papasok ito kung mayroon ka rin 0.01 WETH, hangat ang ratio ay parehas.)
Kapag nakapagdesisyon ka na kung ilang AXS at WETH ang nais mong i-deposito, i-click mo lang ang ‘Add Liquidity’ button at hintayin na pumasok sa iyong account, ang iyong bahagi ng trading fees.
Bilang eksperimento, nagdagdag ako ng liquidity sa para sa SLP-WETH at AXS-WETH pools, pero ginawa kong $20 na mas malaki ang aking SLP-WETH contribution kumpara sa AXS-WETH dahil nararamdaman ko na mas magiging papular itong trading pair. Sa loob lamang ng apat na oras, kumita na ako ng $50 mula sa SLP-WTH contribution, pero kumita din ako ng $20 mula sa naman sa AXS-WETH. Pakiramdam ko ay ‘medyo tama’ naman ung hinala ko, sa ngayon. (Nung muli kong sinilip ang aking earnings nitong umaga, umabot sa $160 ang kita ko mula sa SLP-WETH fees, at tanging $47 lang mula sa AXS-WETH. Habang tumatagal as mas lalo akong naniniwala sa teorya kong ito.
Ano nga ba ang Impermanent Loss
Habang nagiging mas pamilyar ka sa pagiging LP, may ilang bagay kang mapapansin. Ang una ay ang magiging pabago bago ang presyo ng dineposito mo kada minuto, isang bagay na mismong ako ay nagulat ng una ko itong mapansin noon nag-pool ako sa YGG-WETH sa Sushi.com. Ang orihinal na nilagay ko ay 1,000 YGG tapos bigla na lamang itong bumaba ng 980!? Anong nangyayari dito?? Ang sagot pala ay dahil real-time na nag re-rebalance ang pool.
Tandaan na ang pares sa isang trading pair ay dapat laging magkapareho ang halaga. Kaya naman kapag ang presyo ng isa sa mga ito (AXS) at nagsimulang tumaas, mapapansin mo na bumababa naman ang halaga ng iyong ideneposito. Habang tumataas naman ang iyong deposit amount sa iyong WETH. Normal lamang ito … kahit na nakakabahala lalo na kung hindi mo pa nararanasan ang ganito dati. Nananatiling magkaparehas ang kanilang halaga, pero ngayon ay mas mababa na ang halaga ng isa sa kanila habang ang isa naman ay tumataas.
Hanggat hindi ka nagwi-โwithdrawโ ng iyong liquidity, hindi mo mararamdaman ang epekto ng mga internal adjustments na ito. Ang tawag dito ay impermanent loss, at isa itong konsepto na kinakailangan mong maintindihan bago mo seryosohin ang pagiging LP.
Hindi magandang ideya ang maging LP para sa isang partikular na trading pair kung hindi ka 100% OK sa pagkakaroon ng dalawang token pair na ito sa iyong portfolio. Dahil may mataas na tyansa na paglabas mo dito, mas dadami ang isa sa mga crypto na ginamit mo sa trading pair, at mababawasan naman ang isa. Noong ako ay nag-deposit sa Sushi YGG-ETH pool, ok lang sa akin magkaroon ng maraming YGG o maraming WETH, dahil pwede naman akong bumili ng isa sa kanila para ma rebalance ko ang aking posisyon sa hinaharap.
Dapat Bang Maging Isang Liquidity Provider?
Marahil ay nagtataka ka kung ang pag LP ba ay isang bagay na dapat pagtuunan ng pansin ng isang average na Axie Player dahil sa pagiging komplikado nito at pati narin ang posibilidad ng permanenteng pagkalugi. Sa tingin ko ay hindi naman ito requirement, pero naniniwala ako na base sa ating YGG survey data, aabot sa 40% ng lahat ng Pinoy players at piniling mag-‘hold’ ng kanilang SLP at maghintay na tumaas ang halaga nito. Kung isa ka sa nag-iisip na mag-hold ng iyong SLP, sa tingin ko ay mas magandang strategy ang pag konvert muna dito sa AXS at pagkatapos ay i-stake mo ito. Maaari mo na itong gawin sa Katana ngayon, at hindi mo na kailangan lumabas ng Ronin blockchain.
Staking vs Hodling
Noong nag-stake ako ng sarili kong crypto, regular akong kumikita mula dito. Sabi nga nila “pinagtatrabaho ko ang aking pera.” Kung nag-HODL lamang ako ng aking crypto, gaya ng mga bitcoin na nakatenga sa loob ng mga cold wallets, parang pinatulog ko lang ang mga asset ko. (Kaya madalas na itinuturing ng mga DeFi enthusiast ang Bitcoin bilang isang ‘pet rock.’) Ang tanging paraan para kumita ako dito ay kapag tumaas na ang presyo nito at aking ibinenta, buong kapital man o maliit na bahagi lamang.
Sa staking naman ay maaaari mong itago ang iyong orihinal na kapital at ibenta lamang ang iyong yield. At kung mayroon ka ng sapat nito, maaari mo ng ma-maintain ang iyong posisyon ng walang hanggan.
Upang gawing mas klaro ang ideya: Kung nagmamay ari ka ng 100 AXS (nasa mga $14,000 sa kasalukuyang halaga), maaari mo na itong i-stake at kumita ng aabot sa $1,000 kada buwan. Tandaan na ito ay tumpak na tantya kahit pa bumaba ang presyo ng AXS ng 20%.
At pagkatapos ng labindalawang (12) buwan, matapos mong kumita ng mahigit 500,000 pesos habang nakaupo ka lang at walang ginagawa, ang orihinal mong 100% ay nandyan pa rin at walang bawas! Kung sakaling wala kang oras matutunan kung paano mag LP, pero kung mag-stake ka ng iyong AXS, mabilis itong kikita.
Sa susunod na Cryptoday, pag uusapan naman natin ang Farming Feature ng Katana. Hindi pa ito ganap na handa noong una kong ginamit at inaral ang Katana exchange, at nangangailangan ito ng sariling essay. Ang kakayahan na kumita ng bagong token na tinatawag na $RON ay may dagdag na bagong dimension sa pag-uusap tungkol dito.
Kikita ulit tayo sa susunod na Biyernes, mga ka-axie at ka-crypto!
Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Cryptoday 056 – Kumita Gamit ang Katana Ronin Dex ng Axie Infinity (Part 1)