Cryptoday 028: Trezor Blocked from Shipping to the Philippines (Tagalog)

Share some Bitpinas love:

This opinion article translated into Tagalog is originally from Luis Buenaventura II’s Cryptoday Column. Luis is the co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines. 

1) Kamakailan ay nagpromote si Manny Pacquiao sa kanyang Twitter account ng isang crypto na hindi pamilyar sa akin, ang 100xCoin. Saad ni Manny, ikinalulugod niya makipagalyansa (magkaroon ng kasunduan) sa isang “deflationary altcoin.” Sa sobrang bago ng altcoin na ito ay hindi pa ito nakakasama sa rankings ng Coingecko, ngunit lumalabas na ang 100xCoin ay binuo sa Binance Smartchain at ito ay proyekto ng mga tao sa likod ng “CremePieSwap.” (Hindi ko na igagalang ang pangalang iyan sa pamamagitan ng pagbibiro dito.) Dahil ang daily trade volume ng CremePieSwap ay $150,000 lamang, hindi ako optimistic sa panibagong proyektong prino-promote ni Manny.

2)  Medyo hindi maganda ang win record ni Pacquiao kung pagbabasehan ang kanyang mga crypto projects na inindorso. Nung 2019, inilunsad niya ang PacToken/PacPay sa pamamagitan ng isang Initial Exchange Offering na hindi man lang nakasama sa listahan ng Coingecko. Kamakailan din ay nag-tweet si Pacquiao na siya ay “nalalapit na” maglunsad ng isang “ekslusibong koleksyon ng NFT sa Ethernity marketplace.” May isa lang siyang tweet tungkol dito (noong Hulyo 11) ngunit wala akong makitang tanda na ang koleksyon na ito ay malapit na mailunsad.

3) Ang mga celebrities gaya ni Pacquiao ay palaging naghahanap ng paraan para i-monetize ang kanilang katanyagan at kasikatan. Si Manny ay may 2.6 milyon na followers sa Twitter, hindi malabong palagi siyang nakakatanggap ng mga endorsement opportunities linggo-linggo, at hindi ko alam, pero siguro ay kailangan niya ng pera? Ang problema ko sa mga celebrities na nag-eendorse ng crypto ay madalas na hindi nila sinusuri kung talaga bang lehitimo ang mga proyektong prino-promote nila. Kung ang isa sa pinakamahusay na boksingero sa kasaysayan ng isport ay nagpromote ng isang token na mas kaunti pa ang holders kumpara sa dami ng followers ng isang average Axie streamer, magtataka ako kung nag-research ba ang mga managers ni Pacquiao bago siya tumanggap ng tseke. Upang maging patas, inindorso ni Mayweather ang EthereumMax, kaya siguro sa aking palagay ay wala na talagang nagreresearch ngayon. (Kung sakaling nagtataka kayo kung sulit ba ito, ang $EMAX ngayon ay 90% na mas mababa mula ng inindorso ito ni Floyd noong May 2021.)

4) Ang isa sa mga iniidolo ko sa industriya ng cryptocurrency – si Ricardo “FluffyPony” Spagni, ay nakakulong na ng dalawang linggo sa Texas. Si Spagni ang dating lead developer ng Monero, isa sa mga paborito kong privacy coin project. ***Isang anekdota sa aking koneksyon kay Fluffypony: ilang taon na ang nakalipas ay may nag komisyon sa akin na gumawa ng maikling komiks tungkol sa kanya, sa kanyang partner na si Saskia, at sa kanilang dalawang aso. (Siguro ako lang yata talaga ang artist na pinupuntahan ng mga tao para magpaguhit ng crypto doggos.) Ang comic book na aking ginawa ay isang single hardcover edition sa tahanan ng pamilya Spagni, at walang ibang kopya ng comic book na ito. Gayunpaman, palaging maganda ang pakikitungo nila sa akin at napakabait ng kanilang mga aso.** Dinetain si Ricardo sa kasong fraud at mai-extradite siya mula sa US patungo sa kanyang lungsod sa South Africa. Interesante lang na ang mga charges ay kaugnay sa isang kumpanya na ang pangalan ay “Cape Cookies” at mga aktibidad na bago pa man sa anumang trabaho na kanyang ginawa sa industriya ng cryptocurrency.

5) Ayon sa isang Facebook post ng Trezor — ang isa sa mga nangunguna sa industriya ng crypto hardware devices — hindi na sila makakapag ship ng Trezor devices sa Pilipinas. 

Ano ba itong mga “administrative difficulties” na ito? Mukhang ang Optical Media Board (OMB) ng bansa ay nagrerequire na ng permit sa lahat ng crypto-related hardware devices na pinapadala sa Pilipinas. Tignan ang screenshot sa ibaba. (Salamat sa tip, Rico M!)

Kung hindi mo alam ano ang OMB, sila lang naman ang agency sa likod ng lahat ng mga televised-raid sa mga mga nagbebenta ng pirated DVDs. Noong 2003, kinailangan nilang magbago ng pangalan, mula sa “Videogram Regulatory Board” sila ay naging “Optical Media Board” upang mailarawan maigi ang aktibidad at bagay na kanilang pinagtutuunan ng pansin. Ngayon ay mukhang kailangan na nila ulit magbago ng pangalan. Ang aking suhestyon: “Digital Utilities & Media Board” (DUMB).

6) Matagal ko nang gustong bumili ng bagong crypto hardware device kaya para subukan ang aking palagay, sinubukan kong bumili ng Trezor ngayong umaga habang sinusulat ko ang newsletter na ito. Gusto kong malaman kung posible ba na gumamit ng forwarding service upang hindi na dumaan sa OMB o kaya sa customs dito sa Pilipinas. Kung hindi ka pa nakakagamit ng isang forwarding service, para ka lang may personal mailbox sa ibang bansa. Ang mailbox mo sa ibang bansa ang tatanggap ng iyong shipment, sila ang magpapackage ng iyong shipment at pagkatapos ay ipapadala sa iyong address dito sa Pilipinas. Ang mga ganitong uri ng serbisyo ay “handy” para maalis ang mga customs duties na madalas ay 30%++ sa lahat ng packages na higit pa sa 10,000 pesos. Bakit na-eliminate ang customs duties gamit ang forwarding service? Dahil hindi naganap ang pagbili sa Pilipinas. Binili mo ang produkto sa bansa na siya ring unang tumanggap ng iyong package, samakatuwid ay nabayaran na ang sales tax doon. Maari mo itong ikumpara sa pagbili ng laptop sa Amerika habang ikaw ay nasa Amerika at pagkatapos ay bibitbitin mo ang laptop pabalik dito sa Pilipinas… ang pagkakaiba lang ay ang forwarding service ay less COVID-prone. Dati kong ginagamit ang JohnnyAir sa mga ganitong aktibidad, pero para sa aking eksperimento ngayon ay pinadala ko ang aking Trezor package sa ShippingCart. Sila ang aking pinili sapagkat sila ay nasa UK at ang Trezor ay nasa Prague. Tignan ang screenshot sa ibaba at makikitang mabilis lang ang delivery.

7) Kung kayo ay nagtataka kung maaasahan ba ang mga forwarding services: Matagal na akong bumibili ng mga produkto gaya ng mga kamera at laptop at mga technical clothing sa ganitong paraan at lagi naman naidedeliver sa akin ang aking mga binili. Kaya i-uupdate ko kayo sa status ng aking Trezor shipment kapag ito ay nakarating na sa ShippingCart sa UK, at tignan natin ano ang mangyayari kapag finorward natin ito sa aking address sa La Union. *Siya nga pala, alam ko na may potential security concerns sa paggamit ng third party shipping service sa pagpapadala ng isang crypto hardware device, subalit ako ay kampante na kaya kong i-detect kung may tampering man na naganap sa aking device sa oras na makarating ito sa akin. ***Alam ko rin na mas magastos ang ganitong paraan ng pagbili ng Trezor dahil may dagdag na $30-40 sa paggamit ng ShippingCart, ngunit wala namang ibang option. Marahil yan na ang bagong presyo na kailangan nating bayaran mula ngayon, sa aking palagay.

8) Ngayong gabi (note: the original article was written and published yesterday) ay aking tatalakayin ang NFTs sa isang private session sa US Department of Justice. Ang event na ito ay parte ng kanilang efforts na malaman ang mga innovation sa private sector, at sa pamamagitan ng aking mga social connections, ako ang naging main resource person patungkol sa NFTart. Partikular na interesado sila sa role na ginagampanan ng NFTart bilang bagong daluyan ng money laundering. Wala akong link o social media popst na maibabahagi, naisip ko lang na banggitin ito dito sa inyo kung sakaling hindi na kayo ulit makatanggap ng balita mula at patungkol sa akin.

Hanggang sa Biyernes na ulit (sana), cryptofam!

This article is published on BitPinas: Cryptoday 028: Trezor Blocked from Shipping to the Philippines (Tagalog)

Share some Bitpinas love:
Follow on social and subscribe to our newsletter
Subscribe
Notify of
guest
11 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments

[…] This text is printed on BitPinas: Cryptoday 028: Trezor Blocked from Shipping to the Philippines (Tagalog) […]

[…] This article is published on BitPinas: Cryptoday 028: Trezor Blocked from Shipping to the Philippines (Tagalog) […]

[…] This article is published on BitPinas: Cryptoday 028: Trezor Blocked from Shipping to the Philippines (Tagalog) […]

[…] ng Trezor na ititigil nila pansamantala ang pagpapadala ng kanilang mga produkto sa Pilipinas. Saad ko pa nga noon Miyerkules na baka kailangan na ng OMB palitan ang kanilang pangalan, ngunit ngayon ko lang napagtanto kung […]

[…] ng Trezor na ititigil nila pansamantala ang pagpapadala ng kanilang mga produkto sa Pilipinas. Saad ko pa nga noong nakaraan na baka kailangan na ng OMB palitan ang kanilang pangalan, ngunit ngayon ko lang napagtanto kung […]

[…] ng Trezor na ititigil nila pansamantala ang pagpapadala ng kanilang mga produkto sa Pilipinas. Saad ko pa nga noong nakaraan na baka kailangan na ng OMB palitan ang kanilang pangalan, ngunit ngayon ko lang napagtanto kung […]

[…] ng Trezor na ititigil nila pansamantala ang pagpapadala ng kanilang mga produkto sa Pilipinas. Saad ko pa nga noong nakaraan na baka kailangan na ng OMB palitan ang kanilang pangalan, ngunit ngayon ko lang napagtanto kung […]

[…] ng Trezor na ititigil nila pansamantala ang pagpapadala ng kanilang mga produkto sa Pilipinas. Saad ko pa nga noong nakaraan na baka kailangan na ng OMB palitan ang kanilang pangalan, ngunit ngayon ko lang napagtanto kung […]

[…] ng Trezor na ititigil nila pansamantala ang pagpapadala ng kanilang mga produkto sa Pilipinas. Saad ko pa nga noong nakaraan na baka kailangan na ng OMB palitan ang kanilang pangalan, ngunit ngayon ko lang napagtanto kung […]

[…] ng Trezor na ititigil nila pansamantala ang pagpapadala ng kanilang mga produkto sa Pilipinas. Saad ko pa nga noong nakaraan na baka kailangan na ng OMB palitan ang kanilang pangalan, ngunit ngayon ko lang napagtanto kung […]

[…] ng Trezor na ititigil nila pansamantala ang pagpapadala ng kanilang mga produkto sa Pilipinas. Saad ko pa nga noong nakaraan na baka kailangan na ng OMB palitan ang kanilang pangalan, ngunit ngayon ko lang napagtanto kung […]

Luis Buenaventura II

    Luis started working in the Bitcoin space in 2014 and, with his startup Bloom, focuses on bringing the blockchain to remittance businesses around the world. He authored the book "Reinventing Remittances with Bitcoin," which collects strategies and stories about the fast-growing blockchain remittance industry. (https://bit.ly/remitbook). Bloom recently launched a new app BloomX to cater to the modern Filipino crypto investor. His writing on cryptocurrencies has been featured on online publications including Quartz, Techcrunch, and The Next Web.