Advertisement PDAX Banner

Ang Katotohanan Tungkol sa mga Stablecoin – Cryptoday 082 – Tagalog

Photo for the Article - Ang Katotohanan Tungkol sa mga Stablecoin - Cryptoday 082 - Tagalog

Nitong nakaraang Linggo, nakita natin ang pagkawasak ng isang public consensus protocol na masusi namann naeksamen at โ€œtransparentโ€ umanoโ€ฆ pero tama na muna ang usapin tungkol sa nakaraang Pambansang Halalan! Pag-usapan naman natin ngayon ang TerraUSD at $LUNA! 

TerraUSD at LUNA

Ngayon, isantabi muna natin ang mga biro, siguro naman at napanood mo na kung paano nag-meltdown ang crypto market nitong Linggo, at naisip mong baka ito na ang panahon para sabihing “quits” na ang lahat. 

Ito na ba ang katapusan ng crypto? 

Aba’y hindi! 

Ang Linggong tulad nito ay dumarating isang beses kada 2-3 mga taon, at guguluhin nito ang mga investor na sa umpisa ay nahuhumaling sa mabilis na kitaan ng crypto, pero hindi masikmura ang mabilis ding pagbaba ng kita rito. 

Advertisement PDAX Banner

Dati na nating napagdaanan ito. Noong January 2015, ang $BTC ay bumaba mula sa $289 patungong $175 sa isang buong magdamag lamang. 

Noong November 2018, ito ay $5500 at naging $3800. 

May 2021: $46K to $34K. 

Nakuha mo ang ideya. Naiisip mo siguro ngayon, “Oo, pero ang $BTC ay ‘di umabot sa zero na tulad ng nangyari sa $LUNA,” na siyang magdadala ngayon sa atin sa naging paksa nitong nakaraang Sabado. Ano nga ba ang totoong nangyari sa crash na naganap sa $LUNA at $UST (TerraUSD)?

Ano ang USDT?

Para maintindihan kung paano ang lahat ng ito ay gumagana, una nating pag-usapan ang ninuno ng lahat ng stablecoin, ang $USDT, na pinagmamay-arian at inisyu ng Tether Foundation. 

Ang $USDT ay binuo noong 2014 bilang isang paraan para mag-trade ng dolyar nang hindi aktwal na ginagalaw ang anumamg pisikal na dolyar. Binibigyan nitong kakayahan ang mga OG exchange na tulad ng Bitfinex na mabilisang lumago nang hindi inaalala ang mga bagay tungkol sa banking at mga regulasyon. Para makakuha ng isang bagong minted na $USDT, kailangan magdeposito ka ng totoong dolyar sa Tether Foundation. Ang $USDT na ito ay pwedeng ipamalit sa normal na dolyar sa kahit anong crypto exchange, at kung nais mong mag-cash out at makuha pabalik ang iyong tunay na dolyar, kailangan mong bumalik sa Foundation para gawin ito. Ang pinakamahalagang bahagi ng buong ideyang ito ay ang bawat USDT ay sinusuportahan ng normal na USD.

Sa loob ng maraming taon, may ilang mga kontrobersya tungkol sa kung ano nga ba ang totoong ginagawa ng Foundation sa mga dinepositong USD, at noong 2018, isang mas “transparent” na stablecoin ang inilunsad ng Circle.com na tinatawag na USDC. Kung tutuusin, ang USDT at USDC ay pareho lamang, pareho nilang pinasisigla ang US dollar sa rate na 1:1. 

Ang metodo para maisakatuparan ang parity na ito ay pareho rin para sa dalawang stablecoin. Sa parehong sistema, kailangan ng isang indibidwal na magdeposito ng totoong dolyar para makakakuha ng digital version nito. Ang pagkakaiba nga lang ay mas kinikilalang “ligtas” para sa mga consumer ang USDC dahil regular na inuulat nito kung saan at paano nila iniimbak ang lahat ng mga deposito. Ang marketcap para sa USDT at USDC ay $78B at $50B, at oo, ipinapahiwatig nito na nakaupo sila sa halagang aabot sa $130B na customer deposits. 

Ano ang Algorithmic Stablecoins?

Malamang, kung ikaw ay isang tunay na crypto nerd, hindi mo magugustuhan ang mga sentralisadong solusyon na ito dahil ipinapahiwatig nito na maaari kang tanggalin ng Tether o Circle kung hindi ka nila gusto. (Halimbawa, kung ikaw ay nakatira sa Russia, maaaring hindi kilalanin ng isang US company na tulad ng Circle ang iyong USDC.) 

Ang desentralisadong solusyon ay isang bagong kategorya na tinatawag na “algorithmic stablecoins.” 

Ang naunang pinakamatagumpay na halimbawa ay ang $DAI, na inisyu ng Maker Foundation noong mga huling bahagi ng 2017. Ang $DAI ay sinusuportahan ng $ETH, at hindi ng totoong dolyar sa kahit saang bangko. Malamang, hindi pwedeng magkaroon tayo ng isang volatile asset na sumusuporta sa isang stable asset dahil hindi mo mame-maintain ang price parity, kaya ang iminumungkahi ng Maker ay i-overcollaterize ang kanilang stablecoin. Sa madaling salita, kailangan mong magdeposito ng ETH na nagkakahalagang $150 para makakuha ng DAI token na nagkakahalaga naman ng $100. 

Bakit ginagawa ito ng mga tao? Kasi maaari kang kumita mulas a dinepositong $ETH (isang bagay na hindi mo magagawa sa orihinal na mga stablecoin), at dahil smart-contract-based ang lahat ng ito, maaari mong makuha pabalik ang iyong ETH nang hindi ka naba-block ng isang sentral na awtoridad. Kahit ang Maker mismo ay hindi ka pwedeng hadlangan sa pakikipag-interact mo sa system. (Dagdag na impormasyon sa kung paanon gumagana ang DAI dito.)

Ano ang TerraUSD at Luna?

At ngayon, dito na tayo sa tampok ng araw na ito. Noong 2018, Nag-debut ang TerraForm Labs ng isang makabagong solusyon para sa algorithmic stablecoin challenge na ito. 

Tulad ng $DAI, ang presyo ng $UST ay inistabilisa sa pamamagitan ng pagte-trade ng isang volatile asset, pero sa kasong ito, ang volatile asset na sinasabi ay hindi $ETH, ngunit isang bagong token na tinawag na $LUNA. 

Ang ideya ay maaari mong mapanatili sa eksaktong $1.00 ang $UST sa pamamagitan ng pagbili, pagbenta, pag-issue o pag-burn ng $LUNA. Ito ay ginawa sa algoritmikong pamaaraan, at ito ay isang mapangahas na experimental concept. 

Ganito ito gumagana: kapag ang demand sa $UST ay tumataas, ang supply ng $LUNA ay binabawasan sa pamamagitan ng pagbu-burn, at kapag ang demand naman sa $UST ay bumababa, naglalabas sila ng mga bagong $LUNA token. Ang market prices ng dalawng asset ay, sa teorya, ay umaayon sa pagbabago ng supply, at kung gagawin mo nila ito nang mabilisan, maaari nilang mapanatili ang $UST sa $1.00. (Ang presyo ng $LUNA sa kabilang banda, ay papayagang naka-float). 

Ang approach na ito ay mabilis na naging popular dahil ang mataas na $UST usage ay nagpapahiwatig ng mataas na presyo ng $LUNA, kaya ang mga spectator ay maaaring tumaya sa $LUNA at sakyan ang kaaya-aya nitong price gains. At malamang, ang $UST mismo ay mayroong masaganang 20% na taunang interest rate kung gugustuhin ng tao na ituring ito na isang saving account. (Dagdag na detalye sa Terra algo dito.)

Ang $LUNA ay nagkaroon ng market cap na lalagpas sa $40B, mas mataas ng dalawang beses sa marketcap ng $UST na $18B. Para sa mas nakararaming tao, nangangahulugan na mayroong higit 200% sa crypto collateral na sumusuporta sa stablecoin, at mas ligtas itong pakinggan kumpara sa $DAI. 

Ang problema: ang market cap ay numero lamang sa teorya: ito ay tinatantyang halaga lamang ng isang token kung pwede i-convert ang lahat ng ito sa dolyar sa iisang pagkakataon lamang. 

Sa totoong buhay, ito ay imposible. Kung magsisimula kang magbenta ng malaking bilang ng kahit anong crypto, ang presyo ay bababa sa hindi matatantyang bilis. Kaya kahit ang iyong unang 10,000 LUNA ay maaring maibenta sa halagang $100 bawat isa, ang susunod mong 10,000 mo ay maaring makagalaw nang sobra sa merkado kaya baka $95 lang ang makuha mo rito. Ang susunod pang mga batch ay makakakuha pa ng mas mababang presyo. Sa huli, maaring dumating ka sa puntong hindi ka na makahanap ng mas maraming buyer, kahit gaano pa kababa ang iyong offer. 

Bakit Bumagsak ang TerraUSD at Luna?

Ang sitwasyon ito ang parang pareho sa nangyayari sa $LUNA sa linggong ito. 

Ipinagpapalagay ng ilang sa miyembro ng #LUNAtics community na baka may naganap na coordinated attack. Pero para sa isang outsider na tulad ko, siguro โ€œthe market was just shitโ€. 

Kung anuman ang rason, hindi matatagalan ng Terra algorithm ang malakihang withdrawal na naganap mula sa $UST na nagsimula nitong May 8. Ang $UST ay paunti-unting lumayo ng ilang sentimo sa presyong $1.00, at bilang tugon, nagsimulang maglabas ang algorithm ng mas maraming $LUNA sa pagsusumikap nitong mapanatili ang inaasahang equilibrium. 

Ang epekto ay parang Economics 101: ang oversupply ng $LUNA ay nagdahilan sa pagbasak ng presyo mula sa $70 patungong $60. Ngayon, ito ay nasasaklaw pa rin sa parameters ng kung paano ang Terra algo ay inaasahang gumana, pero mukhang hindi nila inasahan kung gaano kabilis mag-panis ang market sa kasagsagan ng bear market. 

Ngayong ang market cap ng $LUNA ay mas maliit na ng kaunti sa nauna nitong marketcap (noong May 10, ito ay mas mababa sa $20B), mas nakakaramdam na ngayon ng takot ang mga $UST depositor para sa kanilang funds. 

Ang dami ng withdrawal ay lalo pang tumaas, na siyang nag-trigger sa algorithm na maglabas pa ng mas maraming $LUNA. Ang death spiral ay nagsimula na, at walang anumang halaga ng pagpapasigla mula sa founder na si Do Kwon ang magliligtas sa kanila. 

Noong May 11, ang $LUNA ay mas lalo pang bumaba sa $30, at nitong Friday the 13th, ang halaga ay bumagsak na sa $0.10. Sa oras na isinusulat ito, maliit na bahagi na lang ito ng isang kusing, at ang mga malalaking exchange na tulad ng Binance ay inihinto na ang lahat ng trading. Ang kanilang community ngayon ay kasalukuyang nagdedesisyon kung paano nila maililigtas ang nalalabi sa kanilang platform.

Ano ang aral na makukuha natin sa nangyari sa Terra? 

Para sa maraming newcomer diyan, ang konsepto ng $UST ay marahil binenta bilang โ€œisang magandang paraan para mapalago ang iyong dollar deposit ng 20% kada taon,โ€ nang hindi buong ipinapaliwanag ang paraang kung paano talaga pinananatili ang Terra. 

Ang stablecoin ay karaniwang isang safe place na maaaring paglagakan ng iyong yaman, ngunit ang $UST ay isang malaking experimental approach na kakaunti lamang ang nakakaintindi. Kung isa ka sa mga taong nawalan ng pera sa crash na naganap sa $UST/$LUNA, ako ay nakikiramay sa iyo. 

Pero ito ay isang mukha lamang ng mundo ng crypto, at hindi mo dapat isipin na ang pangyayaring ito ay senyales na ang natitira pa sa market ay pabagsak na rin. Dapat ko ring banggitin na ang $LUNA ay hindi isang rug pull o scam, ito ay totoong isang makabagong proyekto na hindi nga lamang gumana nang maayos. Sa kasamaang palad, hindi lahat ng eksperimento ay nagtatagumpay.

Ngayong gabi, May 14 ng alas-6 ng gabi, sisimulan na namin ni Celeste Rodriquez ang aming crypto show sa mga YGGPilipinas social media page. Tatawagin namin itong โ€œCryptoCuriousโ€ at sasagutin natin ang ilang sa inyong mga katanungan tungkol sa mga nangyayari ngayong linggo sa mundo ng crypto at magbabahagi rin kami ng ilang pointer sa kung paano tutugunan ang crypto winter. Halinaโ€™t samahan kami sa fb.com/yggpilipinas, 6pm!

This article is published on BitPinas: Ang Katotohanan Tungkol sa mga Stablecoin – Cryptoday 083 – Tagalog