Cryptoday 029: OMB at Ethereum “London” Hard Fork

Share some Bitpinas love:

This opinion article is translated into Tagalog by BitPinas which is originally from Luis Buenaventura II’s Cryptoday Column here. Luis is the co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines. 

1) Noong Miyerkules, aking naisulat na kinakailangan na ngayon ng permit mula sa Optical Media Board kung ikaw ay may balak bumili ng crypto hardware device mula sa ibang bansa. Dahil sa desisyon ng OMB, inanunsyo ng Trezor na ititigil nila pansamantala ang pagpapadala ng kanilang mga produkto sa Pilipinas. Saad ko pa nga noong nakaraan na baka kailangan na ng OMB palitan ang kanilang pangalan, ngunit ngayon ko lang napagtanto kung gaano kaakma ang aking suhestyon pagkatapos kong ilathala ang aking newsletter. 

Mga kakaibang Links sa Website ng OMB

2) Ako ay pinayuhan ng isang malapit na kaibigan na subukang mag-Google search ang “OMB” at mayroon kang makikitang kakaiba sa search results:

Ang nasa itaas ay ang opisyal na website ng OMB kung paano ito nakikita sa Google. Ngunit pansinin ang mga salita na katabi ng official email address at telephone number. Tinanong ko ang aking sarili: na-hack ba ang website ng OMB? Ito ba ay gawa ng isang naagrabyadong kostumer ng Trezor. Tignan natin ang code sa kanilang website:

Ang nasa itaas ay ang HTML code ng isang agency na nagrereport directly sa Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas. Hindi mo yan makikita kapag binisita ang kanilang website. Kailangan mong tingnan ang source code sa pamamagitan ng “View Page Source.” Ang mga hidden links na ganito ay “viewable” ng mga search engines at “page-scraper bots” (at pati na rin ng mga mapanuring copywriters kagaya ko,) at itong mga hidden links ay inilagay para magbigay ng dagdag impormasyon tungkol sa isang webpage nang hindi nadidistract ang nagbabasa ng pangunahing content nito. 

3) Posible kaya na hindi alam ng OMB ang tungkol sa mga links na ito? Mayo nitong taon, ang Chairman ng OMB ay nasa TNC (The New Channel) upang ipakita ang kanyang mga magagarang motorsiklo. Pakiramdam ko ay hindi niya yan gagawin kung alam niya kung ano ngayon ang makikita sa kanyang website. Sinubukan kong tingnan ang lumang bersyon ng website ng OMB gamit ang Wayback Machine, at mukhang ang mga nakatagong links na ito ay nasa website na mula pa noong Abril 22. Ibig sabihin ay tatlong buwan nang may snapshot ang WaybackMachine ng mga links na ito sa website ng OMB. 

4) Kung paano nagkaroon ng mga ganoong link sa website ng OMB ay isang palaisipan. Hindi ito nakikita agad kaya maaring hindi ito gawa ng isang blackhat hacker mula sa labas. Dahil kung gawa nila ay marahil offline na ang website ng OMB, o kaya naman ay hindi na natin makikilala ang homepage nito. Isang posibilidad na ito ay gawa ng isang naghiganting web developer, pero bakit mga random links? Sigurado namang may mga website specific sa Pilipinas. Ngunit pakiramdam ko, ito ay dahil sa isang developer error, at walang nagdouble-check ng kanilang trabaho. Ang website ng OMB ay ginawa gamit ang WordPress at may mga third-party plugin na basta na lang nagdadagdag ng content sa isang website. Ako ay nag-email sa info@omb.gov.ph tungkol sa isyung ito; alamin natin sa mga susunod na araw kung kanila itong aayusin.

Ethereum London Upgrade

Para kang nagsusunog ng isandaang libong piso kada sampung segundo, o 212 trilyong piso kada taon.

Luis Buenaventura II, Cryptoday

5) Ang London Upgrade ng Ethereum ay nangyari kahapon. Nanunuuod ako ng isang countdown at ito ay naganap ng 8:36 pm oras sa Maynila. Tatlong minuto pagkatapos ng upgrade, may 2.5 ETH na agad natanggal sa sirkulasyon (“burned.”). Samakatuwid, binago ng upgrade na ito kung paano binabayaran ang transaction fee sa Ethereum network. Simula ngayon, kapag nagbayad ka ng fee sa Ethereum para sa isang transaksyon, bahagi ng fee na iyong binayad na dapat ay mapunta sa miners ay tatanggalin sa sirkulasyon. Dahil dito ay mababawasan ang supply ng Ethereum ng 1% hanggang 3% kada taon. Sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakaroon ng “scarcity” sa supply ng Ether, isang bagay na hindi pa nangyayari dati.

6) Isang oras pagkatapos ng upgrade, 150 ETH na ang natanggal sa supply. Pagkagising ko nitong umaga 3,000 ETH na ang natanggal sa supply. Marami namang mga “deflationary coins” ngunit iba pala na makita itong mangyari sa pinaka-okupadong blockchain sa mundo. Para kang nagsusunog ng isandaang libong piso kada sampung segundo, o 212 trilyong piso kada taon. Ngunit pwede rin nating sabihin na nagdadag ka ng 212 trilyong piso na value sa natitirang supply ng ETH dahil kaunti na lang ito. May mga taong ito ang iniisip, lalo na’t tumaas pa ng 10% ang presyo ng ETH pagkatapos ng upgrade at mukang patuloy ang pagtaas nito.

Maling Akala

7) Boluntaryong binago ng Ethan Allen, isang 90-taong gulang na furniture company, ang kanilang simbolo sa stock market, mula “ETH” ay “ETD” na ngayon. Ito ay dahil ang stock nito ay nakakaranas ng higit 80 porsyento na pagtaas ng presyo dahil akala ng mga investor sa Amerika, ang binibili nila ay Ethereum.

Cryptoday x BitPinas

8) Ako at ang BitPinas ay nagtulungan upang maisalin ang Cryptoday sa Tagalog. Ito ay mailalathala isang araw pagkatapos lumabas ng bersyon sa Ingles. Dalawa na ang aming nailathala at kami ay humihingi ng puna mula sa community at mga mambabasa kung paano pa maging mas-mahusay ang output sa Tagalog. Naghahanap din kami ng mga marunong sa ibang dayalekto (una naming target ay Bisaya). Hindi namin nais na ito ay pagkakitaan bagkus ay makagawa ng content sa mga lokal na wika kung saan mas magiging malapit ang aming balita sa mga mambabasa. Hindi ako tutol sa mga sponsor na nais pondohan ang gawaing pagsasalin, ngunit ako mismo ay hindi tatanggap ng bayad para sa Ingles na bersyon ng Cryptoday. Siyempre, maganda kung mabibigyan ng kabayaran ang lahat ng magtatrabaho para maisalin ang Cryptoday sa ibang wika. Kung walang tradisyonal na sponsor ay baka maari itong itokenize ngunit ayokong mapunta sa isang sitwasyon na kailangan ko pa yun pag-isipan.)

Hanggang sa Lunes, cryptofam! At maligayang pagtatapos ng linggo!

This translated article is published on BitPinas: Cryptoday 029: OMB at Ethereum “London” Hard Fork

Share some Bitpinas love:
Follow on social and subscribe to our newsletter
Subscribe
Notify of
guest
6 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments

[…] This translated article is revealed on BitPinas: Cryptoday 029: OMB at Ethereum “London” Hard Fork […]

[…] This translated article is published on BitPinas: Cryptoday 029: OMB at Ethereum “London” Hard Fork […]

[…] This translated article is published on BitPinas: Cryptoday 029: OMB at Ethereum “London” Hard Fork […]

[…] Kung hindi niyo ako sinusundan sa Facebook, kailangan kong iulat na ilang oras pagkatapos ko ilathala ang aking newsletter tungkol sa website ng OMB, sinara ng departamento ang kanilang website. Kahit […]

[…] Kung hindi niyo ako sinusundan sa Facebook, kailangan kong iulat na ilang oras pagkatapos ko ilathala ang aking newsletter tungkol sa website ng OMB, sinara ng departamento ang kanilang website. Kahit […]

[…] Kung hindi niyo ako sinusundan sa Facebook, kailangan kong iulat na ilang oras pagkatapos ko ilathala ang aking newsletter tungkol sa website ng OMB, sinara ng departamento ang kanilang website. Kahit […]

Luis Buenaventura II

    Luis started working in the Bitcoin space in 2014 and, with his startup Bloom, focuses on bringing the blockchain to remittance businesses around the world. He authored the book "Reinventing Remittances with Bitcoin," which collects strategies and stories about the fast-growing blockchain remittance industry. (https://bit.ly/remitbook). Bloom recently launched a new app BloomX to cater to the modern Filipino crypto investor. His writing on cryptocurrencies has been featured on online publications including Quartz, Techcrunch, and The Next Web.