Coins.ph at TrueMoney, Nag-Partner Para sa Sari-Sari Store Cash-In

Share some Bitpinas love:

Translated by Arzen Ong from: Coins.ph Partners With TrueMoney, Cash-in Now Available in Sari-Sari Stores

Basahin ang iba pang Tagalog articles sa BitPinas.

Ang Coins.ph, ang nangungunang blockchain-based na digital wallet sa bansa, ay nag anunsyo ng kanilang partnership sa TrueMoney, isang payments at remittance network. Ang tambalang ito ay naglalayon maging available saan mang parte ng bansa ang mga e-wallet cash-in offers.

Sa ngayon ay tinatanya ng TrueMoney na aabot sa 20,000 centers ang kanilang mga partner sari sari stores sa buong bansa.

“Ang mga sari-sari store ay parte na ng buhay, kultura, at lifestyle ng mga Pilipino. Ang mga sari-sari store na ito ngayon ay maaari na ring makapagbigay ng digital finance services gaya ng pag cash-in sa mga e-wallets, pagbabayad ng bills, at pagbebenta ng load sa kani-kanilang komunidad. Kami ay laging handang makipagtulungan sa mga business tulad ng TrueMoney, mga kumpanyang handa sa pagbabago at may kaparehas naming misyon na palawakin at palakasin ang financial inclusivity sa buong bansa,” wika ni Coins.ph CEO Nauman Mustafa.

Nagpahayag din ng kanyang kagalakan ang presidente ng TrueMoney Philippines na si Joseph Ryan Co tungkol sa kolaborasyon na ito.

“Ang TrueMoney ay handa na magsilbing tulay sa pagitan ng Offline at Online financial services sa Pilipinas. Dahil na rin sa ating pag-transform ng mga simpleng sari-sari store at small business upang maging TrueMoney Centers, masisiguro natin na magiging accesissible at available sa mga customers ang iba’t ibang financial products at services ng ating partners. Ito na rin ang dahilan ng aking pananabik na maka-partner ang Coins.ph. Ang samahang ito ang magbibigay lakas sa ating adhikain na makapag-offer ng innovative products at mapaganda pa buhay ng milyong milyong mga Pinoy sa buong bansa” sabi ni Co.

Paano mag-‘cash-in’ mula TrueMoney papuntang Coins.ph

  1. Kinakailangan mag generate ng mga Coins.ph users ng ‘reference code’ o ‘bar code’ mula sa kanilang app.
  2. I-presenta ang code sa alin mang TrueMoney center na malapit sa inyo.
  3. Bayaran ang inilagay na halaga ng pondo. Darating kaagad ang iyong pondo ng real-time.

Ang pag-‘cash in’ ng mas malaki sa Php 100 gamit ang TrueMoney Centers ay papatawan nag minimal na ‘partner fee’ na katumbas ng 1.2% ng halaga ng transaction bilang maintainance fee.

Kamakailan ay umabot na sa 10 iba’t ibang crypto assets ang sinusuportahan ng Coins.ph sa kanyang platform. Maari kang bumili, magbenta, o magtago ng alin man sa mga cryptocurrency na ito katulad na lamang ng MKR(Maker), AAVE,, at UNI (Uniswap). (Basahin ang pangunahing artikulo nito sa: Suportado na ang  AAVE, MRK, UNI sa Coins.ph)

Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Coins.ph at TrueMoney, Nag-Partner Para sa Sari-Sari Store Cash-In

Share some Bitpinas love:
Follow on social and subscribe to our newsletter
Subscribe
Notify of
guest
1 Comment
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments

[…] Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Coins.ph at TrueMoney, Nag-Partner Para sa Sari-Sari Store Cash-In […]

BitPinas

BitPinas is the oldest blockchain and cryptocurrency news outlet that covers the Philippine blockchain and crypto scene. We are also writing general and international blockchain topics that are relevant to our audience.