Cryptoday 027: SEC vs Crypto (Tagalog)
Translated into Tagalog by BitPinas from Luis Buenaventura II’s Cryptoday Column here.
1) Inanunsyo ng Securities and Exchange Commission (SEC) ng Pilipinas ang pagtatatag ng โPhiliFintech Innovation officeโ (PIO). Ang bagong opisinang ito ay nakatuon sa regulasyon sa fintech lalong lalo na sa regulasyon sa mga crypto exchanges at crypto offerings. Hindi ako lawyer kaya aking kinausap si Atty. Raf Padilla nitong Linggo patungkol sa dapat nating asahan mula sa PIO. “Mayroong misconeception na ang Securities Regulation Code (SRC) ng bansa ay hindi nag-apply sa mga bagong technological innovations, bagong intermediaries at mga bagong produktong pinansyal,” saad ni Atty. Padilla. Pero sakop din pala ang mga ito ng SRC, lalo na kung ang negosyo “ay nag-aalok ng securities sa kanilang platform, o kaya naman ay nagbebenta sila ng token na maaaring isang security.” Nang akin siyang tinanong kung anong mga platform ang maapektuhan nito, ito ang saad ni Atty. Padilla: โ[Anumang exchange] ang mayroong mga crypto derivatives or tokenized stocks na ina-alok ay saklaw ng SEC.โ
2) Noong Abril, nagsimulang mag-alok ang Binance ng tokenized stocks gaya ng Tesla ($TSLA) at Apple ($APL) para kahit sino man sa mundo ay maaari ng bumili ng mga stocks ng mga kilalang kompanya kahit di available ang mga stock na ito sa kanilang local stock exchange. Kahit na ba ito ay kapaki-pakinabang sa mga investors sa labas ng U.S., ang serbisyong ito ay โill-advisedโ kung ating titignan ang mga pangyayari matapos itong i-alok ng Binance. Hindi na nakakagulat na diniscontinue ng Binance ang serbisyong ito dahil na rin sa โpressureโ mula sa European regulators. Mayroon ding โfutures tradingโ ang Binance, na pinagbabawal ng SEC sa Pilipinas. Ang โblanket ban” ng SEC patungkol sa futures trading ay nangangahulugan na wala sa mga crypto-derivative exchanges (gaya ng BitMEX at Deribit) ang pinapayagan ng SEC dito sa bansa, ngunit sigurado ako na maraming Pinoy crypto traders na gusto ang futures trading.
3) Nito lang Byernes ay inutusan ng Securities Commission ng Malaysia ang Binance na suspindihin ang kanilang website at app simula August 12 o bago ang araw na iyon. Bagama’t hindi nila mapupuwersa ang isang pandaigdigang kumpanya na magsara, mukhang ang mga residente ng Malaysia ay hindi na mabibisita ang website ng Binance, makatanggap ng email mula sa Binance, pati makipagusap sa Telegram group ng kumpanya. Nitong Hulyo, sinampahan naman ng kriminal na kaso ng Securities and Exchange Commission ng Thailand ang Binance dahil sa pag-aalok ng hindi lisensyadong exchange services sa mga Thai. Ang Pilipinas na kaya ang susunod na bansa na gawin ito?
4) Sa gitna ng lahat ng isyu patungkol sa Binance (at sa ibang international crypto exchanges, sa aking palagay) ay ang katotohanan na hindi pa nakakahabol ang mga regulasyon sa โinternet ageโ. Siguro ay hindi na yun mangyayari. Madali kasi i-regulate ang securities noong 80s at 90s dahil confined ang securities sa physical locations. Kung ang negosyo ay naglilikom ng pera sa isang bansa, sila ay kaagad na covered ng lokal na tax laws sa bansang iyon.
5) Ngunit ngayon na lahat ay ginagawa na online at accessible kahit saan ka man sa mundo, ang hamon sa mga bagong crypto businesses – gaya ng exchanges, custodial wallets, at lending platforms — ay kung paano magiging โlocally regulatedโ habang nanatiling โglobally consistent.โ Ito ay isang magastos at maaksayang proseso, dahil pinupwersa nito ang mga startups na magkaroon ng relasyon sa mga regulatory agencies ng mga bansa kung saan sila available. Ang ganitong uri ng proseso ay sinisira ang layuning ng pagiging online ng isang serbisyo. Samantala, itong mga โregulatory clampdownโ na ito ay wala namang nagagawa sa aktwal na โconsumer protection.โ Ito ay dahil ang teknolohiya ay nasa punto na kung saan ang pinakamalalaking scam ay nagagawa sa labas ng mga platforms na ito. Hindi naman interesado ang Binance na kayo ay i-scam, dahil kumikita na sila sa inyo ng malaki sa lehitimong paraan.
6) Kung sa gayon, ano ang dapat nating gawin? Nais ko sanang tapusin ang article na ito sa positibong paraan, ngunit sa aking palagay ay tayo bilang community ay naghahanap pa rin ng tamang strategy. Ang mga decentralized exchanges tulad ng Uniswap, na pinapayagan ang mga customers nito na mag trade sa isaโt isa ng walang regulasyon, ay isang step sa tamang direksyon. Ngunit ang aking paniniwala sa ganitong konsepto ay nanghina dahil kamakailan ay nag-delist ang Uniswap ng mga tokens dahil sa regulatory pressure. Interesanteng pag-aralan ang sitwasyon ng Uniswap. Una sa lahat, sila ay isang โU.S.-based business entityโ na may mga founders na galing din sa U.S. Samakatuwid ay madali silang makita ng U.S. SEC ng walang kahirap hirap. Pangalawa, ang ilan sa mga na-delist na tokens ay mga synthetic version ng U.S. stocks (kagaya ulit ng $TSLA) at alam natin mula sa experience ng Binance na hindi ito magandang ideya. Gayunpaman, alam nating madali sa mga third-party programmers na gumawa ng distinct interfaces para kumonekta sa smart contracts ng Uniswap. Dahil dito, maaaring ma-sidestep ng mga traders ang delisting, kagaya lang ng kung paano nagagawa ng mga developers gumawa ng hindi na mabilang na clones ng PopcornTime para ikaw ay makapanuod ng mga videos na may DRM rules at geographic restrictions na pinipigilan kang bilhin ang mga videos na ito sa lehitimong paraan.
7) 20% ang tinaas ng $ETH mula noong nakaraang linggo, at ngayon ay nasa $2570. Bago matapos ang linggong ito, i-iimplement ng Ethereum ang matagal nang hinihintay na โLondon Upgradeโ na babawasan ang supply ng ETH ng 1% hanggang 3% taon-taon. Imposible pang malaman kung ang napakaliit na kabawasan sa supply nito ay may epekto sa presyo ng ETH sa merkado, ngunit tingin ng mga โspeculatorsโ ay meron. Ngunit habang na-set na noong nakaraang buwan ang pag-implement ng London Upgrade, may mga miyembro ang ETH community na nagpakita ng concern na baka hindi pa handa ang upgrade na ito sa ika-apat ng Agosto dahil sa isang bug na nakita sa isa sa mga related na apps. Oobserbahan ko ito maigi kung halimbawa ay bigla silang magdesisyon na i-delay ang London Upgrade, at kung magiging negatibo ba ang epekto niyo sa presyo.
8) Lagi akong nakakakita ng mga miyembro ng Axie community na may kanya kanyang teorya tungkol sa pagbaba ng presyo ng SLP, at gusto ko lang ulit banggitin ang mga saloobin ko patungkol dito.
Bumababa ang presyo ng SLP dahil lahat kayo ay nagbebenta ng sabay-sabay. (Tuwing katapusan ng Linggo ay lalong bumababa ang presyo dahil kaunti lang ang liquidity sa merkado.) Gumawa si Brylle ng Axies Alerts PH Page ng isang 5-min clip mula sa interview na ginawa ko kasama sila noong nakaraang Linggo. Kung ayaw mong magbenta ng SLP sa mababang presyo tuwing akinse at atrenta kada buwan, kailangan mong paghiwa-hiwalayin ang iyong trading activities.
Maligayang bagong linggo sa lahat! Ang NCR ay muling babalik sa lockdown. Gamitin ang oras na ito sa bahay upang turuan ang yong sarili ng mga bagong bagay or kaya ay magsaliksik pang maigi sa mga bagay na ikaw ay pamilyar na. Hanggang sa muli!
This article is published on BitPinas: Cryptoday 027: SEC vs Crypto (Tagalog)