Advertisement PDAX Banner

Crypto Trading 101 – Long VS Short (Tagalog Guide)

Photo for the Article - Crypto Trading 101 - Long VS Short (Tagalog Guide)

Translated by Arzen Ong from: Crypto Trading 101 โ€“ Long vs Short

Basahin ang iba pang How To Guides articles sa BitPinas.

Ang crypto industry na marahil ang pinaka-volatile na merkado sa buong mundo. Sa ngayon, nagkakaroon ng daily price swings sa pagitan ng 10-20 percent. Mas malala pa ito noong 2017 bull market.

Nagresulta ito ng pagdagsa ng mga traders at speculators sa crypto market sa pag-asang magkaroon sila ng malaking kita mula sa pataas at pababang paggalaw ng presyo nito. Marami ang naging milyonaryo sa panahon na ito dahil narin dito, at karamihan sa kanila ay mas bata pa sa trenta (30) anyos. Ngunit kalaunan ay marami din sinawing-palad dahil sa pag pagdausdos ng merkado bandeng Pebrero ng 2018, na tumagal pa ng ilang buwan. Maraming investors ang nalugi sa panahon na ito.

At dahil na din dito, mas mainam kung hindi natin tatratuhin ang crypto trading na parang sugal. Ang pagiging handa ng isang trader ang magbibigay abilidad sa kanya na gumawa ng mga plano base na rin sa kondisyon ng merkado bago pa siya mag desisyon kung itutuloy ba niya ang kanyang mga transaksyon.

Advertisement PDAX Banner

Gaya nga ng sikat na kasabihan sa mundo ng finance, “buy low, sell high”. Madali itong sabihin pero sa totoo lang ay mahirap din itong gawin, dahil wala namang tao ang tunay na nakakaalam ng magiging bagong presyo ng isang asset sa hinaharap, kung ito man ay tataas o bababa. Ang pinakamainam na maaari nating gawin ay mag-research ng masinsinan at sabayan na din ito ng technical analysis.

At pagkatapos, maaari kang mag “Long” o mag “Short”.

Long

Ang pagkuha ng “Long” na posisyon ay nangangahulugan na inaasahan mong tataas ang presyo ng isang cryptocurrency sa hinaharap. Simple lang ang ideyang ito, bibili ka ng partikular na cryptocurrency ngayon at maghihintay kang tumaas ang presyo nito.vv

Kapag tumaas na ang presyo ng nasabing cryptocurrency, maaari mo na itong ibenta, o di kaya’y hintayin pa na lalong tumaaas ang presyo nito. Posible na mag “long” ka ng pangmatagalan gaya ng ginagawa ng ibang Bitcoin ‘Hodlers’. Kaya nga lang, base na din sa historical data, hindi ito magandang estratehiya lalo na kung layunin mo ay pangmadaliang kita. Kahit pa sabihin natin na balang araw, ang Bitcoin ang maging pinaka popular na ‘currency’ sa buong mundo, dadaan at dadaan pa rin ito sa maraming ‘market cycles’ at malalampasan mo ang posibilidad na pagkakitaan ang mga ito.

Short

Ang pagkuha naman ng “Short” position ay ang kabaligtaran. Ibig sabihin nito ay naniniwala ka na bababa ang halaga ng isang cryptocurrency. Ang mangyayari ay pupusta ka laban sa cryptocurrency na ito dito dahil naniniwala ka na posibleng overvalued ang kasalukuyang halaga nito, o dahil may inaasahan ka na ‘pangyayari’ na magdudulot sa pagbagsak ng presyo nito. 

Ang ibig sabihin nito ay kapag nag “Short” position ka, ibebenta mo na ang iyong token sa lalong madaling panahon. Hindi ito nangangahulugan na tuluyan ka ng nawalan ng tiwala sa cryptocurrency na iyon. Sa katunayan, kadalasan ay marami din tao ang bumibili ulit ng kanilang nai-“short” na cryptocurrency kapag malapit na ang pagtatapos ng short position nito, sa kadahilanang kaakit-akit na ulit ang mababang halaga nito.

Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Crypto Trading 101 – Long VS Short (Tagalog Guide)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.