Axie Infinity Land Gameplay (Tagalog)
Translated by Arzen Ong from Axie Infinity Land Gameplay 101 Philippines Guide published on Aug. 6, 2021.
Ngayong araw, pag uusapan natin ang paparating na Land Gameplay sa Axie Infinity at ang mga posibleng epekto nito sa ecosystem ng laro.
Ano ang โLupain ng Lunaciaโ sa Axie Infinity?
Ang ‘Land’ o ‘Lunacia’ kung ito ay tawagin sa metaverse ng Axie Infinity, ay nahahati sa mga tokenized plots ng land, na kung tawagin ay TERRA. Ang mga ito ay maaaring bilhin, arkilahan, at ayusin ng mga may ari nito.
Ang Land ay nirerepresenta bilang isang 301×301 grid kung saan ang kada isang square ay nagrerepresenta sa isang tokenized na plot ng land. Ang kada isang ‘Land Plot’ ay binubuo ng 64 na spaces sa loob ng 8×8 na grid.
Ito ang isang halimbawa ng Axie Infinity Land o Lunacia. Kasalukuyan ng mayroong may-ari ng lupang ito.
Base sa nasa larawan, maaaring ilagay ng mga players ang kanilang Axie sa mga lupa nila. Maari din silang maglagay ng mga items na mag bibigay ng ‘boost’ sa stats ng kanilang axie. Halimbawa, maaaring pataasin ng “Stone Lamp” ang natural na experience na nakukuha ng isang Axie ng plus 1 percent sa patuloy na paggamit nito.
Ayon na din sa whitepaper ng Axie Infinity, maaari kang magtalaga ng 3 Axie sa kada isang plot ng land. Sa hinaharap, ang mga lands ay maaari ding i-upgrade upang madagdagan ang Axies na maaaring italaga dito at upang makapag tayo din ng mga istraktura. May karapatan ang mga Landowners sa lahat ng resources na kanilang ma pa-farm sa kanilang land.
4 na uri ng โLandโ sa Axie Infinity
May apat (4) na iba’t ibang uri ng land ang na-mint ng Axie Infinity. Tinatawag ang mga ito bilang: Savannah, Forest, Arctic, at Mystic.
Ang apat na uri ng mga lands na ito ay naipakalap na sa kauna unahang Axie Land Sale na ginanap noong Enero 21, 2019.
Ang Major Land Sale na ito ang bumubuo sa 1/4 na dami ng kabuuang land plot supply sa Axie metaverse. May natitira pang 1/3 o 3 Quadrants na ibebenta din sa hinaharap.
Espesyal na Lands
Ang Genesis Lands ay mga lands na may mas mataas na tyansa na mag-spawn ng mga rare boss. Makakatangap ng porsiyento sa lahat ng resources na makokolekta dito ang mayari ng ganitong uri ng espesyal na uri ng land.
Mayroong lamang 220 na Genesis plots sa laro at 75 dito ay nabenta na noong naunang sale.
Ang mga players na nakabili ng mga lands na nasa gitna ng Lunacia ay magho-host ng mga special world events kapag naisapubliko na ang land gameplay.
Paano bumili ng โLandโ sa Axie Infinity
Madali lang ang proseso ng pagbili ng land sa Axie Infinity. Sa artikulong ito, makabubuting pag aralan mo muna ang pag gamit ng MetaMask, ng Ronin sidechain, at ng gameplay ng Axie Infinity. Kapag pamilyar ka na sa mga ito, siguraduhin mo din na mayroon kang ETH dahil ito ang token na gagamitin natin pambili ng lands sa Axie Infinity.
- Pumunta sa https://marketplace.axieinfinity.com
- Sa menu, piliin ang ‘land’, at pagkatapos ay piliin ang land na nais mong bilhin.
- Lalabas ang isang pop-up na magkukumpirma ng transaksyon. Piliin ang ‘confirm’.
Lunacian Items
Mayroong apat (4) na uri ng rarity ng items sa Axie Infinity Lands.
Common – Tipikal na mahihinang items.
Rare – Mas malakas na bersyon kumpara sa Common.
Epic – Mahirap makuha. Nagbibigay ng malakas na ‘bonus’ sa mga Axie na ginagamitan nito.
Mystic – Nagbibigay ng pinakamalakas na boost sa mga Axie na gumagamit nito. Requirement din ito upang makagawa ka ng ilan sa mga structure na ilalabas sa hinaharap.
Kasalukuyang may 199 na uri ng Land Items na maaaring mailagay sa mga Lunacia Lands. Kada isang item ay nagpapalakas sa abilidad ng iyong Axie.
Ang picture sa itaaas ay isang halimbawa ng Lunacia Land Item na tinatawag na “Bird Plushie”. Isa itong Mystic Land Item na nagpapataas ng item drop chance ng 20% sa mga Chimera. Pinapalakas din nito ang iyong mga Bird type ng 20%.
Paano magkaroon ng โLandโ sa Axie Infinity
Ang kaunaunahang land sale ay nagpakalap ng โ ng kabuuang supply ng lands na maaaring mabili ng mga players.
Kung sakaling hindi ka nakasabay sa usang land sale, maaari ka paring bumili ng land mula sa ibang players na nagbebenta ng land na kanilang nabili sa land sale dati. Matatagpuan mo ang mga ito sa โmarketplaceโ.
Sa panahon ng pagsulat ng artikulong ito, ang pinakamurang presyo ng land na binebenta sa marketplace ay nagkakahalaga ng $11,752. Katumbas ito ng Php585,014 sa palitang P49.78 kada dolyar.
Dahil limitado lang ang supply ng Lunacian Lands, asahan na natin na sa patuloy na pagsikat ng Axie Infinity ay patuloy din na tataas ang presyo ng mga lands nito.
Lunacia Land Gameplay
Isa sa mga kasabik-sabik na parte ng Lunacia Land ay ang kanyang gameplay. Magkakaroon ng kakayahan ang mga landowners na magupgrade ng kanilang teritoryo, mag tayo ng mga shops/market, gumawa at gumamit ng ‘Chimera summoning beacons’, at maging access point na din ng mga dungeons.
Real-Time PVE Battles
Ang Chimera ay mga greek mythological creatures na kilala sa paninira sa mga lugar base sa mga napapanood natin sa pelikula. Ganito din ang ginagawa nila sa Lunacia Lands.
Maaaring maka-engkwentro ang mga landowners ng Chimera sa kanilang mga lands. Maaari silang labanan ng ‘real-time’ grupo ng players o kahit mag isang player lang.
Kapag natalo ng mga players ang Chimera, makakatanggap sila ng ibat ibang uri ng rewards gaya nga resources, items, at blueprints na maaari nilang gamitin upang i-upgrade ang kanilang teritoryo. Maari din silang makatanggap ng indibidwal na axie at limited edition na tokenized items.
Paglikom ng mga resource at pag-โcraftโ
Isa sa mga benepisyo ng Lunacia Lands ay pagkakaroon ng resource-gathering na gameplay feature.
Dahil ang lahat ng landowner ay may karapatan sa lahat ng resource na makukuha sa kanilang land, maaari nila itong gamitin upang i-upgrade ang kanilang land o ang kanilang Axie mismo.
Ang lahat ng resource na mag-spawn sa teritoryo ng isang player ay maaaring makuha ng sinuman sa publiko kapag hindi ito kinuha ng may ari ng lupa sa loob ng 24 na oras.
Structures
Ang mga landowners ay maaaring gumawa ng mga structures sa kanilang land o teritoryo. Ang mga structures na ito ay maaaring i-expand at ipa-level up kapag dako gamit ang iba’t ibang resources gaya ng blueprints na maaari namang makuha mula sa mga Chimera.
Maaari nyo din panoorin ang Video na ito mula kay CAGYJAN, isang youtube conter creator at isa ding landowner ng Lunacia Lands. Ipinapakita nya sa kanyang video ang itsura ng Lunacia Land at ang user interface nito. Malaking tulog ito upang iyong ma visualize ang posibleng hinaharap ng Axie Infinity.
Ayon sa Axie Infinity Team, ang mga independent developers, content creators, at mga kumpanya ay maaaari ding gumawa ng kanilang sariling apps o games na maaaring i-integrate sa Lunacia Lands. Nagbibigay ito ng malawak na posibilidad at oportunidad para sa mga landowners. Ang Lunacia Software Development Kits (SDK) ay inaasahang maire-release sa pangalawang bahagi ng 2022 ayon sa whitepaper roadmap.
Benepisyo ng pagiging โLunacia Landownerโ
Lunacia SDK: Kapag na-release naang feature na ito ay napakaraming oportunidad ang mabubuksan ng Axie infinity para sa kanyang mga players at breeders ng Axie.
Ayon sa Axie Infinity, ang Lunacia SDK ay maaaring gamitin upang makalikha ng games at iba pang apps sa loob ng Axie Metaverse. Maaari din mag-mint ng kanilang sariling Non-Fungible Token (NFT) ang mga creators na maaari nilang ibenta o i-trade sa ibang players. Maaari din nilang ilagay ang mga NFT na ito sa kani-kanilang lands. Kung mayroon kang ginawang game sa loob ng Axie Metaverse, maaari ka ding maglagay ng link nito sa iyong land. Ang hakbang na ito ang magdadala sa Axie Infinity sa tunay na estado ng decentralized NFT game.
Ang artikulo na ito ay nailathala sa BitPinas: Axie Infinity Land Gameplay (Tagalog)