How To Use PDAX: Local Crypto Trading Platform (Tagalog Guide)
Ang Philippine Digital Asset Exchange o mas kilala sa tawag na PDAX ay isang cryptocurrency exchange na lisensyado ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) upang magfacilitate ng pagpapalit o pagtetrade ng crypto sa pesos (fiat money) at pesos sa crypto gaya ng Bitcoin, Ether, at iba pa.
Legal Ba Ang PDAX
Nakamit ng PDAX ang kanilang virtual currency exchange license noong 2018 sa BSP. Ibig sabihin ay sumusunod ito sa mga rules ng Bangko Sentral ng Pilipinas lalo naโt patungkol sa pera. Ito ang dahil kung bakit sinusuri muna ng PDAX ang mga crypto bago ito ilista sa kanilang platform. Ito rin ang dahilan kung bakit madali ang cash-in at cash-out sa PDAX.
Higit sa lahat, ang kanilang lisensya sa BSP ang dahilan kung bakit pupuwedeng magtrade sa isang โorder bookโ style na exchange gamit ang Peso.
Ano ibig sabihin ng Order Book Platform?
Kung sa ibang lokal na crypto exchange ay pwede lang ang โdirect exchangeโ ng pesos sa crypto at vice versa. Sa PDAX, ikaw mismo ang maglalagay ng iyong buy order o sell order sa kanilang order book platform. Ang iyong order ay i-mamatch sa iba na gustong bumili or magbenta sa presyo na iyong inilagay. Ang pagmatch ng iyong order ay pinoproseso electronically at automatically. Ang mga ganitong uri ng financial activity ay kailangan ng permiso ng BSP. Ito ang dahilan kung bakit pupuwede sa PDAX mag place ng order gamit ang iyong pesos at hindi yan pwede sa international exchanges.
Madali bang magtrade sa PDAX?
Maaari ka ditong mag-trade gamit ang iyong mobile phone. Hindi lahat ng local crypto exchanges ay may mobile app ngunit mayroon nito ang PDAX. Mayroon din na tinatawag na PRO at BASIC mode ang mobile app ng PDAX. Ang BASIC mode ay maganda para sa mga bago pa lamang nagtetrade ng cryptocurrency.
Paano magregister sa PDAX?
Ang aming PDAX Philippines Guide ay gagamitin ang kanilang mobile app upang ituro ang proseso sa pag-register at pag trade sa kanilang platform. Maari mo din gamitin ang desktop version ng PDAX sa https://pdax.ph
1) I-download ang PDAX sa iOS o Google Play.
2) Pindutin ang โDonโt Have an Account.โ
3) Mag-sign up gamit ang iyong email address.
4) Basahin ang kanilang Privacy Policy, Terms of Use, at App Usage at iclick ang โI Agreeโ kung ikaw ay pumapayag.
5) Mag-sesend ang PDAX ng notification sa iyong mobile phone. Iclick ang link para mapagpatuloy ang iyong registration.
6) Mag set ng password.
7) I-enable ang 2-Factor Security. Ito ay additional layer ng security para masigurado na walang ibang tao na makakaaccess ng iyong account. (More on this sa susunod na topic dito sa article.)
8) Bumalik sa mobile app at mag log-in. Ang iyong PDAX account ay activated!
Paano i-secure ang PDAX account gamit ang 2FA
1) I-download ang Google Authenticator App sa iyong mobile phone.
2) Magpunta sa PDAX desktop version, magpunta sa โsettingโ at pinduting ang โsecurity.โ
3) Pindutin ang โAdd Newโ sa OTP para magenerate ang iyong 2FA QR Code.
4) I-scan ang QR code gamit ang iyong Google Authenticator app sa mobile phone. Magegegenerate ng code ang app, i-enter ang 6-digit code at iclick ang โConfirm.โ
5) Makakareceive ka ng email na kinukumpirma na ini-enable mo na ang 2FA.
Ano ang aking Transaction Limits sa PDAX?
Mas pinasimple ang cash-in at cash-out limits sa PDAX. Ang iyong account type ang magdedetermine sa iyong daily, monthly, at annual total cash transaction limits.
Account Type | Daily Limit | Monthly Limit | Annual Limit |
Unverified | Php 0 | Php 0 | Php 0 |
Verified | Pho 50,000 | Php 150,000 | Php 500,000 |
Premium | Php 100,000 | Php 400,000 | Php 3,000,000 |
Partner | No explicit limit | No explicit limit | No explicit limit |
Sa makatuwid kailangan atleast verified user ka upang makapag-trade sa PDAX.
Paano maging Verified User sa PDAX?
1) Bumali sa PDAX at iclick ang โUpgrade Accountโ sa โPortfolio Page.โ
2) Pindutin ang โPersonal.โ
3) I-fill out ang โBasic Informationโ Form. Siguraduhhing totoo at accurate ang iyong mga isinulat.
Wag na rin lagyan ng + ang mobile number. Click ang โNext.โ
4) Pumili ng ID na gusto mong i-submit. I-upload ang picture ng ID.
5) Kumpletuhin ang Biometric Check Requirement.
Magrerecord ka dito ng video selfie. Siguraduhin nasa lugar ka na maliwanag.
I-click ang โStart Recordโ pagkatapos ay i-submit.
6) Makakarecive ka ng email patungkol sa status ng iyong verification request.
Listahan ng ID na pwedeng i-submit sa PDAX
1) Passport
2) Driverโs License
3) SSS ID
4) UMID
5) Postal ID
6) PRC IS
7. Alien Certificate of Registration (ACR) o Immigrant Certificate of Registration (ICR)
Listahan ng Requirements para maging Premium User sa PDAX
Ito ang mga benepisyo pag ikaw ay isang Premium User sa PDAX:
Premium | Php 100,000 (Daily) | Php 400,000 (Monthly) | Php 3,000,000 (Annual) |
Para maging Premium User sa PDAX, importante na may atleast isa kang valid document na magsisilbing proof of income at isa pang valid document as proof of address.
Listahan ng Proof of Income na Tinatanggap ng PDAX
1) Payslip
2) Income Tax Return (ITR)
3) Bank Statement
4) Passbook
Listahan ng Proof of Address na Tinatanggap ng PDAX
1) Electric bill
2) Water bill
3) Telephone bill
4) Internet bill
5) Lease contract
6) Credit card bill
7) Barangay certificate of residency
Papaano Mag Cash-in ng Pesos sa PDAX
Ang instruction sa ibaba ay para sa mobile app:
1) Gamit ang iyong mobile app, iclick ang โWallet.โ
2) Sa ilalim ng PHP wallet, piliin ang โCash In.โ
3) Piliin kung gusto mo na Online, e-wallet, or OTC.
4) Ilagay ang iyong Cash-in amount.
5) Iclick ang โNext,โ pagkatapos ay ireview. I-click ang โConfirm.โ
6) I-check ang iyong email at sundin ang payment instructions.
7) Para sa Bank transfer, InstaPAY, at PESONet, magreply sa email ng PDAX kasama ang screenshot ng iyong deposit slip o proof of payment.
Papaano Mag Cash-out ng Pesos sa PDAX
Ang instruction sa ibaba ay para sa mobile app:
1) I-click ang โWalletโ pagkatapos ay pindutin ang โCash Out.โ
2) Pwede mong piliin ang Online, e-Wallet o kaya ay OTC.
3) Ilagay ang iyong cash-out amount. May minimum withdrawal na Php 200 at alalahanin ang convenience fee.
4) I-click ang โNextโ pagkatapos ay i-review ang detalye ng iyong transaksyon.
5) I-click ang โConfirmโ para makapagproceed.
6) Para OTC requests, i-check ang iyong email within 24 hours para sa iyong control number. Kapag ito ay iyong nareceive at ikaw ay magcacash out na sa pinakamalapit na cash-out branch, ilagay ito sa sender information: BDO Remittance Philippines o kaya naman ay Paynamics Remittance.
Cash-in Methods sa PDAX
Online:
- AUB
- Chinabank
- Eastwest Bank
- InstaPay
- Landbank
- Maybank
- PESONet
- PNB
- PS Bank
- RCBC
- Robinsons Bank
- UCPB Connect
- UnionBank
E-Wallet:
- Coins.ph
- GCash Wallet
- grabPay
- PayMaya
OTC:
- AUB
- Cebuana Lhuillier
- Chinabank
- Direct Deposit – AUB, PNB, Unionbank
- Eastwest Bank
- InstaPay
- Landbank
- Maybank
- PESONet
- PNB
- PS Bank
- RCBC
- Robinsons Bank
- UCPB Connect
- Unionbank
Papaano Magpasok ng Crypto sa PDAX
Maaari mong ideposit ang iyong crypto sa PDAX depende kung ito ay sinusuportahan ng platform. Wag magdedeposit sa maling address. (Halimbawa, wag magdeposit ng ETH sa BTC address.)
Ang instruction sa baba ay para sa mobile app:
1) I-click ang โWallet.โ
2) Piliin ang crypto na gusto mong i-deposit.
3) I-click ang receive.
4) I-scan ang QR code or kopyahin ang wallet address na nakadisplay
5) I-paste ang wallet address mula sa PDAX doon sa ibang platform or wallet na magsesend ng crypto papuntang PDAX.
6) Makakareceive ka ng notification once nadeposit na ang crypto sa iyong account.
Papaano Maglabas ng Crypto sa PDAX
Ang instruction sa ibaba ay para sa mobile app:
1) I-click ang โwallet.โ
2) Pilliin ang crypto na gusto mong i-send papunta sa PDAX.
3) Iclick ang โSend.โ
4) Ilagay ang amount na isesend.
5. I-scan ang QR code o kaya i-paste ang wallet address na tatanggap ng crypto. Pagkatapos ay i-click ang send. (Alalahanin na may withdrawal fee sa aktibidad na ito.)
6) Ikaw ay makakareceive ng email kapag successful na ang iyong cash out ng crypto.
Paalala tungkol sa Pag-deposit at Pag-Withdraw ng Crypto sa PDAX
1) Siguraduhing tama ang crypto na iyong isesend at sa tamang network.
2) ERC20 tokens (at hindi BEP-2, BEP-20, OMNI at TRC20 Address) lamang ang tinatanggap ng PDAX para sa mga sumusunod:
Kung hindi mo naintinihan ang ERC 20, BEP-20, at iba pa, magtanong muna sa PDAX customer support.
3) Ito ang tinatanggap ng BTC addresses ng PDAX: SegWit, Native SegWit, Bech32 Address.
PDAX Mobile App: Basic Mode
Tignan natin kung anong makikita sa BASIC MODE ng PDAX Mobile App.
1 ) Info, Lightning Icon, at History (Pindutin ang Lighting Icon para magtoggle between Pro at Basic Mode.)
2) Convert or Set Price
3) Ang crypto na icoconvert
4) Amount
5) Percentages
6) Estimated Crypto Quantity
Paano Bumili o Magbenta ng Crypto sa PDAX Gamit ang Basic Mode
1) Sa PDAX mobile app, iclick ang โTradeโ
2) Piliin ang crypto na gusto mong bilhin
3) I-toggle sa Basic Mode gamit ang Lightning Icon sa upper right ng app.
4) Kapag ikaw ay nasa Basic Mode na, i-click ang convert.
5) Ilagay ang amount na gusto mong bilhin sa pesos (or ibenta na crypto). Maari mo ring gamitin ang mga percentage allocations.
(Ang minimum order para sa aktibidad na ito ay Php 50. Ang trading fee ay 0.5%.)
6) I-click ang โconvertโ at i-review ang detalye ng iyong transaksyon.
7) I-click ang โconfirmโ upang magproceed.
8) Makakareceive ka ng email oras na maging successful ang iyong trade.
Ang transaksyon sa itaas ay gumamit ng โmarket orderโ, ibig sabihin, kung ano ang presyo ng crypto sa merkado, yun ang magiging presyo ng iyong binili. Ngunit papaano kung gusto mong bilhin ang crypto sa presyo na gusto mo? Narito ang stepsโ
1) Pagkatoggle mo sa Basic Mode, i-choose ang โSet Price.โ
2) Sa amount, ilagay ang presyo na iyong gusto.
3) Ilagay ang quantity ng crypto na gusto mong bilhin. Ang trading fee para dito ay 0.4%.
4) I-click ang โorderโ pagkatapos ay i-review ang detalye ng transaksyon.
5) I-click ang โconfirm.โ Makakatanggap ka ng email sa oras na maging successful ang iyong trade.
PDAX Mobile: Pro Mode:
Tignan natin kung anong makikita sa BASIC MODE ng PDAX Mobile App.
1) Coin Info, Lightning Icon, History. (Pindutin ang Lightning Icon upang magtoggle between Pro Mode at Basic Mode.)
2) Market or Limit: (Market – Mag-eexecute agad ang iyong trade. Limit – mag eexecute lang ang trade kapag na-meet ng market ang price mo (mayron ng gustong bumili or magbenta sa halaga na iyong ini-specify.)
3) Buy or Sell
4) Quantity
5) Amount
6) Percentages
7) Information ng Trade
8) Order Book. (Ang nakikita niyong kulay pula o berde sa order book ay depende sa dami ng gustong magbenta o bumili sa halagang naka-specify.)
Paano Bumili o Magbenta ng Crypto sa PDAX Gamit ang Pro Mode
1) Gamit ang โLightning Iconโ sa mobile i-select ang Pro mode.
2) Pwede ka bumili or magbenta gamit ang โmarketโ na kapag sinelect mo ay mabebenta or mabibili mo ang crypto ayon sa prevailing rate sa oras ng transaction.
3) Maari mo ding gamitin ang โLimitโ kung saan ay pupuwedeng mong ilagay kung magkano mo gustong bilhin or ibenta ang crypto.
Bakit Nagtetrade saPDAX
1) Sila ay lisensyado ng BSP.
2) Maari kang mag limit order. Ibig sabihin ay pwede ka magset ng presyo ng iyong trade
3) Madaming Cash-in at Cash out options. Dahil supported ang InstaPAY at PESONet, maara kang magtransfer mula sa mga partner banks at financial institutions nito. (Alamin: Listahan ng PESONet at INSTAPay paticipants)
4) Promos – madalas nagpropromo ang PDAX kapartner ang mga lokal na merchants gaya ng Grab.
PDAX Arbitrage
Ang arbitrage ay paraan kung saan bumibili ng crypto sa mas murang halaga sa isang exchange at ibebenta ito sa isa pang exchange na mahal naman ang halaga ng iyong ibebeta.
Kung mura ang XRP sa PDAX, maari kang bumili dito at ibenta sa isa pang exchange kung saan mas mataas ang presyo ng XRP.
Kung mas mahal ang XRP sa PDAX, maari kang bumili sa bang exchange na mas mura ang presyo ng XRP, pagkatapos ay itransfer at ibenta ito sa PDAX kung saan ay mas mataas ang presyo ng XRP.
PDAX Final Remarks
Sa ngayon, higit sa sampu ang may lisensya mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas upang maging isang “virtual currency exchange” o “virtual asset service provider.” Marami ring international cryptocurrency exchanges at peer-to-peer trading platforms. Sa lokal na industriya ng crypto, PDAX lang ang siyang may pangunahing produkto na crypto exchange – kung saan pwede kang bumili o magbenta ng crypto ayon sa presyo na iyong gusto.
Note: Ang article na ito sa BitPinas ay ginawa upang magbigay ng impormasyon sa mga mambabasa. Hindi ito financial or investment advice.
Ang article na ito ay ginawa in collaboration ng PDAX at BitPinas: How To Use PDAX: Local Crypto Trading Platform (Tagalog Guide)
ok po pero kahit anog araw mag wedrow ay pwedi poba
oho